Nakangiti lang ako kay Thomas habang hawak niya ang kamay ko. Nagdadrive parin siya at medyo matagal tagal pa ang byahe dahil rush hour narin kasi. Sa tuwing sumasakto kami sa stop light, ngingitian niya ako. Naisipan kong ilabas ang phone ko. Nakita kong ang daming mga texts pero hindi ko yun pinansin at pinindot ko ang camera.
"T, smile." biglang saad ko sa kaniya, nagulat siya tapos ngumiti siya ng nakapikit. Pinicturan ko siya at natawa ako kasi nagwawacky din siya. Saktong huling kuha ko sa kaniya ay naggreen light narin kaagad. Binitawan muna niya ang kamay ko at nagfocus siya sa pagdadrive.
Naisipan kong ipost ang picture niya sa Instagram at Twitter ko.
You made me smile, thank you @ThomasTorres #MyCapt
@JaceeyTintinPinatay ko kaagad ang phone ko at ibinalik to sa bulsa ng dress ko. Nakatingin lang ako kay Thomas habang nagdadrive.
"Stop staring, pretty." nagulat ako sa kaniya at bumalik na ako sa ulirat ko at natawa.
"Sorry, you look really handsome when you're serious. I kinda like it than the friendly one." nakangisi kong sagot sa kaniya, napatingin naman siya sakin at nagpout.
"Hmm. We'll see then. And by the way, we're here." nakangiti siyang tumingin sakin habang ako naman ay napatingin sa bintana.
"Dyan ka nalang magpark, ako na bahala dyan." sagot ko sa kaniya at nagpark narin siya kaagad. Nang makapagpark siya, tinanggal ko kagad ang seatbelt ko nang nagsalita siya.
"Wait for me." dali dali siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Anebe, kinikilig ako. Napangiti ako sakaniya at kumindat naman siya sa akin. Wuuuh. Nakakaloka tong si Thomas eh.
Nang isara niya yung pinto, lumapit siya kaagad sakin at naglakad papasok ng building. Pumasok kami sa lobby at saktong kakabukas lang ng elevator, hinatak ko ang kamay ni Thomas at nagmadaling pumunta sa elevator. Natawa siya sakin at sumunod nalang din.
Nang makapasok kami ng elevator, pinindot ko na ang floor kung nasaan ang apartment ko. Ngayon ko lang naalala na andito pa nga pala yung mga bunsong kapatid nina Ricci. Hinihintay naming bumukas yung elevator nang naisipan kong hubadin na yung heels, dahil sobrang maga na ata ng paa ko. Nung hinuhubad ko ito, napatingin sa akin si Thomas. Lumuhod siya para tulungan akong hubarin yung strap ng heels ko. Natanggal niya ito at tumayo na rin kaagad.
"Thank you, ang sakit na rin kasi ng paa ko. Sorry. Haha" tumawa ako nang nakita kong ngumiti siya ng wala ng mata.
"Why--" ting. Andito na kami sa floor kung saan ako nagstastay. Lumabas kami at nasa likod ko lang si Thomas na pinagmamasdan yung mga design ng walls. Nakarating kami sa may pinto nang hindi nagkikibuan, inilagay ko ang password at bumukas din kaagad ang pinto. Umatras ako at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...