Chapter 11

642 17 0
                                    

Nang makalabas kami ng kotse ay may sumalubing saamin. Napatingin ako kay Ricci na nagkakamot ng ulo niya. Pagbaba niya, lumapit siya kagad dun sa babae na mga nasa 30-40ish years old.

"Ma." sagot niya ng nakangiti at niyakap niya ito ng mahigpit. Lumapit ako, at sakto namang nakabitaw na siya sa Mama niya.

"Hello, hija. Ano pangalan mo?"

"Jace po. Kristine Jace Paraiso po Ma'm."

"Haha. Ano ka ba? Tita nalang. Tita Abi." sagot niya sa akin at nakipagshake hands naman ako.

"Hehe. Hello po." sagot ko ulit at tinignan ko si Ricci na nakangiti.

"Ah Ma, siya yung pinsan ni Brent." ngumiti siya sakin at nagulat.

"Ikaw ba yun? Naku. Kay gandang bata mo." nakangiting sagot niya sakin.

"Opo hehe, swerte ko nga po eh. Hindi natulad yung ilong ko kay Brent." nakangiti kong sagot sa kaniya, napatawa siya ng malakas at napatingin ako kay Ricci na natutuwa sa nakikita niya.

"Haha, nako. I like you na hija. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Brent yung secret nating dalawa. Oh siya, anak. Pasok na kayo, kanina ka pa hinahanap ni Riley." sagot niya sa amin at inakbayan ako ni Tita Abi at isinama ako sa loob. Bago kami makapasok sa loob, nasa likod namin si Ricci at nang tignan ko siya nakangiti siya at pinicturan kami ni Tita Abi nang hindi niya alam.

Pagkapasok naman namin, nakahiga si Brent sa sofa katabi yung isang batang mga nasa 12 years old. Tapos si Kuya Prince nakikipaghabulan dun sa maliit na bata, sigurp ito yung pinakabunso. Hinanap ko si Rasheed sa buong living room, wala sya. Nang makapasok kami, biglang may yumakap sa legs ko.

"Hi!" sagot niya sa akin, napangiti ako at umupo ako sa lapag para magkaharap na kami. Inilabad niya kamay niya.

"I'm Riley po. You po?" nakangiting nyang tanong sa akin. Inilabas ko ang kamay ko at nakipagshake hands.

"Jace. I'm Jace po." sagot ko naman at napatigil siya.

"You're Jace po? Your kuya Ricci's girlfriend?! Kuya Prince andito na po yung sabi niyong girlfriend ni Kuya!" sigaw niya na ikinagulat ko, natawa ako nang hindi lumabas si Kuya Prince. Tinignan ko si Ricci na nakapout na, asar na to sa kuya niya. Natawa ako kaya sumagot nako.

"Yes po. Ako po yun kuya Riley." sagot ko sa kaniya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Napatayo ako at binuhat sya habang yakap ko parin. Naririning kong natatawa siya habang umiikot ikot kaming dalawa, napatigil kaming dalawa nang biglang hinawakan ni Ricci yung kamay ko na hindi namsn nakita ni Riley. Tinignan ko siya at tumango ako.

"You owe me one. Rivero." sagot ko sa kaniya at napangiti naman siya. Ibinaba ko na si Riley at umupo sa gilid ng sofa kung saan nakahiga si Brent. Tumabi sa akin si Brent at tinignan ako.

"Why?" sagot ko sa kaniya. Napailing siya at ngumiti.

"You look happy." sagot niya sa akin at ngumiti ako. Maya maya, tumatakbo na sa akin si Riley at nagtatago.

"Ate! Ate! Let's go up! Tago po tayo kay Kuya Ricci. He's counting na!" sagot niya sa akin at hinahatak ako. Paakyat na kami sa may hagdanan, nang nakita ko si Tita Abi. Tumango siya at hinayaan na akong makipaglaro at umakyat kasama si Riley.

Pagakyat namin ni Riley, dinala niya ako sa isang kwarto na may dalawang bunk beds. For sure dito siya natutulog. Tapos hinatak niya ako sa kama at nagtalukbong kami. Nakatingin lang siya sakin at sinesenyasan ko siyang huwag siyang maingay. Maya maya pa ay narinig na namin ang boses ni Ricci na papasok sa kwarto.

"Jace, Riley. Nasaan kayo? Huhulihin ko na kayo." sagot niya at napakapit sakin si Riley. Nagtago siya sa dulo ng kama, tapos ako yung andito sa harapan ng kama. Kumbaga ako yung unang makikita pag hinanap. Naramdaman ko na nakalapit na samin si Ricci at naririnig ko siyang tunatawa samantalang itong si Riley nakapikit at nagtatago. Nakatago lang kaming dalawa nang maramdaman kong may yumakap sa akin sa labas ng kamay.

"Jace, let's stay like this muna. Please?" bulong niya saakin at nararamdaman ko yung katawan niya nakahiga narin sa kama. Etong si Riley nakapikit naman at hawak ang left hand ko. Dahan dahan kong tinanggal yung kumot sa ulo ko, at pagsilip ko ay saktong nakatingin sa akin si Ricci. Nagulat ako kasi sobrang lapit na pala ng muka niya sa muka ko. Napangiti siya at tinitigan lang ako. Ngumiti ako at naramdaman ko nalang bigla yung labi niya nasa forehead ko. Napangiti ako at hinawakan ko ang muka niya. Hindi ko na kinaya kaya tinanggal ko na buong kumot at nagsalita.

"Okay! Nahuli na tayo ni Kuya Ricci, Riley. Haha!" sagot ko at uupo sana ako sa kama nang biglang...

BBOOOOOM!

-
End of Chapter 11

No votes, no updates guys! :)

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon