Tinignan ko si Ricci na nahihirapan pumili ng ulam na kakainin ko. Dahan dahan kong tinapik yung braso niya, napatingin naman siya kagad.
"Mamaya na ako kakain, iaakyat ko nalang muna to si Riley sa kwarto nila, samahan mo ko." sagot ko sa kaniya at tumango siya.
"Ah, Tita. Tito. Iaakyat ko muna po ito si Riley sa kwarto nila. Huwag niyo na po ako hintayin, kain lang po kayo. Hehe." nakangiti kong saad sa kanila.
Ngumiti si Tito at Tita na nagkatinginan muna bago tumango sa akin, dahan dahan akong tumayo at binuhat si Riley.
"Ricci, nak. Samahan mo muna si Jace ha?" sagot ni Tito Pao kay Ricci, tumango si Ricci at nauna nang naglakad.
Paakyat kami ng inalalayan ako ni Ricci, hawak niya yung isa kong braso at inaalalayan niya yung likod ni Riley.
Nakaakyat na kami sa pinakataas ng hagdan, at mas nauna na ako naglakad nasa likod ko lang siya."Cci, patayin mo yung ilaw. Then magbukas ka nalang ng lampshade" sagot ko sa kaniya habang hinihintay ko siyang mapatay yung ilaw. Nang mapatay na ni Ricci ang ilaw, pumasok na ako habang hinehele ko si Riley at dahan dahan kong hiniga si Riley. Sa sobrang antok nitong batang to, hindi na niya siguro namalayan na naihiga ko na siya sa kama. Inayos ko ang kumot at unan ni Riley bago umupo sa lapag at titigan siyang mahimbing ang tulog.
Tumabi sa akin si Ricci, hinawakan niya yung kamay ko. At nakaramdam na naman ako ng tuwa na hindi ko maexplain. Humarap ako sa kaniya at nakita kong nagcecellphone siya.
"Ricci, can I tell you something?" sagot ko sa kaniya at tumingin siya sa akin. Ibinababa ang kaniyang cellphone sa lap niya at humarap nang tuluyan sa akin.
"Kamahal mahal ba ako?" sagot ko sa kaniya na tila naguguluhan siya.
"Ha? Bakit mo naisip yan?" sagot naman niya sakin at lumapit siya ng kaunti. Humarap ako kaniya at tinignan siya.
"Kas---" sasagot sana ako pero naramdaman kong naglapat ang aming mga labi. Hinawakan niya ang muka ko, at lumapit pa siya sa akin. Napapikit ako at hinawakan ko ang kanyang muka. Ilang minuto naging tahimik ang paligid, at kumalas narin ako sa pagkakahalik niya. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Kamahal mahal ka, tandaan mo yan." sagot niya sa akin bago tumunog ang cellphone niya.
one message received from BDLRivero.
Napangisi ako saka ko siya tinignan. Napabuntong hininga siya at tumingin sakin. Binasa niya ang message at nanlaki ang kaniyang mata. Napatingin sa akin na tila humihingi ng pasensya.
"Shit. Nasa baba si Bea." sagot niya sa akin at dali dali siyang bumaba. Bago pa magkagulo ang lahat, habang ako naiwan dito sa kwarto na nakasandal sa kama ni Riley. Naisipan ko nalang tumabi kay Riley at humiga. Nagkumot ako at pumikit nalang din.
Ilang minuto ang nakalipas, hindi parin ako dinadalaw ng antok. Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi ko na tinignan kung sino pumasok. Humawak lang ito sa bewang ko at kumakanta ng mahina..
Tulog na, mahal ko.
Hayaan na muna
Natin ang mundong ito
'Lika na, tulog na tayo..Tulog na, mahal ko
Huwag kang lumuha
Malambot ang iyong kama
Saka na mamroblemaTulog na, hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na..Dumilat ako at humarap ako sa kumakanta. Si Ricci, nakatingin siya sakin at naluluha. Dahan dahan akong umalis sa kama at umupo sa lapag, katabi niya. Wala na siguro sila ni Bea, halatang nasaktan siya sa expression palang ng muka niya.
"Bakit? May problema ba Ricci?" sagot ko sa kaniya, tumingin siya sakin at dun na bumuhos ang iyak niya.
"Wa-wala na kami ni Bea." sagot niya sa akin na nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. Mahal niya talaga si Bea, at masakit sa kaniyang iwan ito.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanficA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...