9:30am.
Nagising ako nang tumunog yung alarm ko. I woke up with a heavy heart, this is it. Tumayo na ako kagad at inayos ang kama. Nang matapos kong ayusin to, nakaramdam ako bigla nang panghihina. Napaupo ako sa lapag, pero pinipigilan ko paring umiyak. Dahil pag umiyak ako, tuloy tuloy na 'to. Kinuha ko ang phone ko at tetext ko sana si Brent, pero naalala ko na nasa training nga pala sila ngayon. So that means, magisa na naman ako. Napabuntong hininga ako at naisipan kong kumain muna bago maligo, pumasok muna ako sa bathroom at ginawa ko na rin kaagad ang akin skincare routine. Nang makatapos na ako, lumabas ako at dahan dahang naglakad.
Nagulat ako nang may narinig akong mga tao sa labas, naglakad ako papunta sa living room at nagulat ako sa nakita ko. Sila Tita Abi, pero mukang wala sila Brent. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko, pero napaupo ako at naramdaman kong nilapitan ako ni Tita Abi.
"Good morning anak!" hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ng mahigpit.
Tinignan ko siya kahit maluha luha na ako, at niyakap siya pabalik."Good morning po." sagot ko sa kaniya nang tinulungan niya akong tumayo. Sumunod ako sa kaniya habang naglalakad.
"Nag-grocery kasi kami kanina nak, naisipan naming daanan ka na rin. Nagluto kami ni Tito Pao mo. Tara anak, kain ka na dun. Kanina ka pa hinihintay ni Riley." sagot niya sakin at hawak hawak niya kamay ko.
Nasa pinto palang kami ng kitchen, naririnig ko na ang tawanan ng mga bata. Napangiti ako ng makita kong kumakain sina Brent, tumango siya sakin.
"Don't worry, nagpaalam kami kay Coach ngayon. Kaya sasamahan ka namin, huwag ka ng magalala sa training namin. Basta, pumayag si Coach. Okay?" nakangiting sagot niya sa akin, at napatingin narin sina Ricci sa akin na kanina ay nakatalikod. Ngumiti si Ricci at pinalapit ako sa kanila. Binitawan ni Tita Abi ang kamay ko at tuluyan na akong naglakad papunta sa mga prince charming ko today.
Nang makalapit ako, tumayo si Kuya Prince at niyakap ako. Napayakap din ako. Kumalas siya at pinatabi na ako sa tabi ni Ricci. Umupo ako at tinignan silang lahat.
"Good morning everybody!" ngumiti ako at tinignan si Ricci.
"Good morning." nakangiti kong sagot sa kaniya at tumango lang siya. Hinawakan niya yung ulo ko at ginulo ako buhok ko nang naramdaman kong may pumalo sa braso ko.
"Ouch!" napatingin ako sa pumalo sa braso ko. Si Riley! Napangiti ako at dahan dahan siyang inupo sa lap ko.
"Hi baby, good morning po Kuya Riley.." paglalambing ko sa kaniya, nakapout ang bata at mukang tinotoyo.
"Oh, bakit nakanguso yang batang yan. AH. Ikikiss nalang kita baby, okay?" pangaasar ko kay Riley, hinawakan ko ang dalawang pisngi nya saka siya kiniss. Napangiti ng malakas ang bata, at pinalo si Ricci ng malakas. Nagulat kami.
"Aray! Riley, bakit pinalo mo ko?" sagot ni Ricci habang hawak niya yung binti niya. Natawa si Riley.
"Kasi ikaw Kuya eh, hindi mo inaalagaan si Ate Jace." sagot ng bata saka tumakbo kay Tita Abi. Napatingin ako kay Riley na hanggang inaasar ang kuya niya, sinamaan lang siya ng tingin ni Ricci. Nang tumingin ako kay Ricci, binelat ko rin siya, napakamot siya ng ulo at natawa nalang.
Halos ilang minuto din na puro katatawanan ang nangyayari, natapos nang magluto si Tito Pao at kumain na rin kami kaagad. Habang kumakain kami, nagsalita si Tito Pao.
"Jace, nak. Gusto mo ba tayo magsundo sa mga kapatid mo? Or paguwi nalang nila?" pagaalala niyang tanong, dahan dahan kong tinignan sina Brent na nakatitig na pala sakin saka ako humarap kay Tito Pao.
"Pag naayos nalang po sila, saka ako pupunta dun." sagot ko kay Tito nang nakayuko. Hinawakan bigla ni Ricci ang kamay ko na nasa lap ko. Iniikot ikot nya yung thumb nya sa mga daliri ko, he's making sure I'm okay. Tumango si Tito Pao at kumain narin kagad.

BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
Fiksi PenggemarA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...