Shangrila Makati
Marj, Katrina and Jorge quickly walk to the bar to stop Sunshine from drinking “Tama na yan Sinag. Grabe kang tumungga, para kang may pinagdadaanan” Jorge said
“Ok pa ako Jorge, don’t worry kaya ko ‘to, fifth shot pa lang ‘to” Sunshine replied
“Tangina ka Jasper, bakit mo binigyan ng hard drinks si Sunshine? Wala kang kupas eh, siraulo ka pa rin talaga” Katrina rants
“Hello Katrina, nice to see you again sweetheart” Jasper said
“Sweetheart your face, gago ka” Katrina answers back
“Such a mean greetings sweetheart, don’t you miss me?” Jasper replied to Katrina
“Fuck you Jasper” Katrina said. “Sige na Marj, ilayo nyo yang si Sinag dito sa lalaking ‘to at wala namang matinong gagawin to. Ako na ang bahala dito” she added
“Nasaan na ba kasi si Benji?” Jorge asked as he and Marj pulls Sunshine away from the bar
“Si Benji? Sus syempre kasama yung girlfriend nya, malamang nagmomomol na yun sa labas, check nyo” Sunshine said while unconsciously giggling
“Nag text na ako kay Benji, hindi ko rin kasi makita kung nasaan eh, bigla na lang nawala” Marj said
“Ako na lang ang mag-uuwi kay Sunshine sa condo, hindi na ‘to pwedeng magtagal dito at baka kung ano pa ang gawin mas nakakahiya” Jorge said
“Uuwi na? No way, the party just started, hindi pa ako pwedeng umuwi. This party is for me remember?” Sunshine said giggling
“Gaga, lasing ka na, kaya dapat ka nang umuwi. What is happening to you Sinagtala? Alam mo namang sobrang mabilis kang malasing kapag uminom ka ng wine tapos susundan mo ng hard drinks. Nag-iisip ka ba at dito ka pa talaga magkakalat sa sarili mong party? Pasalamat ka wala dito si Mang Teddy kundi siguradong bartolina ka ng tatay mo” Jorge rants
“Are you mad at me Jorge? I’m sorry my friend, hindi naman ako lasing eh, alam ko pa rin naman ang ginagawa ko” Sunshine said and quickly enveloped her arms to Jorge. “Shit, wait lang umiikot ang tingin ko” she said
“As expected, Sinagtala. Kapag binitawan nga kita dito siguradong bubulagta ka eh. Tangina ka umayos ka nga baka mapagkamalan kang jowa ko” Jorge said
“Sorry na my friend, Mahal mo naman ako eh, kayo na nga lang ni Katrina ang tutoong nagmamahal sa akin, please don’t get mad at me” Sunshine repeatedly said, eyes closed
“Ano bang pinagsasasabi mo? Saan galing yang mga hugot mo Sinagtala Obispo” Jorge asked
“I should have not leaved her with Jasper. Lagot ako nito kay Benji malamang” Marj said
“Sabihin mo kay Benji ako na ang naghatid kay Sunshine sa condo bago pa magkalat ang babaing ito dito” Jorge told Marj
“Ok ako na ang bahala, ipapahatid ko na kayo kay Mang Lando, para makabalik ka for Katrina” Marj said
“Bantayan mo si Katrina, yung mga linyahan nun kanina, feeling ko may past yan at si Jasper baka pati yun magkalat dito, nakakahiya sa mga bisita nyo” Jorge said
“Ok, ako na ang bahala kay Katrina” Marj said “Jorge, maraming salamat ha” she sweetly said
“Walang anuman, at utang na loob wag kang magpa-cute sa akin. Bakla ako teh, baka agawan kita ng boyfriend” Jorge replied
BINABASA MO ANG
Love Thy Neighbor (Completed)
FanfictionBenji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only child of their widower fathers, Gabriel Rosales and Teddy Obispo. They parted ways during college wh...