Candelaria, Quezon
Benji made a few calls to RHC while waiting for Sunshine to get ready for work at Sinagtala before he went to Tatay Teddy's room to check on him. He too notices the sadness of the old Obispo and he knows that it is because of Sunshine's coming trip back to Paris.
"Tito Teddy" he calls and knocks at Tatay Teddy's room
"Pasok ka Benji" Tatay said from the inside.
Benji saw Tatay Teddy sitting on his La-z-boy, eyes closed. "Ok lang po ba kayo Tito Teddy? Masama na naman po ba ang pakiramdam nyo?" he worriedly asked
"Ayos lang ako iho. Hindi pa ba kayo pupunta sa tindahan?" Tatay Teddy asked
"Nagbibihis lang po saglit" Benji replied "Nag-aalala po kami ni Sinag sa inyo Tito Teddy" he added
"Bakit naman kayo mag-aalala? Ayos lang ako at sasabihin ko sa inyo kung masama ang pakiramdam ko" Tatay Teddy declared
"Ilang araw ko na rin po kasing napapansin na matamlay kayo" Benji said
"Hindi ko lang mapigilang malungkot, kasi magkakahiwalay na naman kami ang anak ko Benji" Tatay Teddy replied. "Pero sa umpisa lang ito, siguradong mga ilang araw lang na wala si Sinag, mababawasan na ang lungkot ko, kasi ipinangako nya sa akin na lagi nya akong kakamustahin. Pasensya na kayo kung binibigyan ko kayo na alalahanin. Hayaan mo at mawawala rin ito" he added
"Tito, kung may iba po kayong nararamdaman sabihin nyo po agad sa akin ha, saka kung may gusto po kayo, gagawan ko ng paraan" Benji said
"Kung ang gusto ko ay magpakasal na kayo ni Sinag, gagawan mo rin ba ng paraan Benji?" Tatay Teddy asked smiling
"Agad-agad po? Bakit nyo naman po gustong magpakasal kami agad?" Benji asked
"Para hindi na umalis si Sinag" Tatay Teddy replied
"Sa tingin ko po marami pa po syang pwedeng gawin to improve herself and susuportahan ko po sya sa mga gusto nyang gawin. Mas marami pa po syang mapapatunayan sa sarili nya if I let her spread her wings further. I am willing to wait for her Tito Teddy. At sabi mo nga di ba, dun ako dapat kakapit sa pagmamahal ni Sinag sa akin at iyon po pinaghahawakan ko" Benji explained
"Ibig mong sabihin, hindi pa handa si Sinag na mag-asawa?" Tatay Teddy asked
"Opo, atsaka Tito kahit po handa na si Sinag mag-asawa hindi pa rin po pwede kasi may clause po sa contract ni Sinag na hindi sya pwedeng mag-asawa habang effective pa ang contract nya with Beverly. Mukhang magkakaroon po tayo ng mas malaking problema kapag bigla kaming nagpakasal ni Sinag. Atsaka ipinangako ko po kay Sinag na maghihintay ako kung kailan sya magiging handa. Kung mayroon po akong gusto gawin ngayon, yan po ay ang pakasalan na si Sinag but I also understand that she needs to do this for her to grow more" Benji said
"Kung ganon Benji, pwede bang ihanap mo ako ng pwedeng bumili ng kahit 30% shares ng Sinagtala?" Tatay Teddy said
"Bakit po natin ibebenta ang 30% shares ng Sinagtala Tito?" Benji surprisedly asked
"Gusto kong bilhin ang kontrata ni Sinag kay Beverly, para dito na lang ang anak ko kasama ko. Sabi nya gusto nyang mag-aral ulit, pwede naman nyang gawin yun dito di ba habang nandito sya at nagma-manage ng Sinagtala. Pero kung ayaw nyang hawakan ang Sinagtala pwede namang ituloy nya ang trabaho nya pero dito sa Pilipinas. Halos walong taon kong hindi nakasama ang anak ko Benji, parang nahihirapan akong isipin na pwedeng pagkatapos na naman ng halos walong taon saka na kami ulit magkikita" Tatay Teddy said
BINABASA MO ANG
Love Thy Neighbor (Completed)
أدب الهواةBenji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only child of their widower fathers, Gabriel Rosales and Teddy Obispo. They parted ways during college wh...