Candelaria, Quezon
Five months of Sunshine's training have passed just like a blink of an eye. In less than four weeks, she will be flying back to Paris for the remainings shows and an endorsement that was set aside to prioritized her stint at Sinagtala Grocery store.
"Malapit na naman pala na boses mo lang ang maririnig ko" Tatay Teddy said while he and Sunshine are watching the news.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa akin sa Paris Tay? Nandyan naman si Benji, he can run the Sinagtala from Manila" Sunshine said
"Konti na lang ang shares ni Benji sa atin para obligahin natin syang ubusin ang oras nya sa tindahan" Tatay replied
"We can run Sinagtala from Paris Tay, we can use the technology. Pumili na lang tayo sa mga empleyado natin ng alam nating mapagkakatiwalaan natin na pwedeng magmanage ng store in our behalf" Sunshine said
"Ikaw anak ayaw mo bang sumama na lang kay Tatay dito sa Candelaria? Hindi naman kita pipigilin sa trabaho mo basta lang sana yung hindi ka sobrang malayo sa akin. Malungkot ang malayo ka sa akin anak. Akala ko makakasanayan ko kasi halos walong taon na rin naman pero hindi talaga anak eh. Iba pa rin kung nandito ka at kasama ko" Tatay Teddy sincerely utterred
"Tay mas marami po akong opportunity sa Paris, kilala na po ako dun, unlike po dito sa Pilipinas parang mag-uumpisa ako ulit" Sunshine said
"Bakit ba hindi pa kayo magpakasal ni Benji?" Tatay asked
"Marami pa po akong gustong gawin Tay. Gusto ko nga rin pong mag-aral ulit" Sunshine said
"Maganda yan anak, pero pwede namang magpatuloy ka ng pag-aaral kahit may asawa ka na" Tatay Teddy said
"Tay, more than a year pa po ang contract ko kay Beverly. Hindi po ganon kadaling kumawala sa kontrata ko. Nakakahiya rin po kay Beverly kung basta ko na lang sya iiwan sa ere. Ang laki po ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko lang po sya employer, kaibigan ko rin po sya" Sunshine said
"Naiintindihan ko yun anak. Ang sa akin lang naman, gusto kong makasama ng mahabang panahon ang mga magiging anak mo. Gusto kong makita kung paano sila pagkatapos ng high school kasi hindi ko nakita yun sa iyo anak dahil nga nasa ibang bansa ka na nung mga panahon yon. Parang biglang tumigil ang oras ko simula nung umalis ka" Tatay Teddy said
"Kaya wag nyo pong papabayaan ang sarili nyo Tay para laki kayong malakas" Sunshine said
"Paano ako lalakas kung, ako na naman ang magbabantay ng tindahan. Si Puring na naman ang kasama ko at ang kasambahay. Gusto ko naman ng bagong makakasama dito sa bahay anak, mas maigi kung yun ay ang magiging pamilya mo. Gusto kong makitang lumaki ang mga apo ko, gusto ko silang makalaro at alagaan" Tatay Teddy said
"Tay naman eh pinapahirapan mo ako sa wish mo" Sunshine lamented
"Gusto mo bang ako ang kumausap kay Beverly para payagan ka na nyang manatili dito sa Pilipinas? O baka naman sadyang ayaw mo akong kasama kaya hirap kang magdesisyon kung mananatili ka dito sa Pilipinas o hindi" Tatay Teddy asked
"Hindi naman po ganun yun Tay, gusto ko nga po lagi kayo sa tabi ko kaya nga di ba gusto kong sa Paris na lang tayo tumira" Sunshine said
"Pasensya ka na kay Tatay ha anak, kung anu-ano na ang nasasabi ko. Nalulungkot lang kasi ako kapag naiisip ko na magkakahiwalay na naman tayo. Hindi na naman ako mapapakali sa pag-iisip kung maayos ba ang lagay mo, kung nakakakain ka bang mabuti o nakakatulog ng sapat sa oras" Tatay Teddy said
BINABASA MO ANG
Love Thy Neighbor (Completed)
أدب الهواةBenji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only child of their widower fathers, Gabriel Rosales and Teddy Obispo. They parted ways during college wh...