Chapter 59 - Take Care of Her

2.2K 232 14
                                    

Candelaria, Quezon

Benji brings Sunshine and Katrina to Padre Burgos but he immediately went back to Candelaria to check on some issues at Sinagtala. He was restless the whole day thinking about Mike having dinner with Sunshine's father.

He is not in his usual self because of his anxieties when he had a discussion with Tatay Teddy at Obispo residence.

"Pwede naman na kay Sinag nakapangalan yung 20% nung shares na bibilhin nya sa RGC hindi ba?" Tatay Teddy asked

"Pero gusto po ni Sinag sa inyo pa rin nakapangalan. Para po sa akin mas mabuti na ang ganon para mas malaki pa rin ang share na hawak nyo" Benji asked

"Kayo na nga ni Sinag ang bahala, tutal sa kanya na rin naman mapupunta ang lahat ng ito" Tatay Tedddy said "Hindi mo pa ba nakukumbinse si Sinag na manatili na lang ditto sa Pilipinas?"

"Ang tutoo po, hindi pa namin yan napag-uusapan. Tito Teddy nakita ko po kung gaano kasaya si Sinag sa trabaho nya ngayon. Kahit isang buong araw po syang humarap sa kamera wala pong angal. Ayoko pong kunin ang saya na yun sa kanya. Alam ko po, gusto nyong manatili na lang sya dito, yun din naman po ang gusto ko. Pero ayoko po syang pilitin, pasensya na po kayo" Benji said

"Naiintindihan ko Benji, nagbabakasakali lang naman ako na mahikayat mo syang dumito na lang at tulungan ako sa negosyo" Tatay Teddy said

"Mukha naman pong na-eenjoy na ni Sinag ang pagpapatakbo ng Sinagtala, baka po kapag natapos ang anim na buwan at bumalik sya sa Paris, hanap-hanapin rin nya ang tindahan. Malay po natin sa ganung paraan magdecide sya na dito na lang sa Pilipinas tumira kasama nyo" Benji said

"May katwiran ka naman Benji, nakita ko rin na nagugustuhan na ni Sinag ang pagpapatakbo ng tindahan. Nakita mo naman, kahit na maghapong nasa photoshoot, hindi pa rin pumapayag na hindi bisitahin ang tindahan kahit sandali lang" Tatay Teddy said

"Hayaan na lang po muna natin si Sinag, kailangan din po kasi nyang tapusin ang contract nya with Beverly. Maybe after her contract expires she could consider staying here in Candelaria" Benji replied.

"Kamusta kayo ng anak ko Benji?" Tatay Teddy asked

"Maayos naman po, minsan nag-aaway pero normal lang naman po yun di ba?" Benji replied

"Ang ibig kong sabihin, kelan kayo magpapakasal? Hindi ba matagal ka nang nagpaalam sa akin na magpo-propose ka? Ano natanong mo na ba? Wag mong sabihing nabasted ka?" Tatay Teddy asked

Benji smile and replied "Parang nabasted na rin po"

"Damuho ka bakit hindi mo sinabi sa akin? Gusto mo bang kausapin ko si Sinagtala?" Tatay Teddy said

"Naku wag na po, nagkaintindihan naman po kami ni Sinag. Marami pa po syang gustong gawin at hindi ko po pipigilan yun. Sinabi ko po sa kanya na willing naman akong maghintay" Benji replied

"Napakabagal mo naman bata ka. Hindi mo namana ang bilis ng tatay mo. Alam mo ba yang si Gabriel, bago pa naging nobya ang Mommy mo eh may naging nobya yan na napakatagal kong niligawan" Tatay Teddy said

"Talaga po naging karibal ninyo ang Daddy ko?" Benji asked

"Aba eh, malapit ko nang mapasagot ang dilag na yun eh, nung bigla ba namang lumipat dito sa Candelaria ang lolo at lola mo, kasama ang Daddy mo. Eh napakagwapo, mestisong bangus ba naman kaya maraming may crush baga. Ayun sya ang naging boyfriend nung nililigawan ko. Pero mabuti na rin ang ganun, kasi natuon naman ang pansin ko sa nanay ni Sinag" Tatay Teddy said laughing.

Love Thy Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon