PROLOGUE
"WHAT?! NABABALIW ka na ba?" Gulat na bulalas ng kaibigan ni Hiyasmin na si Sandy nang sabihin niya na balak niyang sumailalim sa artificial insemination. Ito 'yong isasalpak lang ang sperm sa obaryo upang mabuntis nang walang anumang sexual intercourse.
Hindi na siya nagpatumpik pa na sabihin kay Sandy ang plano niya na maging isang ina. Pagkaupo nito sa mahabang sofa, ay halos malaglag ito sa sahig dahil sa gulat. Naupo siya sa pang-isahang sofa at bumuntong hininga.
Tila hindi ito makapaniwala sa balak niya. Matagal na niyang pinag-isipan ang mga bagay na 'yon. Kung wala pa siyang mahanap na boyfriend o asawa, magpapa-artificial insemination na lang siya. "Magta-trenta na ako. Gusto ko naman magka-anak."
Lahat naman siguro ng mga babae ay pinangarap na maging isang ina at makabuo ng sariling pamilya. Ngunit hindi ata pinagkaloob sa kanya ng dyos na magkaroon ng makakatuwang sa buhay dahil hanggang ngayon, NBSB pa rin siya as in No Boyfriend Since Birth.
"E'di maghanap ka ng boyfriend o mapapangasawa mo?" Suhestyon nito.
Para namang ganoon lang kadali ang makahanap ng boyfriend. Ang dami pa namang fuckboy sa mundo.
"Dalawang buwan na lang at birthday ko na. Wala na akong panahon para makahanap?"aniya.
Sino ba naman ang magkakagusto sa isang magte-trentang katulad niya? Nilumaan na ng panahon at mawawala na sa kalendaryo. Malamang ang pipiliin ng mga lalaki ay mas bata at murang babae, hindi ang isang katulad niya.
"Kasi naman 'yong mga nirereto ko sa'yo, ayaw mo," pairap na ani ni Sandy.
"Hindi naman sa ayaw ko."
"Eh, ano? Iyong nireto ko sayo na isang rakista si Carl, tinakbuhan mo," ani ng kaibigan niya.
"Paanong hindi ko tatakbuhan? Kulang na lang pati ang mukha niya ay lagyan ng tattoo."
Naalala niya 'yon. Nakipag-blind date siya sa nireto ni Sandy na isang rakista. Pumayag siya nang malaman niya ang pangalan nito–Carl. Pangalan pa lang parang ang bait na, kabaligtaran pala. Napangiwi nga siya nang makita niya si Carl, puno ng tattoo ang katawan nito at may ngatngat pang bubble gum. Tinakbuhan niya.
"Ito pa si Vincent, ang yaman at ang gwapo na pero inayawan mo," anito.
Napakamot siya sa batok. Sumunod na nireto nito sa kanya ay si Vincent. Unang kita pa lang niya ay nagwapuhan na agad siya at nalaman din niya ang family background nito, galing sa mayaman na pamilya. Okay na sana kung hindi lang nagsalita. "Gwapo nga, mamamatay naman ako sa baho ng hininga 'non. Hindi ata nagto-toothbrush."
Hindi talaga niya kinaya sa baho ng hininga ng ka-date niya kaya nilayasan niya rin. Aanhin naman niya ang gwapong boyfriend kung mabaho naman ang hininga. Mabuti nga, kinaya niya na hindi mamatay sa hininga nito.
"Atleast, gwapo. Ay ito! Si Jerard, okay na sana, e. Nakatatlong date na kayo, tapos binasted mo."
Si Jerard 'yong nakatagal sa kanya. Pinayagan niya ang binata na ligawan siya at i-date ng tatlong beses. Malambing, maginoo at maalaga, pa-fall na nga siya noon, e. Ang kaso sa pang-apat na beses na date nila ay biglang may sumugod na babaeng buntis at sinabunot siya. Grabe! Nakakahiya dahil ang daming mga tao ang nanonood at nakikitsismis. Ang hinayupak, asawa pala 'non ang sumugod sa kanya. Pinagtanggol naman siya ni Jerard sa asawa nitong buntis. Pagkatapos nang nangyaring 'yon, hindi na siya nakipagkita pa kay Jerard at tinaguan niya ito.
"Anong gusto mo? Maging kabit ako. Hindi ko pinangarap ang maging isang kabit lang."
"Ang sabibin mo, choosy ka lang," Nakataas ang kilay na anito.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...