GOODBYE-SPECIAL CHAPTER
MAHIGPIT ANG PAGHAWAK NI Nyke sa kamay ng kanyang asawa, kahit ramdam niya na naghihina na ito dala ng katandaan. Hindi niya kayang tanggapin ngunit alam niya na ngayon na ang katapusan upang bitawan ang taong minamahal. Hindi pa niya kaya, ayaw pa niya ngunit talagang binabawi na ng dyos. Handa na ba niyang ibigay ang taong mahal sa langit?
"Ang ganda ng araw," mahinang wika ni Hiyasmin habang may ngiti sa mga labi.
Nakaupo sila sa blanket na nilatag ng kanilang mga anak sa damuhan. Nag-request si Hiyasmin na lumabas at mag-picnic sila.
Pinagmamasdan ang mala-berdeng lugar habang may mga ibon na nagliliparan. Mahangin at tila tahimik.
Nasa likuran siya ni Hiyasmin habang yakap niya ito at hindi binibitawan ang mga kamay ng isa't isa.
"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano kita kamahal?" lumingon ito sa kanya habang nangungusap ang mga mata.
Pinilit niyang ngumiti saka hinaplos ang pisngi nito. "Hindi mo na kailangang sabihin. I can see it in your eyes that you love me so much."
Naluluha ang mga mata nito. "Maganda pa rin ba ako sa paningin mo?"
"You're always beautiful."
"Kahit kulubot na ang mukha ko at kahit maputi na ang buhok ko?"
"Gaya ng lagi kong sinasabi sa'yo. Pumuti 'man ang buhok at kumulubot man ang mukha mo. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakita ko habang ako ay nabubuhay."
Her tears fall down in her cheeks. "Th-thank you for loving me."
Umiiling-iling siya. "No. Thank you for loving me. Thank you for given me a chance to love you again."
Ang daming pagsubok na dumating sa kanilang dalawa. Naging mapatatag pa rin ang pagmamahal na meron sila sa isa't isa. Muntik man silang naghiwalay dahil sa pagkakamali na nagawa niya noon. Hindi pa rin siya sinukuan ni Hiyasmin.
Ang pagmamahal hindi sinusukat kung ano man ang pagkakamali mo. Ang pagmamahal kaya kang tanggapin kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo. Katulad ng pagmamahal na binigay sa kanya ni Hiyasmin.
Muling sumandal si Hiyasmin sa mga bisig niya. Napahigpit ang yakap ni Nyke saka niya hinalikan ang buhok nito.
"Naalala mo ba noong muntikan na tayong maghiwalay? Akala ko hindi mo na ako mahal noon."
"Alam mong hindi ko magagawa ang lokohin ka," wika ni Nyke sa asawa. "It's you always been in my heart, kayo ng mga apo't anak natin. Tanging ikaw lang..."
Kung may hihilingin man si Nyke bago siya mawala sa mundong ito. Sana sa muli nilang pagkabuhay sa susunod na henerasyon ay sila pa rin ang itinadhana. Kung hindi man ay ang puso niya ang gagawa ng paraan para hanapin ang dalaga, at ipagpatuloy ang pagmamahalan.
"Wala na akong pangarap pa sa mundong ito. Lahat ay natupad na. May mga asawa na ang mga anak natin at magaganda't gwapong apo. Kuntento na ako. Pwede na akong mawala."
Umiiling-iling si Nyke. Hindi pa niya kayang bitawan ang kanilang sinumpaan noong sila ay kinasal. Gusto pa niyang makasama ang asawa.
"Huwag mong sasabihin 'yan." wika ni Nyke. Pinipigilan niya na mapaiyak ngunit ang kanyang puso ay sobrang naninikip. Lihim siyang nagdadasal na sana pagbigyan pa siya ng dyos kahit kaunting sandali lang...
Ngumiti si Hiyasmin. Nababasa ni Nyke sa mukha ng asawa na masaya na ito kung saan man ito magpunta. "Gusto ko ng magpahinga..."
"No!" Sunod-sunod siyang umiling. "Madamot ba ako kung sasabihin ko na huwag kang magpahinga?" May tumulo sa mga mata niya maging kay Hiyasmin. "Madamot ba ako kung hihiling ako na huwag ka muna niyang kunin sa'kin?"
Dahan-dahang inangat ni Hiyasmin ang kamay upang haplusin ang kanyang pisngi. Napapikit si Nyke habang walang awat ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Hindi na kaya ng katawan ko. Nanghihina na ako."
Sunod-sunod siyang umiling. "Ayaw ko pa rin. Hindi ko pa kaya..."
"Alam kong kakayanin mo para sa apo't anak natin."
"Alam mong ikaw ang buhay ko..." Hinawakan ni Nyke ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya. Dinala niya 'yon sa mga labi niya at hinalikan. "I love you... so much," mahina niyang wika habang lumuluha.
"Mahal na mahal din kita. Kayo ng mga anak natin at apo. Let me... rest," pakiusap nito.
Alam niyang naghihirap na ang asawa niya. Hindi na ito makalunok ng pagkain at malimit dinadala sa hospital dala ng katandaan. Ngunit, pinipilit nitong mabuhay dahil alam nito na hindi pa niya kaya. Hanggang ngayon ay hindi siya handa... hindi siya magiging handa.
Kahit masakit, dahan-dahan siyang tumango. For the last time, he kissed her with full of love and passion. Unti-unting nawawasak ang puso niya nang magkahiwalay ang kanilang mga labi.
Kinulong niya ito sa kanyang mga bisig, habang masuyong niyakap ng mahigpit na para bang aalis sa tabi niya. Pumikit ang mga mata niya habang hinalikan niya ito sa noo. "You... have... to..." Tumulo ang kanyang mga luha sa buhok ng asawa. "rest... now..." mabigat para sa kanya habang sinasabi ang mga 'yon.
Hindi niya matingnan ang mukha ng asawa ngunit alam niyang nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata.
"Kantahan mo ako," mahina nitong sabi.
"Since I found you my world seem so brand new. You're show me the love I never knew... " he sing their wedding song.
Dahan-dahang bumitaw ang mga kamay ng asawa sa kamay niya. Wala na siyang naramdaman at tanging pagkirot ng kanyang puso. Pinagpatuloy niya ang pagkanta habang naiiyak.
"Iniwan mo na naman ako..." bulong niya.
Samantala, nakatanaw sa 'di kalayuan ang kanilang mga anak kasama ang asawa at kanilang mga apo. Tahimik na umiiyak ang kanilang mga anak habang kayakap ang mga asawa. Ang mga bata naman ay humagulgol.
"I don't want to goodbye to you. I can say is see you in our next life."
-The End-
A/N: umiiyak ako habang sinusulat ko 'to. 😢 hindi naman kasi sila immortal na habang buhay, mabubuhay. At least, mamatay man sila ay mahal pa rin nila ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...