CHAPTER 7

68.6K 1.6K 43
                                    

CHAPTER 7

"MASAYA AKO na makitang okay ka na." Lumingon si Hiyasmin sa likod at ngumiti nang makita si Sister Bernadeth na nakangiti habang papalapit sa kanya.

"Maraming salamat po, Sister." Niyakap niya ito ng mahigpit saka tumingin sila sa mga bata na nakikipaglaro kay Nyke.

"Siya ba ang dahilan kung bakit ngumingiti ka?"

"Masaya po ako dahil magiging ina na ako," sagot niya. Hindi niya masabi sa kanyang sarili na ang binata ang dahilan kung bakit masaya siya, dahil mas sobra ang kasiyahan niya nang malamang buntis siya.

"Hindi ako tutol kung gusto mo lang ay anak. Ang sa'kin lang ay kung ano ang nakasulat sa bibliya."

Naiintindihan naman niya si Sister kung bakit hindi nito nagustuhan na nabuntis siya ng walang kasal. Sinermunan sila ni Sister kanina ngunit hindi niya sinabi ang totoo. Ang akala nito ay nobyo niya si Nyke at magpapakasal pa lang sila.

"Hindi ko po kasi alam kung kaya kong magmahal." Iyon ang kanyang kinatatakot ang magmahal tapos sa huli ay iiwan lang siya. Hindi pa siya nagmahal at hindi pa siya handa na magmahal. Ayaw niyang mangyari ang maiwan siyang luhaan dahil sa pagmamahal na hindi niya alam kung kaya niyang panindigan.

Hindi naman kasi siya naniniwala na ang kasal ay isang saggrado. Kasi kung saggrado ang kasal, bakit may mga naghihiwalay at nagdi-divorce?

"Naiintindihan kita. Mahirap sa'yo ang magtiwala sa lalaki dahil nasaktan ka na ng dahil sa lalaki."

"Ang hirap po kasing bumangon. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang sakit." Nanubig ang gilid ng mga mata niya nang maalala kung paano siya nasaktan at nayurakan.

"Hindi naman masama kung bubuksan mo ang puso mo para magmahal." 

Bumuntong hininga siya saka umiling. "Hindi ko po alam kasi hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako, Sister."

Lumungkot ang mukha nito saka hinawakan ang kamay niya. "Tingnan mo siya." Tumingin siya kung saan ito nakatingin –kay Nyke. "Hindi mo ba bubuksan ang puso mo para sa kanya? May anak na kayo."

Napatitig siya sa maaliwalas na mukha ng binata habang nakikipaglaro ito sa mga bata. Ang ganda ng ngiti nito habang kumikislap ang mga mata. Sigurado siya na magiging mabuting ama ito sa anak nila. Walang duda 'yon.

"Hindi naman po niya ako mahal."

"Paano mo nasisigurado na hindi ka niya mahal?" Tanong nito. "Nakikita ko na may pagtingin siya sa'yo."

Bigla siyang pinamulahan ng pisngi at nag-iwas ng tingin nang bumaling ang binata sa gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata.

"Baka po nagkakamali lang kayo. Ang gusto lang po niya ay ang batang dinadala ko."

Umiling ito. "Buksan mo ang iyong mga mata at puso. Makikita mo kung ano ang nakikita ko," anito saka ngumiti.

Ngumiti na rin siya. "Hindi ko po masasabi. Sa ngayon po ang inaalala ko ay ang aking anak." Hinaplos niya ang kanyang tiyan.

"Isa siyang biyaya galing sa diyos."

Tumango siya. "Hindi ko po nakakalimutan ang mga pangaral ninyo."

"Masaya ako na lumaki kang mabuting bata sa kabila ng masakit mong nakaraan."

"Dahil po 'yon sa tulong ninyo." Malaki ang naging tulong ng mga madre sa kanya. Kung hindi dahil sa bahay ampunan ay hindi siya makakabangon sa nakaraan.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Sister Bernadeth ay tumulong siya sa mga madre na magluto ng tanghalian para sa mga bata. Pinakain nila ang mga bata saka niya kinuwentuhan ng fairtytales ang mga ito.

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon