CHAPTER 6
NAGISING SI Hiyasmin na nasa bisig ng natutulog na binata. Hindi siya makagalaw dahil sa nakapatong ang binti nito sa hita niya habang nakayakap sa kanya ng mahigpit at nakasubsub ang mukha sa leeg niya. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa lantad niyang leeg.
Nakagat ni Hiyasmin ang ibabang labi niya nang maramdaman niya ang isang bagay na tumutusok sa gilid ng baywang niya, habang ang mainit at magaspang nitong kamay ay dahan-dahang pumapasok sa loob ng suot niyang sando. Tinampal niya ang kamay nito nang maramdaman niya ang mainit nitong dila na panaka-nakang tinitikman ang kanyang leeg.
"Tsansing ka lang, eh," aniya.
Mahina itong tumawa kaya bahagya niya itong tinulak. Hindi naman nagprotesta ang binata nang bumangon siya ngunit ito ay nanatili pa ring nakahiga sa kama at nakapikit.
Pinabayaan na lang niya ito dahil pansin niya na puyat ito at pagod. Inipit niya muna ang nakalugay niyang buhok saka lumabas ng silid at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng hotdog at itlog pagkatapos ay nagsimula ng magluto ng agahan nila.
Nakahanda na ang almusal ngunit hindi pa rin nagigising ang binata. Napapailing na bumalik siya sa kwarto at nakita ang binata na mahimping pa rin ang tulog. Nakasubsob ang mukha nito sa unan habang nakadapa.
Napahawak siya sa kanyang sentido saka napapailing. Parang may inaalagaan siyang bata na ayaw gumising at pumasok sa eskwela.
Lumapit siya sa natutulog na binata at hinampas ng una ang pang-upo nito. "Gising na!"
Umungot lang ito kaya hinampas niya ulit ng unan ang pang-upo nito.
Nakangisi na humarap si Nyke sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Tsansing ka lang, eh."
"Kapal mo!" Pinalo niya ng una ang abs nito upang hindi siya mahalata na natatakam siya doon. "Diyan ka na nga." Tumalikod na siya at lumabas ng silid. Narinig pa niya ang halakhak nito.
"Pangalawang tsansing na 'yon." Rinig niyang wika nito.
"Kapal talaga n'on," wika niya sa sarili.
Hindi na niya hinintay ang binata. Naupo na siya at nagsandok ng kanin saka hotdog. Hindi niya ito pinansin nang naupo ito sa harapan niya.
Patuloy lang siya sa pagkain nang marinig niya ang tikhim nito. "Good morning," masiglang bati nito.
"Morning," walang buhay niyang bati sa binata.
"Ganyan ba ang pagbati sa ama ng anak mo?"
Tumingala siya upang tingnan ito. Ngumiti ito kaya inirapan niya ito. "Kumain ka na nga lang."
Nakatitig pa rin ito sa mukha niya. Kaya naiilang na hinawakan niya ang kanyang mukha at tinanggal ang muta sa mata niya ngunit wala naman. Pinunasan niya rin ang gilid ng kanyang labi kung may panis ba siyang laway.
Hindi na niya napigilan na magtanong. "May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling ito. "You look so beautiful without wearing glasses. Dapat hindi ka na nagsusuot ng salamin."
"Sa gusto ko, e. Nangingialam ka," pagtataray niya sa binata ngunit ang mukha niya ay pulang-pula dahil sa papuri nito. Pinipigilan niya lang na kiligin.
"Ang aga-aga, ang init ng ulo mo," wika nito saka nagsimula ring kumain.
"Pinapainit mo kasi ang ulo ko." Wika niya.
"Mas pinapainit mo ang ulo ko," nakangisi nitong wika saka tumingin sa hotdog na subo-subo niya. "Dalawang ulo ko," dagdag na wika nito saka pinasadahan ng dila nito ang paligid ng sariling labi.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
Ficción GeneralWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...