CHAPTER 11
NAMUMUTAWI ANG SAYA sa puso ni Nyke habang pinagmamasdan ang pinakamagandang babae na nakita niya sa tanang buhay niya.
Para itong sleeping beauty sa himbing ng tulog habang nakaunan sa braso niya at yakap siya. Kuntento na siya na nakatitig sa maganda nitong mukha. Wala naman siyang ibang hinihiling kundi makasama ang babaeng matagal na niyang pinangarap.
Kahit wala itong sinabi pagkatapos niya itong halikan, sapat na ang pagtugon nito sa mga halik niya. Ang pagyakap nito sa kanya habang hinahaplos niya ang makurba nitong katawan.
Naging tahimik lang ito hanggang sa dinala niya ito sa silid. Ni hindi ito umangal nang tumabi siya ng higa dito. Hindi naman siya nagmamadali dahil naintindihan niya kung saan nanggagaling ang nararamdaman nitong takot. Sapat na sa kanya na unti-unting nagtitiwala ito at hindi siya pinagtatabuyan.
Inipit niya sa likod ng tenga nito ang hibla ng buhok nito na humarang sa maganda nitong mukha. Parang mapupunit ang labi niya sa pagngiti niya. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti katulad ng hanggang kamay na lang niya ang babaeng ito.
Hinalikan niya ito ng matagal sa noo bago niyakap ito ng mahigpit saka pinikit ang mga mata habang hindi mawala ang ngiti sa labi.
"MAJESTY, responsibilidad po namin ang ipagluto kayo," anang ng mayordoma habang pinipigilan siya sa gusto niyang gawin.
Nauna siyang nagising upang ipagluto si Nyke nang almusal. Ito lang kasi ang naisip niyang paraan para magpasalamat sa binata, ang ipagluto ito ng masarap na almusal.
"Ano bang pangalan mo?" Tanong niya sa mayordoma habang nagpiprito siya ng bacon. Sa tantya niya nasa mid forties pa lang ang dalaga.
"Gladys po," sagot nito.
"Ano po bang klase ng kape ang gusto ni Nyke?"
"No sugar po."
"Huwag mo na akong i-po. Ang bata ko pa," anang niya saka sinunod pritohin ang hotdog. "Matagal ka na bang nagtatrabaho sa kanya?"
"Sampung taon na po."
Tumango-tango siya. "Mabait naman po siya sa inyo?"
"Sobra po. Pinag-aaral niya po ngayon ang mga anak ko. Sa katunayan nga ikaw pa lang ang babae na dinala po niya dito."
"Talaga?" Baka naman sa condo nito dinadala ang mga babae nito.
"Nakakatuwa nga po dahil nakikita ko na siyang nakangiti. Dati po laging salubong ang kilay o seryuso."
Natawa naman siya. Ganoon din kasi ang pagkakilala niya kay Nyke. Suplado at parang laging galit sa mundo ngunit gwapo pa rin ito kahit laging nakakunot ang noo. Humanga lang naman siya sa binata dahil wala siyang nabalitaan na may naging babae ito. Ngunit may parte sa puso niya na takot maniwala.
Hindi niya kayang maniwala ng lubusan dahil laging nakatatak sa isipan niya ang kanyang nakaraan. Ngunit tila unti-unti ng nakakapasok ang binata sa puso niya. Dahan-dahan ng nagigiba ang pader na tinayo niya para sa mga lalaki na gustong lumapit sa kanya.
"Why are you laughing?" Lumingon siya nang may nagsalita sa likuran niya. Napangiti siya nang yakapin siya nito mula sa likod saka pinatong ang baba sa balikat niya. "Good morning," masigla nitong bati saka hinalikan siya sa pisngi na ikinilig ng mayordoma na nasa tabi nila.
Tinampal niya ito sa kamay. "Huwag ka nga diyan. Nakakahiya!"
Imbis na kumalas ito ng yakap ay mas pinalupot pa nito ang mga braso sa baywang niya. "Bakit ka naman mahihiya?"
"Nandiyan si Gladys," sagot niya saka hindi siya makapagluto ng maayos.
Saglit itong bumaling kay Gladys na pigil ang ngiti saka sumiksik ang mukha sa leeg niya na nagpakiliti sa kanya.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...