A/N: hi kay RaeVelle_WP and itsmequeenaime sabi nila mention ko daw sila. 😊 and hi to Hiyasmin Real, thank you nagustuhan mo ang story ko para sa'yo.
Anyway,enjoy reading.
Sa gustong magpamention, okay lang. Pa-thank you ko na rin dahil nagbabasa kayo ng story ko. 😊
And this is the flashback of what happened 15 years ago para hindi kayo malito.
CHAPTER 1
15 years ago...
NATIGILAN SI Nyke sa paglalakad ng may dalawang tao na umakbay sa balikat niya. Nanlaki ang kanyang mata at bahagyang nagulat kay George at Russell na nakangisi. Humarang naman sa harapan niya sina Willy, Lenard, Romeo at Leo na nakangisi.
Hindi pinahalata ni Nyke na kinabahan siya sa mga makahulugang ngisi ng anim. Hindi niya 'to mga kaibigan pero mga kaklase. Ito ang mga tinaguriang gangster sa school na pinapasukan niya. Sa sobrang yaman ng mga 'to, kaya kahit anong gawing kalokohan ay hindi naki-kick out sa school.
Iniiwas niya na mapalapit sa anim na 'to ngunit talagang mapagbiro ang tadhana.
"May ipapakita lang kami sa'yo," ani ni George na may ngatngat na gum sa bunganga.
Hindi niya nagugustuhan ang kakaibang tingin nito. Halatang sabog dahil nakagamit ng droga. Pinilit niyang patigasin ang kanyang ekspresyon ngunit mahahalatang natatakot siya sa maaari nitong gawin.
"M-may pasok pa ako," pagdadahilan niya saka napalunok.
"Huwag ka ng pumasok," anang naman ni Russell saka bahagyang pinisil ang balikat niya na parang nagbabanta. "Siguradong magugustuhan mo ang ipapakita ko sa'yo," dagdag pa nito. Halatang nakagamit din ito ng pinagbabawal na droga, lahat sila. Hindi sila matanggal sa school kasi nagdo-donate ang mga parents ng mga ito.
"May e-exam tayo." Wala naman talagang exam, gusto lang talaga niyang umiwas.
Mukhang napipikon na sa kanya ang leader na si George. Sumenyas ito sa iba nitong kasamahan.
Napadaing siya nang bigla siyang sinuntok ni Lenard sa sikmura. Pinilit niyang pumalag sa dalawang nakaakbay sa kanya saka inanduyan ng suntok si George.
Tumabingi ang mukha nito. Dinura nito ang dugo na pumutok sa labi saka nakangising tumingin sa kanya. "Ang tamang mo na patpatin, ah. Pero hindi uubra sa'kin 'yan."
Hindi siya marunong makipag-away o magsuntukan pero lalaban siya kung kinakailangan. Pinagsisipa niya ang mga ito ng balak na lumapit sa kanya.
Ngunit nahawakan siya ni Willy at Leo saka siya sinuntok sa sikmura ni George. Tumalsik ang suot niyang salamin sa sahig. "Sasama ka lang naman sa'min baka nga matuwa ka pa sa ipapakita namin sa'yo." Anang nito. "Sige, itali 'yan!" Utos nito sa mga kasamahaan nito.
Pinilit pa niyang pumalag ngunit tatlo ang nakahawak sa kanya, saka ang isa ay itinali ang mga kamay niya sa likod. "Saan n'yo ba ako dadalhin?" Masyadong mahigpit ang pagkakatali ng mga ito.
"Sa langit!" Nakangising turan ni Russell saka umapir kay George bago tumawa ang mga ito.
Piniringan din ng mga ito ang kanyang mga mata. "Kayo na ang bahala sa kanya. Ako na ang magbabantay kay Miss. Beautiful." Narinig niyang wika ni George sa mga barkada nito.
Kumabog ang kanyang dibdib at biglang pumasok sa isip niya ang Ms. Campus ng school na si Hiyasmin Real. Si Hiyasmin lang naman ang tinatawag ni George na Miss. Beautiful.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
Fiksi UmumWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...