CHAPTER 2
PABABA NG HAGDAN SI Nyke nang naabutan niya ang kanyang ina na papasok sa living room. Bununtong hininga siya at nilapitan ang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi."Mom, what are you doing here?"
Tumaas ang isang kilay ng ginang at mataman siyang tinitigan. "Sinabi ko na sa'yo kagabi na pupuntahan kita that's why I'm here." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa nang mapansin nito na nakagayak siya. He's wearing a white polo with slack. "Where are you going?"
"Pupunta ako ngayon kay Calden, mom," sagot niya sa ina.
Kumunot ang noo nito. "Kay Calden Chiu?! Why? Are you sick?" May pag-aalala na tanong nito.
Kilala lahat ng kanyang ina ang mga kaibigan niya at mga myembro ng SPG. Doctor si Calden Chiu and he owns the biggest hospital here in the Philippines and all over the world. Weirdo nga lang ito.
"May pag-uusapan lang kami about work."
Tila nakahinga ng maluwag ang ina niya. "Pinag-isipan mo na ba ang gusto ko, Nyke?"
Bumuga ng malalim na hininga si Nyke. Akala niya ay nakalimutan na nito ang tungkol sa apo. Bakit ba gusto nito na magkaroon agad ng apo? He's just only thirty years old and her mom and dad are sixty years old.
Okay. Matanda na ang magulang niya but he's not ready to have a commitment with a girl. Ang ma-inlove nga ay hindi niya pa naranasan. Mag-asawa o magka-anak pa kaya? "Just give me a week, mom."
"A week? Why? Paano mo ako bibigyan ng apo sa loob lang ng isang linggo?"
"Basta, mom. I have to go. Si Yaya Soleng muna ang bahala sa inyo." Humalik siya sa ina bago nagpaalam.
"I'll go with you."
"What? Mom, ano naman ang gagawin nyo sa hospital?"
"I just want to go with you."
"Mom." Napahawak siya sa kanyang sentido. "Hindi mo kailangan sumama sa'kin. May pupuntahan pa ako."
She crossed her arms. "Saan ka naman pupunta?"
"Pupuntahan ko pa si Aleck," sagot niya.
Sa loob niya ay naiinis na siya sa kanyang ina. Hindi na siya bata para magpaalam pa. Ito ang ayaw niya sa kanyang ina, na kailangan ipaalam pa niya kung saan siya pupunta. Bawat galaw niya ay bantay nito. Kaya nga siya bumukod ng bahay which is hindi sinang-ayunan ng kanyang ina ngunit pinilit ng ama niya na si Nico MonteCarlo.
Twenty years old siya noon nang siya ay humiwalay ng bahay at tumira sa condo hanggang sa nagkaroon siya ng sariling bahay. Ngunit kahit nakabukod na siya ay binabantayan pa rin nito ang bawat kilos niya.
Naiintindihan naman niya ito na sobra lang ito nag-aalala sa kanya kaya minsan kasi sumusobra na tulad na lang ngayon. Gusto pang sumama.
Napahilamos ng mukha si Nyke nang makita niya ang pagtatampo sa mukha ng ina. "Mom, please understand. I'm not kid anymore. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko."
Nag-panic siya nang biglang umiyak ang ina. "Mom, please stop crying."
"Malaki ka na nga," humihikbi na wika nito. "Hindi mo na nga ako kailangan. Namimiss ko lang naman ang alagaan ka."
Lumapit siya sa ina at pinunasan ang luha nito sa mata. "I know, mom. Pero huwag niyong iisipin na hindi kita kailangan. Araw-araw kailangan kita, mom. " He heavily sighed. "Okay. Bibigyan ko na kayo ng apo para may aalagaan kayo."
Lumiwanag ang mukha nito. "That's a promise?"
"That's a promise." Pangako niya.
Kailangan na talaga niya kausapin si Calden. Si Calden ang sagot para matigil na ang pangungulit ng ina niya tungkol sa apo. Kapag nabigyan niya ito ng apo baka tumigil na ito sa pangungulit na mag-asawa siya.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...