CHAPTER 22

50.8K 1.1K 41
                                    

A/N: hi, to my readers AsaphTiongson jehanAves and to Linne123456 😊😘

Enjoy reading

CHAPTER 22

ISANG LINGGO NG nasa bahay ampunan si Hiyasmin simula ng kunin siya ng hindi kilalang mga lalaki at gahasain. Hindi niya alam kung paano siya napadpad sa bahay ampunan, ang alam lang niya ay natagpuan siya ng mga madre sa labas ng gate na walang malay habang nakahubad.

Hindi rin alam ni Hiyasmin kung magpapasalamat ba siya dahil binuhay pa siya ng mga serial rapist. Ang alam lang niya ay nasira ang buo niyang pagkatao.

Ni hindi siya makakain at makatulog dahil pakiramdam niya ay nasa tabi lang ang mga taong gumahasa sa kanya. Lagi siyang balisa at tulala, hindi pa niya kayang magsalita dahil masyado pang masakit ang nangyari sa kanya.

Katulad na lang ngayon, yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa malayo. Nakatulala lang siya habang nag-iisa sa silid na tinutulugan niya dito sa bahay ampunan.

Wala sa sariling tumayo siya at lumabas ng silid. Hinanap niya ang daan patungong kusina. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Parang may bumubulong sa kanya na maghanap ng bagay na matulis at sugatan ang sarili.

Tahimik na ang buong paligid at natutulog na ang mga bata saka ang mga madre, habang siya ay hindi dalawin ng antok.

Napapatakip si Hiyasmin ng kanyang mga tenga dahil sa paulit-ulit na bumubulong sa kanya. Balisang tumitingin siya sa kanan at kaliwa habang pinagpapawisan ang buong mukha. Mariin siyang napapikit at pinipilig ang ulo sa tuwing sumasagi sa isipan niya ang panggagahasa sa kanya.

"Huwag!"

Sigaw niya nang maalala ang paghaplos ng isang estranghero sa hita niya.

"Tama na!"

Pagmamakaawa niya saka naupo habang nakatakip ng mga kamay niya ang magkabila niyang tenga. Iyak lang siya ng iyak habang nagmamakaawa.

Paulit-ulit na may bumubulong sa kanya na maghanap ng kutsilyo at patayin ang sarili. Ang puso niya ngayon ay punong-puno ng hinanakit, galit at pandidiri sa sarili.

Hindi niya maiwasan na sisihin ang dyos dahil sa nangyari sa kanya. Ilang beses siyang nagmakaawa at nagdasal na sana may tumulong sa kanya. Ngunit, hindi siya dininig ng dyos, hinayaan lang nito na babuyin siya ng mga taong walang puso at kunsensya.

Bakit pa siya hinayaang mabuhay? Bakit nangyari 'yon sa kanya? Bakit hinayaan ng dyos?

Ang daming tanong sa isipan niya na walang makuhang sagot. Iisa lang ang gusto niyang gawin ngayon. Iisa lang ang paraan para matigil na ang paulit-ulit na bumubulong sa kanya.

Nanginginig ang kamay nang mahawakan niya ang matalas na bagay na makakapagpigil sa pagdudurusa niya. Tumingin siya sa kaliwang kamay niya kung nasaan ang pulso saka muling bumaling sa kutsilyo.

Ang bagay na 'to ang paraan para matapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ang tanging gusto niya lang ay wala ng maramdaman.

Akmang susugatan niya ang sarili gamit ang kutsilyo nang biglang may umagaw n'on sa kamay niya. "Akin na yan!" May dalawang madre na humawak sa braso niya habang pilit na nilalayo ni Sister Bernadeth ang kutsilyo sa kanya. Binigay nito 'yon sa isang babae na katiwala at cook ng bahay ampunan.

Umiiyak na siya dahil sa frustration. Lalo siyang nagagalit sa dyos dahil bakit hindi pa siya hinayaan na mamatay. Gusto na niyang mawala sa mundo para wala na siyang maramdaman.

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon