CHAPTER 18
"NAY, BAKIT kaya wala pa si Justice? Hapon na kasi," tanong ni Hiyasmin sa ina habang nakatayo at nakasandal siya hamba ng pinto.
Nagising kasi siya kaninang umaga nang hindi niya nakita si Justice. Hindi niya rin ito nakasabay sa almusal, balak pa naman din niya na ipagluto ito ng agahan.
Nahihiya naman siya na magtanong sa ina at baka nasa barkada lang ito at nakikipaglaro. Dumating ang tanghalian ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Justice. Ang niluto niyang adobong manok na may pinya na para sa anak ay sila lamang ng ina niya ang kumain, pinagtira naman niya ang anak dahil baka umuwi ito mamayang hapon.
Ngunit alas sais na ng hapon ay hindi pa rin ito umuuwi. Sobra na siyang nag-aalala para sa anak.
"Hayaan mo siya, uuwi rin 'yon. Baka nasa barkada pa," anang ng ina niya na nakaupo sa mahabang sofa. "Ang mabuti pa ay magluto ka na lang dahil baka padating na 'yon."
Bumuntong hininga siya saka humarap sa ina. "Sino po ba ang barkada niya?" Inaabangan niya ang pag-uwi ng anak.
Naglumikot ang mga mata ng ginang. "Mga tambay diyan sa kanto. Tama! Sila nga, mga kadalasang kasama ni Justice."
Kumunot ang kanyang noo. "Nay, Bakit ninyo naman pinapayagan na bumarkada siya sa mga tambay? Baka kung anong masama ang mangyari sa kanya."
"Binata na ang anak mo. Normal lang na hapunin siya ng uwi. Lalaki siya, e."
Napahawak siya sa kanyang sentido saka bumuntong hininga. "Kahit naman po lalaki siya dapat umuuwi pa rin siya ng tanghali at hindi nagpapalipas ng gutom." Balak pa din naman niyang yayain ang anak na mamasyal. She wants to spend her day with her son. Gusto niyang bumawi sa anak sa panahong hindi niya nakasama ito sa kahit na anong okasyon. Ngunit, paano siya makakabawi?
Napapailing ang ina niya. "Alam kong nag-aalala ka sa anak mo. Huwag kang mag-alala nasa mabuti siyang kalagayan."
"Paano niyo naman po nalaman?" Hindi siya magiging panatag hanggat hindi niya nalalaman kung nasaan ang anak niya.
"Kilala ko ang anak mo. Hindi 'yon gagawa ng ikakasama niya."
Bumuntong hininga siya saka tumalikod sa ina at tumingin ulit sa labas habang malalim ang iniisip.
Nakaramdam siya ng kalungkutan dahil mismong anak niya ay hindi niya gaanong kilala. Ni hindi niya kilala kung sino ang mga nakakasalamuha nito at nakakasama. Ni hindi niya alam kung ano ang hobby o talent ng anak niya. Nalaman lang naman niya ang paborito ni Justice dahil sinabi ng ina niya, bukod doon ay wala na siyang alam tungkol sa anak.
Bumuntong hininga siya. Napatayo siya ng tuwid nang may itim na Mercedes- Benz ang huminto sa harap ng bahay nila.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang taong hindi niya inaasahan na makikita niya dito sa Baguio.
Namilog ang kanyang mga mata at nanigas ang katawan niya nang sunod na lumabas sa kotse ang seryusong anak niya.
Paanong nangyari na magkakilala sila?
"DITO NA lang ako," hinihingal na wika ng anak ni Nyke na si Justice nang naupo ito pasalampak sa sahig ng court, habang pinagpapawisan.
Kakatapos lang kasi nilang magbasketball. Naupo siya sa tabi ng anak saka pinunasan ng puting towel ang pawisan niyang mukha. "Alam mo naman na hindi pwede," anang niya sa anak saka dinampot ang mineral bottle na nasa tabi niya at ininom. Gusto kasi nito na tumira sa bahay niya. "Baka hanapin ka ng mama mo."
Ngumuso ang anak. "Hindi naman niya ako hinahanap."
"Don't say that. She loves you!"
"Hindi niya ako mahal. Nagawa nga niya akong iwan." May himig sa boses nito ang kalungkutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/140944465-288-k115736.jpg)
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...