CHAPTER 9
NAGISING SI Hiyasmin at bahagyang napapikit dahil sa liwanag ng ilaw. Akmang babangon siya nang pigilan siya ng binata. "Huwag ka munang bumangon. You have to rest. Kamusta ang pakiramdam mo?"
Hindi niya sinagot ang binata. Nilayo niya ang kanyang kamay na hawak nito saka siya sumandal sa head board ng kama. Hindi na siya magtatanong kung nasaan siya dahil halata naman na nasa hospital siya.
Napahawak siya sa kanyang sentido nang makaramdam ng biglang hilo. "Are you alright?" Tanong ng binata. May pag-aalala sa mukha nito.
Bahagya siyang tumango. "Okay lang ako. Kamusta si baby?" Nag-aalala siya na baka may masamang nangyari sa baby nang dahil sa kanya.
Naginhawaan siya nang makitang ngumiti ito. "Okay lang siya."
Napubuntong hininga si Hiyasmin saka na-relief. Hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyaring masama sa baby niya.
"Salamat," mahina niyang wika.
Ngumiti ito. "Responsibilidad ko ang ingatan kayo."
Parehas silang napatingin nang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.
"Misis, alagaan n'yo po ang sarili ninyo. Hindi lang po ikaw ang nabubuhay, apat na po kayo ng mga babies ninyo," paalala nito sa kanya saka tumingin kay Nyke na walang makitang emosyon sa mukha. "At ikaw naman mister, Bawal pong ma-stress si misis. Hanggat maaari po ay unawain mo siya at ingatan. Mabuti at agad mo siyang nadala dito. Kundi ay mawawala silang apat."
Kumunot ang kanyang noo habang ang binata ay nagsalubong ang mga kilay. "Apat po?"
Tumango ang doctor. "Triplets po ang pinagbubuntis ni misis kaya kailangan ng sobrang pag-iingat at pag-aalaga."
Napamaang siya sa sinabi ng doctor habang si Nyke ay napatulala. Bakit hindi sinabi sa kanya ni Calden? Kunsabagay ay hindi pa siya nakakapag-ultra sound. Nagpapa-check up lang siya kay Calden kung okay ba ang lagay niya at kung nasa maayos ba ang kanyang kalusugan.
Natawa ang doctor sa reaksyon nila. "Mukhang hindi ninyo pa alam. You're six weeks pregnant, misis. You should go to your ob-gyne to confirm it," wika nito. "Maiwan ko muna kayo." Nagpasalamat muna sila bago umalis ang doctor.
"Wow!" Anang ng binata saka kumikinang ang mga mata na bumaling sa kanya.
Napapitlag siya nang naupo ito sa tabi niya saka hinawakan ang kanyang tiyan. "Hello, my babies. I'm your daddy!" Nanlambot ang kanyang puso saka napangiti nang makita kung gaano ito kasaya. "Huwag ninyong i-stress-in si mommy, ha? Dapat behave lang kayo diyan. I can't wait to see all of you, babies."
Pagkatapos nitong kausapin ang mga baby na nasa tiyan niya ay nakangiti pa rin ito nang tumingin ito sa kanya. "I'm glad you're okay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa inyo."
"Paanong naging triplets?" Nagtataka na tanong niya. Wala naman sa lahi nila ang may kambal.
Nagkibit-balikat ito. "We should ask Calden but before that. Are you hungry? Anong gusto mong kainin?"
"Gusto ko ng umuwi." Masyado siyang napagod at nanghihina. Ang gusto na lang niya ay magpahinga at matulog.
Tumango ito. "Magbabayad lang ako tapos uuwi na tayo." Hinalikan muna siya nito sa noo bago ito lumabas ng silid.
Bumuga siya ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Bumalik ang binata pagkatapos nitong magbayad saka siya inalayan na bumangon. Hindi nito binatawan ang kamay niya habang palabas sila ng hospital. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse saka umikot ito sa kabilang side at naupo sa driver seat. Sinimulan na nito na paandarin ang makina paalis.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...