CHAPTER 10
NAGISING SI Hiyasmin nang maramdaman niya na may tumutusok ng kung anong bagay banda sa puson niya. Napatulala siya nang masilayan niya ang gwapong mukha ni Nyke na sobrang lapit sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Hindi amoy bad breath.
Napakagat-labi siya nang mas sumiksik pa ito sa kanya at niyakap pa siya ng mahigpit, habang nakadantay ang paa nito sa hita niya. Mariin siyang napapikit at nakaramdam ng init nang mapagtanto kung anong bagay ang tumutusok sa kanyang puson.
Morning erect!
Pigil ang kanyang hininga habang dahan-dahan niyang inalis ang pagkapulupot ng kamay nito sa baywang niya saka niya sinunod ang hita nito.
Walang ingay na bumangon siya at tumayo. Inayos pa niya ang kumot ng binata nang malihis 'yon.
Nanlaki ang kanyang mga mata at namilog nang mapansin ang tent na nasa pagitan ng hita nito. Namumula ang pisngi na tumalikod siya saka pinilig ng ilang beses ang kanyang ulo upang maalis sa isipan niya ang namumuong imahinasyon.
Lumabas agad siya sa silid saka bumaba ng hagdan nang mapansing tila tahimik at wala siyang makitang katulong o bantay. Siguro busy pa ang mga ito kaya hindi siya napansin. Saglit pa siyang napatigil sa gitna nang hagdan upang tingnan sa bintana ang labas. Hindi kasi niya masyadong nakita ang backyard kagabi dahil madilim.
Ngayon ay kitang-kita niya ang labas kaya sobrang namangha siya. May malaking swimming pool saka mga nagtataasang mga puno na nagpa-relax sa kanya. Nakita niya na bukas ang double door kaya lumabas siya ng mansyon.
Napapikit pa nga siya at napangiti nang biglang humihip ang malamig na hangin na parang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.
Napamulagat siya nang makarinig ng tikhim sa likuran niya. "Good morning," bati ng baritonong boses na medyo inaantok pa.
Humarap siya sa binata saka bahagyang ngumiti. "Morning," balik na bati niya saka tumalikod at tumingin sa mga puno na parang dinuduyan dahil sa malakas na hangin.
Lumapit ito sa kanya at tumabi. Iniwas niya ang kanyang paningin ngunit nakikita niya ito sa kanyang peripheral vision. Nakasuot pa rin kasi ng puting sando at boxer short ang binata.
"Hindi ka ba nahihiya sa suot mo? Baka makita ka ng mga katulong mo dito." Bumubukol pa naman din 'yan. Hanggang sa isip na lang niya ang huli niyang sinabi.
Nakaka-distract kasi dahil bakat pa rin pati ang eight pack abs nito.
Kumunot ang kanyang noo nang makita ang laki ng ngiti nito. "Oh, bakit ka nakangiti diyan?"
"Kasi pinagdadamot mo ako."
Natawa siya sa sinabi ng binata. "Mas malakas pa ang hangin mo sa ulo," aniya saka napapailing na bumalik sa loob at iniwan ito.
May nakasalubong siyang katulong at mayordoma ng mansyon. "Magandang umaga, majesty. Nakahanda na po ang almusal ninyo," anang ng mayordoma.
Napakamot siya sa batok. Hindi kasi siya sanay na pinagsisilbihan saka nakakailang. "Sige, liligo muna ako."
"Ipaghahanda ko lang po kayo ng maisusuot ninyo."
"Huwag na."
"Pero ma—"
"Hindi na kailangan."
Tumungo na lamang ang mga ito saka binigyan siya ng madadaanan. Ngumiti siya saka nagpasalamat bago umakyat ng hagdan at bumalik sa silid.
Pagkatapos niyang maligo at dahil malamig ang panahon kaya nagbihis siya ng panjama at shirt na makapal saka pinaresan ng cardigan.
Dumiretsyo siya sa dining room at nakaramdam ng gutom nang makita ang mga nakahain sa mahabang lamesa. Naupo siya saka unang sinandok ang hotdog ngunit parang may kulang.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
Fiction généraleWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...