CHAPTER 8

65.2K 1.6K 62
                                    

CHAPTER 8

"BAKIT KA NAMAN niya tinanggal sa trabaho? Di'ba walong taon ka ng secretary niya," tanong ni Sandy nang sabihin niya na wala na siyang trabaho noong isang linggo pa.

"Bilang maging secretary ni Mr. Montecarlo," walang gana niyang sagot habang abala sa laptop niya.

Hindi kasi niya tinanggap ang trabaho bilang secretary ng binata. Mas gugustuhin pa niya na mag-online seller kesa maging secretary ng manyak na 'yon.

Hindi na kasi siya makatulog simula nang gapangin siya ni Nyke sa bahay ampunan. Madalas siyang binabangungot at hindi naman siya pwedeng uminom ng sleeping pills dahil sa kalagayan niya.

"Hindi mo tinanggap? Kaya nagbebenta ka na lang through online," anito. Hindi naman siya magkapagtrabaho dahil sa pinagbubuntis niya kaya magbebenta na lang siya through online. 

Akmang kukuha sana ito ng mangga na may bagoong nasa plato at nakalapag sa lamesa nang tapikin niya ang kamay nito. Pinalakihan niya ito ng mata kaya ngumuso ito. Tumayo ito at binuksan ang ref saka kumuha ng isang mansanas at kumagat bago bumalik sa upuan.

"Bakit mo naman hindi tinanggap? Ayaw mo n'on, makakasama mo ang crush mo."

"Hindi ko siya crush at mas lalong hindi ko siya mahal," pagtanggi niya. Ngunit alam naman niya sa kanyang sarili na nagsisinungaling ang kanyang labi. Ika nga sa kasabihan, kabig ng bibig, tulak ng dibdib.

"Wala naman akong sinabi na mahal mo siya. Deny pa more!"

Bumuga siya ng malalim na hininga saka binuka ang bibig. "Siya ang ama ng dinadala ko."

Dahil sa hindi nito inaasahan sa sinabi niya ay bigla itong nabilaukan. Nilapag nito ang mansanas sa lamesa saka tinuro ang basong tubig. Binigay niya dito ang basong tubig sa tabi niya. Ininom nito ang inabot niya bago ito lumunok. "Anong sabi mo?"

"Siya ang ama ng anak ko."

Nanlaki ang mata nito at gulat na gulat ang ekspresyon. "P-paanong nangyari?"

"Pumunta siya dito sa bahay noong isang linggo at sinabing siya ang ama ng dinadala ko. Kinumpira 'yon ni Dr. Chiu," paliwanag niya.

"For real?!"

Tumango siya.

Gulat pa rin ang ekspresyon nito at tila hindi makapaniwala. "Wow!" Napasandal ito sa upuan saka kumunot ang noo nang may napagtanto. "Sa tingin mo, sinadya 'yon ni Dr. Chiu." Umayos ito ng upo saka pinakatitigan siya. "Kaibigan niya si Nyke. Hindi naman pwede na coincidence lang kasi pwede naman na ibang sperm cells pero kay Nyke." Tila napaisip ito. "Bakit nagpa-store si Mr. Montecarlo ng sperm cell niya?"

Nagkibit-balikat siya. "Ang sabi niya ay dahil sa pustahan nila."

Tumango-tango ito saka humawak sa baba na parang nag-iisip. "Wala tayong nabalitaan na may naging girlfriend siya o fling. Sa itsura niya ay parang wala siyang balak na mag-asawa."

Bumuntong hininga siya saka sinarado ang laptop. "Dahil sa mommy niya. Gusto ng ina ni Nyke na magkaroon ng apo kaya siya napilitan na lapitan ako."

"Dahil sa dinadala mo para ipakilala sa ina niya at tigilan siya tungkol sa pag-aasawa." Dugtong nito sa sinabi niya kaya tumango siya. "Kaya ayaw mong maging secretary niya," dagdag pa na wika nito.

Hindi niya masabi kay Sandy na niyaya rin siya ni Nyke na magpakasal. Iniisip niya na baka napasubo lang ang binata. Hindi na rin dapat malaman nito na pinagsamantalahan siya ng binata noong isang linggo.

Isang linggo na rin niyang iniiwasan ang binata simula nang gabing 'yon. Pinalayas niya rin ito sa kanyang bahay at sinasaraduhan ng pinto kapag binibisita siya. Hindi niya hinahayaan na makalapit sa kanyang ang binata. Dapat simula pa lang ay iniwasan niya  agad ito.

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon