CHAPTER 4
"FORGIVE ME FATHER, I HAVE SIN."
Pagkaalis ni Nyke sa apartment ni Hiyasmin. Nakatiim bagang siya habang nagmamaneho at nagtungo sa simbahan. Hindi niya alam sa sarili na kung bakit dinala siya ng kanyang mga paa sa simbahan. Ang alam lang niya ay upang mabawasan ang init na kanyang nararamdaman dahil sa babaeng nagpabaliw agad sa kanya kanina.
Napakunot noo siya nang tumikhim ang pare. "Ano ba ang naging kasalanan mo?" Hindi niya makita ang mukha ng pare ngunit pamilyar sa kanya ang boses nito.
Pinagkibit-balikat na lang niya. "Nagkasala po ako. May pagnanasa ako sa babaeng hindi ko naman nobya o asawa," pag-amin niya habang inaalala ang imahe ng dalaga na tanging tuwalya lang ang tapis sa katawan.
Lalong nagsalubong ang kanyang kilay nang narinig niya ang pigil nitong tawa. "Father, may problema po ba?"
Tumikhim ito. "Wala naman. Iyon lang ba ang aaminin mo?"
"Iyon lang po, father," sagot niya. "Bakit po?"
Nahihiwagaan na siya sa pare'ng ito.
"Anong bang naramdaman mo sa babaeng ito?"
Napatigil si Nyke sa tanong ng pare. Biglang sumikip ang alaga niya sa loob ng kanyang pantalon nang maalala ang hubog na katawan ng dalaga. Napapikit pa siya habang kagat ang ibabang labi.
Mabilis niyang pinilig ang kanyang ulo nang maalala na nasa simbahan siya. Tumikhim siya. "Nag-iinit po ako sa tuwing nakikita ko siya."
Ngayon niya lang inamin sa sarili na matagal na siyang may pagnanasa sa dalaga. Pilit lang niya kinukubli at nilalaban ang init na kanyang nararamdaman. Ngunit kanina ay muntik na niyang sapakin ang sarili dahil kamuntikan na siyang bumigay. Mabuti na lang ay nagawa niyang kontrolin ang sarili na huwag sunggaban ang labi ng dalaga.
"Wala namang problema kung nag-iinit ka sa kanya. Ang ibig kong sabihin ay kung may pagnanasa ka sa kanya. Kung single ka at single siya, walang masama d'on," wika ng pare saka niya narinig ang halakhak nito. Napamura siya isip nang makilala niya ang boses nito. "Binata ka na, tol."
Fuck! Mabilis siyang lumabas at hinablot si William sa loob na hindi mapigil sa kakatawa. "Tang-ina mo!" Mura niya sa kaibigan.
"Woah! Nasa simbahan tayo, tol," natatawa nitong wika.
Kung wala lang sila sa simbahan, kanina pa niya nasuntok sa mukha ang gagong ito. Pagtripan ba naman siya. Akala naman niya ay totoong pare.
Napapailing na lumabas siya sa simbahan habang nakasunod si Wilfred sa kanya. "Sa lahat ng pwede mong aminin na kasalanan mo, 'yong pagnanasa mo lang sa secretary ni Aleck."
Matalim ang mata na nilingon niya ito. "Shut up! Wala kang alam."
"Marami akong alam. Tungkol sa pagiging ama mo at ang ina ay ang secretary ni Aleck," nakangisi nitong ani.
"How did you know?" Tanong niya.
"Sinabi sa'min ni Raizer." Natawa ito. "Di'ba wala dapat lihiman sa grupo natin?"
"Yeah, right! Sabihin mo 'yan kay Calden."
Tumawa ito. Wala na ata itong tigil sa kakatawa. "Gusto ka lang pagtripan n'on," tukoy nito kay Calden. "Kilala mo naman si Calden, may sayad sa utak."
"Kaya pati ikaw rin, may sayad." Napapailing siya. "Bakit ba nagkaroon ako ng mga kaibigan na may saltik sa utak?"
"Eh kasi may sayad ka rin. Sabi nga nila, birds with the same feather is flock together."
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...