CHAPTER 17
PAGBUKAS NG PINTO ay tila nagulat ang ina niyang si Jasmine nang makita siya nito sa labas. "A-anak!"
Nabitawan ni Hiyasmin ang malaking bag na dala niya na naglalaman ng kanyang mga damit.
"Nay!" Tumulo ang mga luha niya sa mata at niyakap agad ito. Tila nakaramdam siya ng ginhawa nang mayakap niya ang kanyang ina.
Tinapik-tapik nito ang likod niya at puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Ano bang nangyari?"
Kumalas siya ng yakap saka niya pinunasan ang basang pisngi. Akmang magsasalita siya nang marinig niya ang boses na nasa hagdan.
"La, pasok na po ako." Natigilan ito nang makita siya habang nangingilid ang luha niya.
Nagbukas-sara ang bibig niya habang nakipagtitigan sa binatilyo na blangko ang emosyon. Palihim siyang napangiti nang makitang tila lumaki ito ng maayos sa piling ng ina niya.
Napakatangkad na nito sa edad nitong magfo-fourteen. Clean cut ang gupit habang may salamin sa mata. Nakasabit ang bag nito sa balikat habang nakatitig sa kanya.
Tila may nagtutulak sa kanya na yakapin niya ito ngunit nanaig ang takot ni Hiyasmin na baka ipagtulakan lang siya nito.
May bumadhang kirot sa dibdib niya nang nag-iwas ito ng tingin at bumaling sa ina niya. "La, pasok na po ako."
"Hindi mo muna ba kakausapin ang mama mo? Nandito na siya."
"Mala-late na po ako." Lumapit ito sa ina niya at hinalikan sa pisngi. Ngunit nang dumaan ito sa harapan niya ay binigyan lang siya nito ng maliit na ngiti na hindi umabot hanggang tenga saka lumabas ng bahay.
Bumuntong hininga ang nanay niya habang sinusundan niya ng tingin ang anak niya na palabas sa gate. Umaasa siya na sana lumingon ito sa kanya ngunit hindi siya pinagbigyan ng tadhana, hanggang sa nakasakay ito ng jeep.
Bumigat ang pakiramdam niya nang maalala ang mukha ng anak niya. Nang tinititigan niya si Justice ay hindi niya maiwasang alahanin si Nyke. Kamukhang-kamukha nito ang bata at 'yon ang lalong nagpapasakit sa kanya.
Umaasa kasi siya na baka nagkamali siya ng narinig niya, ngunit nasa harapan na niya mismo ang ebidensya.
Bumalik ang atensyon niya sa ina nang nagsalita ito, "Ang batang 'yon talaga!" Naiiling na wika ng ina niya. "Ano bang nangyari?" Tanong nito sa kanya. "Hindi ka nagpasabi na uuwi ka pala. Maupo ka muna."
Giniya siya nito sa salas at naupo sila sa mahabang sofa na magkaharapan. Hinawakan nito ang kamay niya. "May problema ba?"
Napakagat-labi siya habang lumuluha. "Nakita ko na siya, nay."
Nagsalubong ang kilay ng ina niya. "Sino naman ang nakita mo?"
"A-ang gumahasa sa'kin, nay. Nakita ko na siya."
Namilog ang mga mata nito. "Si-sigurado ka ba diyan?"
Tumango siya. "Opo, nay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Pinunasan ni Hiyasmin ang luhaan niyang mga mata.
"Huminahon ka muna." Hinawakan nito ang balikat niya. "Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Ang layo ng byahe mo at isa pa nakakasama sa dinadala mo."
Tumango siya saka bumuga ng malalim na hininga.
HINDI NAGPAAWAT SI Nyke kahit lasing na lasing na siya. Pinipigilan siya ni Genesis at Maru ngunit hindi niya pinapansin ang dalawa.
Namumula na rin ang kanyang mukha at halos matutumba na sa upuan niya kung hindi lamang nakaalay ang dalawa niyang kaibigan.
"Tama na 'yan, pre." Pagpigil sa kanya ni Maru at inagaw ang baso ng alak na hawak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/140944465-288-k115736.jpg)
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...