CHAPTER 5
"ANONG GINAGAWA MO DITO?"
Nakataas ang kilay na tanong ni Hiyasmin nang humarap ang binata sa kanya habang naka-krus ang kanyang mga kamay sa ilalim ng dibdib.
Pinipigilan niya ang mapatingin sa malapad nitong dibdib patungo sa bumabakat na anim na pandesal na nasa katawan nito kahit may suot itong apron.
"Paano ka nakapasok?" Pataray na tanong niya.
"I have my way," sagot nito at tila walang pakialam sa pagtataray niya. Nagawa pa nitong ngumiti na nagpalakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya pinahalata na natatakam siya sa braso nito habang nafe-flex. "Teka! Kumain ka na ba? Nagluto na ako."
"Sinong may sabing mangialam ka sa kusina ko?" Ngumisi ito nang biglang kumulo ang kanyang tiyan sa gutom, nang maamoy niya ang niluto nito.
"C'mon. Tama na ang pagtataray. Luto na ito kaya maupo ka na diyan."
Saglit natigilan si Hiyasmin nang kumindat ito bago tumalikod sa kanya at humarap sa niluluto nito. Nakasunod lang siya ng tingin sa binata habang kumuha ito ng mangkok saka sinandok ang niluto nitong beef steak.
Nakatayo lang siya sa kusina nang ilapag nito 'yon sa lamesa saka nagsandok ng kanin at kumuha ng dalawang plato, kutsara't tinidor.
Lumingon ito sa kanya nang mapansin nito na hindi siya gumagalaw. Nakatulala kasi siya sa gwapo nitong mukha habang pinagmamasdan niya ang kilos nito. Tila sanay ito na gumalaw sa kusina.
Nakatitig lang siya sa gwapong mukha nito nang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Bahagya pa siyang napakislot nang maramdaman niya ang boltaheng kuryente na dumaloy sa palad nito patungo sa palad niya. Tila naramdaman din 'yon ni Nyke dahil napatingin ito sa kamay nila na magkasugpo.
Nagdadalawang isip si Hiyasmin kung ilalayo niya ang kanyang kamay ngunit sa huli ay pinili niyang bitawan ang kamay nito. Wala itong kurap habang nakatingin sa kanya nang nauna siyang naglakad at naupo.
Ilang sandali lang ay naupo rin ito saka tahimik silang kumain nang walang pag-uusap. Nauna siyang natapos sa pagkain kaya dumiretsyo siya sa silid niya. Si Nyke ang paghuhugasin niya nang plato, pumasok kasi ito sa bahay niya nang walang paalam.
Pagkatapos niyang maligo, nagbihis siya ng panjama at puting sando. Hindi siya sanay na magsuot ng bra tuwing gabi, ngunit may kasama siyang lalaki na hindi niya alam kung may balak bang umuwi kaya no choice siya kundi mag-bra.
Nag-blower siya nang buhok saka nahiga. Pinikit ni Hiyasmin ang kanyang mga mata at pinilit na matulog ngunit ang diwa niya ay nanatiling gising. Hindi mawala sa isipan niya ang lalaking iniwan niya sa salas at kasulukuyan nanonood ng telebisyon dahil rinig niya ang sound ng TV.
Sinabunutan niya ang sariling buhok dahil sa iritasyon saka napilitang bumangon at lumabas ng silid. Agad napatingin sa kanya si Nyke na nakaupo sa mahabang sofa, ngunit tinaasan niya lang ito ng kilay. Nakasuot lang ito ng boxer kaya lantad sa paningin niya ang abs nito na nakakapanuyo ng lalamunan lalo na sa bumubukol na bagay sa pagitan ng hita nito. May hawak itong can na beer saka dalawang bote sa lamesa.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Pagtataray na tanong niya at naupo sa single sofa. Hindi siya tumingin sa gawi ng binata, tinuon niya ang atensyon sa telebisyon na hindi naman niya maintindihan dahil ramdam niya ang mainit na titig sa kanya ni Nyke.
"Babantayan ko ang mag-ina ko."
Napakislot ang puso ni Hiyasmin sa sagot ng binata. Nakaramdam siya ng kabog ng dibdib at tila ang sarap sa pandinig niya nang sabihin nito ang mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...