A/N: nakakatuwa ang mga comments nyo, 😂 ginaganahan ako na mag-ud.😊 Anyway, hindi ito ang inaasahan mo katulad ng iyong iniisip. Ang dami pang unrevealed secret at madami pang mangyayari. Nagsisimulang pa lang tayo, guys!
Btw, enjoy reading!
CHAPTER 16
"TAMA NA yan, pre!" Awat sa kanya ni Genesis. "Ang dami mo ng nainom."
Akmang kukunin nito ang baso ng alak na hawak niya nang ilayo niya ang kanyang kamay. "Pabayaan mo ako!"
Nakakaramdam na siya ng hilo at namumula na ang kanyang mukha sa kalasingan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon kaya dinadaan na lang niya sa inom.
Nahihirapan siyang harapin si Hiyasmin nang ganito ang kalagayan niya. Hindi na niya kayang ikimkim ang konsensyang nararamdaman niya. Sobra siyang nagsisisi at nagagalit sa sarili.
"Ang dami mo ng nainom. Baka hinahanap ka na rin ni Hiyasmin."
Nilagok ni Nyke ang basong alak na hawak saka nangingilid ang mga luha sa mata na tumingin sa kaibigan. "Paano ko siya magagawang harapin? Sa tuwing nakikita ko siya, kinakain ako ng konsensya ko." Umaalog ang kanyang balikat sa pag-iyak. "I ruined her life!"
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, bro. Wala kang kasalanan. Biktima ka rin."
Umiling-iling siya. Yumuko ang ulo niya habang nakapatong ang siko sa island counter. Nakatakip ang mata niya gamit ang palad ng kamay upang hindi makita ni Genesis na umiiyak siya. Ngunit dinadaya siya ng pag-alog ng kanyang balikat.
Tumingala si Nyke sa kisame upang huwag pumatak ang nababadhang luha sa mga mata niya. Ngunit hindi niya napigilan at tuluyan na siyang napaiyak. "Sinabi niya sa'kin na gusto niya ako at nagsisimula na siyang mahalin ako." Mariin siyang napapikit nang pumatak ang luha sa mga mata niya. Nagmulat siya at humarap sa kaibigan niya nang namumula ang kanyang mga mata. "Pero, bakit hindi ako masaya?"
"Dude, iparamdam mo lang sa kanya na mahal mo siya at ginawa mo lang 'yon para maligtas siya. Kung mahal ka niya, papakinggan niya ang paliwanag mo."
Pasimple niyang pinunasan ang basa niyang mga mata. "But it was my fault. Ako ang sumira sa kanya."
"Hindi mo kasalanan, dude. Magpaliwanag ka lang sa kanya. Karapatan naman niyang magalit kapag nalaman niya."
Tuluyan na siyang napaiyak. "I raped her, dude. I ruined her life! Ako ang gumahasa sa kanya."
Agad silang napalingon nang makarinig na parang may nabasag. Natakid pala nito ang vase na nasa table.
Nanlaki ang mata ni Nyke at tila nawalan ng kulay ang mukha niya nang makita ang dalaga na lumuluha habang hindi makapaniwala sa narinig. Nabukas-sara naman ang bibig ni Genesis habang gulat na gulat.
Tila nawala ang kanyang kalasingan. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya habang napapalunok. Akmang lalapitan niya ang dalaga nang umatras ito.
"T-totoo ba?" Nauutal na tanong ni Hiyasmin habang lumuluha at namumula ang mukha sa galit. "Totoo ba ang lahat ng narinig ko?"
Humugot siya nang lakas upang magsalita habang kumakabog ang dibdib. Iniisip pa lang niya na iiwan siya ni Hiyasmin dahil sa kasalanan niya ay unti-unti siyang pinapatay. Hindi niya kakayanin na mawala ito nang dahil sa kanya.
"Baby, let me explain." Akmang hahawakan niya ang kamay nito nang nilayo ng dalaga.
"Huwag mo akong maba-baby-baby!" Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang sumigaw ito. Sa sobrang galit ng dalaga ay naglalabasan na ang litid sa leeg nito upang pigilan na huwag siyang pagbuhatan ng kamay. "Ang tanong ko ang sagutin mo! Totoo ba, ha? Sagutin mo ako!"
![](https://img.wattpad.com/cover/140944465-288-k115736.jpg)
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...