CHAPTER 24

53K 1.5K 123
                                    

CHAPTER 24

"MOMMY, SAMA po ako," anang ng anak niya na si Hope habang nagtutupi siya ng damit.

"Baby, hindi kasi pwede." Hinawakan niya ang pisngi nito nang bigla itong lumungkot.

Gusto kasi ng mga anak niya na sumama sa isla kung nasaan si Nyke na daddy ng mga ito. Kahapon lang sila nakauwi sa Pilipinas at siguradong pagod saka puyat ang mga bata. 

"Bantayan mo na lang si Ate Erica mo." Sinama niya kasi si Erica para may mag-alaga sa mga anak niya habang aayusin niya ang anumang hindi pagkakaunawaan nila ni Nyke.

Napakamot naman ito sa ulo. "Malaki na po si ate Erica. Bakit ko siya aalagaan?"

Hindi naman sa ayaw niya kay Erica para sa anak niya. Kaso, ang bata pa kasi nito at gusto pa niya na magkaroon siya ng oras kasama si Justice.

"Mommy, sama na lang ako. I want to see my daddy. Where's our daddy?"

"May sakit kasi si daddy." Hindi pa sinasabi sa kanya ni Justice kung ano ba talaga ang nangyari kay Nyke na nagpakaba sa kanya. Dalangin na lang niya na sana maayos ang kalayagan si Nyke. "But soon, baby."

Bahagyang lumiwanag ang mukha nito. "Really, mommy?"

Ngumiti siya saka pinisil ang pisngi ng anak. "Excited na excited na rin si daddy na makita kayo."

"Ako rin, mommy. I'm excited." Bakas sa mukha ng anak ang kasiyahan sa kagustuhan na makita ang ama.

"Laro muna kayo ng mga kambal n'yo," wika niya sa anak nang makita si Justice na nakasandal sa gilid ng pinto.

Humalik muna sa pisngi ang anak saka tatakbong lumabas ng silid.

"Ano ba talaga ang nangyari sa daddy mo?" Tanong niya sa anak nang makalapit ito at tumabi ng upo sa gilid ng kama.

"Puntahan mo na lang siya, ma. Si papa ang magpapaliwanag sayo." Kahit kinakabahan ay hindi na lang niya pinilit ang anak. "Basta, ma. Huwag n'yo siyang iiwan kahit anong mangyari. Kahit ipagtabuyan pa kayo ni papa."

Tumango siya saka hinaplos ang pisngi ng anak. "Ang laki na ng anak ko. Binata na."

"Mama naman..."

"Baka naman may girlfriend ka na, ha?"

"Wala po akong girlfriend at wala akong balak na magka-girlfriend."

"Asus. Sinasabi mo lang 'yan dahil ako ang mama mo."

"Si mama talaga..."

Natawa na lang siya. "Halika nga dito." Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Mama, tama na. Nakakahiya."

"Ngayon ka pa nahiya." Napapailing siya. "Nasaan nga pala ang lola mo?" Tanong niya nang maalala ang kanyang ina.

"Nakikipaglaro sa triplets."

Tila walang pagod ang ina niya na makipaglaro sa mga bata noong nakauwi sila kahapon. Tuwang-tuwa naman ang triplets na makilala ang kanilang lola. Ngayon lang kasi nakita ng kanyang ina ang tatlong bata kaya ganoon na lamang ang excitement ng ginang na makipag-bonding sa mga apo.

"Ikaw na bahala sa mga kapatid mo, ha. " Habilin niya kay Justice. May babala na tumingin siya sa anak. "At ayaw ko pang magka-apo." Nang maalala niya na nagkakamabutihan na si Erica at ito. Wala naman siyang tutol sa bagay na 'yon.

"Mama, magkaibigan lang kami."

"Oo na!"

"Basta, ma. Huwag n'yong iiwan si papa. Huwag kayong susuko."

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon