CHAPTER 12

61.9K 2K 124
                                    

A/N: Kids, don't closed your eyes. 😂 It's dangerous.

CHAPTER 12

HINDI NA KAYA ni Nyke na magpigil. Pakiramdam niya ay malalagutan siya ng hininga anumang oras sa kakaisip sa katawan ng dalaga. Hindi na niya kayang pigilan ang kanyang nararamdaman na matagal niyang tinago sa loob ng labing limang taon.

Hindi na niya aaksayahin ang oras na makasama ang dalaga habang siya ay nabubuhay. Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para pagbigyan siya sa kanyang minimithi na makuha ang puso ng dalaga.

Labing limang taon siyang nagtiis at umaasa na sana mapansin siya ni Hiyasmin. Labing limang taon siyang naghintay ng pagkakataon na lapitan ang dalaga. Ayaw na niyang masayang ulit ang panahon.

It's now or never but he should control his self para hindi ito masaktan. Kahit naman nilulukob siya ng pagnanasa, iniisip pa rin niya ang nararamdaman nito.

Ngunit hindi niya mapigilan na makaramdam ng gutom habang nakatitig sa makurba nitong katawan.

Talagang nakakagutom ito sa suot nitong puting lingerie na bumakat sa matambok nitong bundok.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng awa nang makita ang nerbyos at pamumutla sa mukha nito. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang takot ng dalaga na ngayon ay nakikita niya sa mga mata nito.

"I- I'm sorry," he sincerely said then let out of his heavy sigh. "But I want you."

Inisang hakbang niya ang distansya sa kanila ng dalaga. Hindi ito nagsasalita, tahimik lang ito habang nakikiramdam sa gagawin niya.

Hindi niya mapigilan na umapoy ang kanyang mga mata sa pagnanasa habang nakatitig sa dalaga. Naging sanhi 'yon upang manginig si Hiyasmin sa takot.

"Oh, god!" Mabilis niyakap ni Nyke si Hiyasmin nang makita niya ang takot sa mga mata nito habang nanginginig ang katawan. She couldn't hugged him back, instead she placed her right place in his masculine chest. "I'll never hurt you," he whispered in her ear.

Bahagyang kumalas ng yakap si Nyke. He placed his hands either side of his face, forcing her to look at him. "Hindi kita sasaktan," malumanay niyang wika.

May namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Hiyasmin. Naninikip ang dibdib ni Nyke sa nakikitang takot sa mukha nito na pilit pinipigilan para sa kanya. Ngunit hindi niya ito pipilitin kung alam niyang masasaktan ito at maalala ang nakaraan.

Maliit siyang ngumiti saka dahan-dahang nilapit ang mukha sa dalaga habang nakapikit ito. He kissed her. There was a salty tasted on her lips saka lang nalaman ni Nyke na umiiyak na pala ito.

Nilayo niya ang kanyang labi saka pinagdikit ang kanilang mga noo. Walang salita na lumalabas sa kanyang bibig ngunit ang puso niya ay kumikirot dahil sa kalagayan ng dalaga.

Hinalikan niya ito sa noo saka bahagyang lumayo at tumalikod. "You should sleep now," mahina niyang wika saka humakbang palapit sa pinto.

Akmang bubuksan niya ang seradura ng pinto nang tawagin nito ang pangalan niya. "Nyke!"

Tumingin siya sa dalaga habang hinihintay ang sasabihin nito. Narinig niya ang pagtikhim nito saka nagsalita. "G-good night."

Tumango siya saka tuluyang lumabas ng silid nito. 

BUMUGA NG MALALIM na hininga si Hiyasmin nang umalis si Nyke. Kinapa niya ang kanyang dibdib sa tapat ng puso na walang tigil sa pagtibok.

Nanghihinang naupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa sahig. Nagtatalo ang puso't isip niya kung hahabulin ba niya ang binata. Ngunit natatakot siya.

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon