CHAPTER 20
"YASMIN!"
Napabalikwas ng bangon si Nyke at agad na hinanap sa paligid ang dalaga. Tumayo siya at pinulot sa sahig ang boxer saka sinuot. Lumabas siya sa silid at bumaba ng hagdan sa pag-aakala na nasa living room ang dalaga. Ngunit hindi niya ito makita sa salas, dumiretsyo siya sa kusina dahil baka nasa kusina lang ito at nagluluto ng agahan.
Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib nang hindi niya makita si Hiyasmin sa buong kabahayan.
Tatakbong bumalik siya sa silid at madaling pinulot ang kanyang mga damit saka sinuot. Wala na siyang pakialam kung gusot-gusot ang pantalon at shirt niya. Wala na siyang pakialam kung magulo pa ang buhok niya at kung hindi pa siya nakakaligo.
Ang mahalaga sa kanya ay mapuntahan niya si Hiyasmin para makausap ito. Naramdaman niya ang pagmamahal nito kagabi habang inaangkin niya.
Wala sa sariling napangiti siya nang maalala ang naganap kagabi sa kanila ni Hiyasmin. Puno 'yon ng pagmamahal at pagkasabik. Binuhos niya ang pagmamahal niya kagabi para iparamdam sa dalaga. Hindi 'man nito nasabi na napatawad na siya nito ay sapat nasa kanya na pinakinggan nito ang paliwanag niya.
Biglang nahagip ng mga mata niya ang nakatuping papel na nakalapag sa maliit na lamesa. Pinatungan 'yon ng kanyang cellphone.
Naupo siya sa gilid ng kama saka dinampot ang papel at binuksan. Natigilan siya ng mabasa niya ang nakasulat.
I'm sorry. I have to do this.
Agad siyang tumayo at tinapon ang papel sa kung saan saka dinampot ang susi na nakalapag sa beside table. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng rest house at agad na sumakay sa kotse saka pinaharurot.
Wala siyang idea kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat. Dalawang sentences lang 'yon ngunit nagpakabog ng kanyang puso. Hindi siya makapag-isip ng tama, ang gusto niya lang ay makita ang dalaga.
"ANAK! KAILANGAN mo ba talagang umalis?" Malungkot na tanong ng ina ni Hiyasmin. Hininto niya ang pagtutupi ng kanyang mga damit para sa dadalhin niya papuntang Australia. Hindi na magbabago ang kanyang desisyon kahit alam niyang malulungkot ang ina niya sa kanyang pag-alis.
Sinabi niya agad sa ina na pupunta siyang Australia para hanapin ang kanyang sarili. Narinig ng anak niya ang pag-uusap nilang mag-ina kanina. Balak niyang sundan ito at kausapin ngunit nagkulong ito sa sarili nitong silid.
Bumuntong hininga siya. "Kailangan ko 'tong gawin, nay. Hindi ako makakalimot kung mananatili ako dito."
Hindi lang naman para sa sarili niya kung bakit siya aalis. Gusto niyang hanapin ang sarili at maging buo para sa mga anak niya. Hindi siya magiging mabuting ina kung may natitira pa siyang galit at hinanakit sa sarili. Galit sa dyos dahil hinayaan nito na mangyari 'yon sa kanya. Hinanakit sa buong mundo dahil sa lahat ng tao ay sa kanya nangyari 'yon.
"Isasama mo ba si Justice?"
Nahihirapang umiling siya. Gusto 'man niyang isama si Justice ngunit mas lalo siyang mahihirapan. Aalis siya para sa anak, para sa pagbalik niya ay kaya na niyang maging mabuting ina.
Masakit 'man sa kanya na iwan ang anak ngunit kailangan niyang gawin. Dalangin na lang niya na sana mapatawad siya nito at maintindihan nito ang desisyon niya.
Malungkot na bumuntong hininga ang ginang. Nakikita niya sa mukha nito na hindi nito gusto na umalis siya. Pinipigilan lang nito na huwag pumatak ang mga luha.
Pinipilit niya na huwag ipakita sa ina ang kalungkutan niya dahil sa kanyang pag-alis. Gusto niyang ipakita sa ina na kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...