CHAPTER 1

82.1K 1.9K 54
                                    

CHAPTER 1

NAPANGITI SI Hiyasmin pagkalabas niya ng NAIA. Bumuga siya ng malalim na hininga saka hinawakan ang manipis niyang tiyan. She's one month pregnant now at maayos na naisagawa sa kanya ang procedure ng artificial insemination. Halos dalawang linggo rin siyang sumailalim sa iba't ibang procedure hanggang sa nakumpirma ng kanyang doctor na si Dr. Calden Chiu na siya'y buntis.

Wala siyang makapa na pagsisi dahil matagal ng buo ang kanyang desisyon na maging isang dalagang ina at ngayon nga ay natupad na. There's nothing wrong of being a single mom. Malaki ang respeto niya sa mga single dad/mom dahil iniidolo niya ang kanyang ina na mag-isa siyang inalagaan at pinalaki.

Pinatunayan ng kanyang ina na hindi mahalaga kung may partner man o wala. Hindi kailangan ng ka-partner sa buhay para itaguyod ang pamilya. Hindi niya kailangan ng makakatuwang sa buhay, sakit lang kung maghahanap pa siya ng batong ipupukpok sa kanyang ulo.

May humintong taxi sa harapan niya. Pumasok agad siya habang ang driver ay lumabas at nilagay ang kanyang maleta sa likod. Bumalik ang driver sa loob at pinaandar ang makina. Sinabi niya sa driver ang address ng kanyang apartment.

Narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone sa hawak niyang shoulder bag. Parang alam na niya kung sino ang tumatawag. Si Sandy, nagtext kasi siya kay Sandy upang sabihin na pauwi na siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nag-flash sa screen ang numero ng kanyang kaibigan. Sinagot niya ang tawag at tinapat sa kanyang tenga.

"Hello, nasaan ka na? Kanina pa kita tinitext," anang ng nasa kabilang linya.

"Nasa taxi ako. Pauwi na ako, magkita na lang tayo sa apartment ko," aniya.

"Successful ba? Magiging ninang na ako?" tanong nito.

Napangiti siya saka tumingin sa manipis niyang tiyan. "Mamaya ko na sasabihin sayo. Itetext na lang kita kapag nakauwi na ako," wika niya saka pinindot ang end call.

Binalik niya ang cellphone sa bag saka tumingin sa labas ng bintana. Huminto ang taxi dahil sa traffic, pinagmasdan niya ang mga batang nasa lansangan at nanlilimos. May kumatok sa bintana kaya binaba niya 'yon at binigyan niya ng sandwich ang batang pulubi. Nagpasalamat ito bago umalis at pumunta sa kabilang sasakyan.

Unti-unti umuusad ang mga sasakyan at huminto ang sinasakyang taxi sa tapat ng isang kotse na nakabukas ang bintana. Pinagmasdan niya ang babaeng may karga na sanggol at tila nilalaro nito. Napahawak siya sa manipis niyang tiyan.

Hindi niya maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso niya. Hindi na siya makapaghintay na lumaki ang tiyan niya at manganak. Excited din siya na malaman kung ano ang magiging gender ng kanyang baby.

Tuloy-tuloy pa rin ang check up niya kay Dr. Chui. Pinalipat na ang kanyang files sa hospital nito sa Pilipinas. May lihim nga siyang paghanga sa binata dahil sa galing nito bilang doctor. Cute at charming ang binata saka binigyan pa siya ng fifty percent na discount. Hindi nga siya makapaniwala, e. Nagtanong nga siya kung bakit may discount. Sagot lang nito ay dahil sa magkababayan sila at secretary siya ng kaibigan nito na boss niya. Hinihiling nga niya na sana kamukha ni Calden Chiu ang kanyang baby.

Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang driver. "Nandito na po tayo, ma'am." Nagpasalamat siya saka binigay ang bayad. 

Bumaba siya at napangiti habang nakaharap sa apartment niya. Hindi talaga mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Gusto pa nga niya magpa-party.

Nagpasalamat siya kay manong nang binaba nito ang kanyang maleta at tinulungan siya na ipasok sa loob ng gate. Binigyan na lang niya ito ng tip.

Kinuha niya ang susi sa bag saka binuksan ang pinto. Hila ang maleta habang papasok sa loob ng bahay. Pagod siyang naupo sa mahabang sofa. Pinagmasdan niya ang buong salas kung malinis. Binigyan kasi niya ng duplicate key si Sandy upang bisitahin ang kanyang bahay at linisin nang hindi madalaw ng multo at maalikabukan.

SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon