CHAPTER 15
HUMINTO ANG kotse ni Nyke sa tapat ng apartment niya. Nauna itong bumaba saka umikot sa side at pinagbuksan siya ng pinto.
Pumasok sila sa gate saka niya kinuha ang susi sa dala niyang shoulder bag at binuksan ang pinto.
Pagbukas niya ng pinto ay mabilis naman na pagsara ni Nyke saka siya sinandal doon at siniil ng halik. She kisses him back and wrapped her arms around his neck.
"Di'ba may pupuntahan ka pa?" Tanong niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Dinampian siya nito ng halik sa labi bago sumagot, "Parang ayaw ko ng umalis."
"Hindi pwede. Di'ba importante 'yon?"
Bumuntong hininga si Nyke saka hinawakan ang kamay niya at giniya sa salas. Naupo ito sa single sofa habang pinaupo siya sa kandungan nito paharap.
Yumakap ito ng mahigpit habang sumubsob ang mukha sa dibdib niya. Napangiti si Hiyasmin habang sinusuklay niya ang buhok nito gamit ang sariling kamay.
"Dito na lang kaya ako," anang ni Nyke. Nakangisi itong umangat ang mukha. "Then let's make love here." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang palad n'on.
Napapailing siya. Kung pwede nga lang sana kaso inaalala niya ang kanyang mga babies sa loob ng tiyan niya. Ayaw naman niyang mapahamak ang mga ito dahil sa nakipagtalik siya kay Nyke. Mabuti na 'yong nag-iingat, tatlo pa naman din sila.
"Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko."
Umalis siya sa kandungan nito at tumayo. "Pwede naman kasi na 'wag mo na lang dalhin ang mga 'yan? Bumili na lang tayo ng bago mong gamit at damit."
Hinawakan niya ang kamay nito at pinatayo. Kumapit ang mga kamay niya sa leeg ng binata nang hawakan nito ang baywang niya at hinapit.
"Mamaya na lang, pagbalik mo."
Lumiwanag ang mukha ng binata. "Sabi mo 'yan, ha."
Hinalikan niya ito sa labi. "Opo, Mr. Manyak."
"Mr. Manyak?! Kailan ako naging manyak?"
"Asus!" Piningot niya ang ilong nito. "Umalis ka na nga," natatawa niyang pagtataboy.
"Quickie muna," pangungulit nito.
"Mamaya nga."
"Ang tagal pa ng mamaya."
Napapailing siya. "Sige ka, kapag nangulit ka pa ulit. Hindi na kita pagbibigyan."
"I love you," Mabilis siya nitong dinampian ng halik sa labi at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.
Napakurap-kurap siya saka tumingin sa gawing pinto. Tama ba ang pagkakadinig niya o sadyang nabingi lang siya?
I love you. Baka naman hindi nito sinasadya na sabihin. Napailing siya saka bumuntong hininga.
Pumasok siya sa silid niya at napangiti nang makitang malinis ang buong loob. Malamang si Sandy ang naglinis ng buong bahay habang wala siya.
Kinuha niya ang kanyang salamin sa mata na nakalapag sa table at sinuot. Naiwan nga pala niya ito. Nagsusuot lang siya naman ng salamin kapag lalabas siya ng bahay.
Nilagay niya sa kahon ang mga libro niya at nang hawakan niya ang photo album ay saglit siyang natigilan.
Naupo siya sa gilid ng kama saka nanginginig ang kamay na binuklat ang album. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya nang makita ang larawan ng isang sanggol habang kalong niya ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/140944465-288-k115736.jpg)
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...