CHAPTER 23
PRESENT TIME
TILA NAWALA ANG pagod ni Hiyasmin habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga anak na mahimbing na natutulog. Hinalikan niya sa noo si Patience Meadow bago si Faith Penelope saka si Hope Cristine.
"Goodnight, mga anak," mahina niyang bulong sa mga ito saka nakangiting tumayo.
Nilapitan niya si Erica na yaya ng kanyang tatlong anak na nakatayo sa hamba ng pinto.
"Hindi ka ba pinagod ng triplets?" Tanong niya.
Ito kasi ang nag-aalaga sa kanyang mga anak kapag duty niya sa hospital. Limang taon na itong nagtatrabaho sa kanya kaya malapit na ang loob nito sa mga anak niya. Pilipino rin kasi ito kaya panatag siya na nasa mabuting kamay ang limang taong gulang niyang mga anak.
Night shift kasi niya bilang nurse sa hospital kaya madaling araw na siyang nakakauwi at naaabutan na lang niya ang kanyang mga anak na natutulog. Nag-aral siya bilang nurse dito sa Australia ng dalawang taon at sa tulong na din ni Sasha.
"Sanay na ako sa kanila, ate. Medyo matigas lang talaga ang ulo ni Hope."
Napapailing siya saka bumuntong hininga. "Salamat. Pwede ka ng magpahinga."
"Sige po, ate," Anang nito saka nagtungo sa salas. Doon kasi ito natutulog.
Maliit lang naman kasi ang apartment na inuupahan niya. Dalawang kwarto –para sa kanya at sa triplets. May maliit na salas saka banyo na malapit sa kusina.
Nagtungo siya sa banyo saka hinubad ang uniform niya na pang-nurse at nilugay ang buhok. Akmang bubuksan ni Hiyasmin ang shower nang mapansin niya ang kanyang katawan sa kabuuan ng salamin.
Humarap siya sa salamin saka napahawak sa manipis niyang tiyan kung nasaan ang kanyang peklat. Napangiti siya nang maalala kung gaano siya naghirap sa panganganak. Hindi kasi pwede na normal delivery ang panganganak niya sa tatlo kaya nasi-csecarian siya. Hindi naging kakulangan sa kanya ang scars na nasa tyan niya pagkat naging buo pa siya nang mailabas niya ang tatlo.
Hindi rin madali na mag-alaga ng triplets lalo na't mag-isa lang siya mabuti na lang nakakuha agad siya ng yaya para sa mga bata. Nakakawala ng pagod at hindi mapailawanag ang saya sa puso kapag nakikita niya na lumalaki ang mga bata na mabait at magaganda.
Nang natapos siyang maligo ay lumabas siya nang nakasuot lamang ng puting bathrobe. Nakita niya si Erica na nakaupo sa mahabang sofa at tila hinihintay siya.
Tumayo agad ito nang makita siya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya.
"Ate, nakalimutan kong sabihin na may dumating dito na gwapong lalaki kanina."
Natigilan si Hiyasmin at biglang nanunuyo ang lalamunan saka kumabog ang dibdib.
"S-sino daw?"
"Anak n'yo daw po."
Namilog ang kanyang mga mata at may parte sa puso niya na nangungulila sa anak. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Saka niya lang napansin nang may pag-aalala sa mukha ni Erica.
"Ala! Ate..."
Mabilis niyang pinunasan ang basang pisngi saka humugot ng malalim na hininga. "A-anong sabi niya?"
Kahit may pagtataka sa mukha ng dalaga ay sumagot pa rin ito, "Babalik na lang daw po siya."
"Wala ba siyang sinabi kung saan ko siya pupuntahan?"
Parang nangangati ang kanyang mga paa na lumabas at puntahan ang anak kung nandito nga ito sa Australia. Nangangati ang kanyang mga kamay na yakapin at haplosin ang pisngi ng anak. Ang puso niya ay walang tigil sa pagkabog at gustong-gusto na makita ito.
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
General FictionWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...