A/N: First of all, I want to thank Hiyasmin Real for allowing me to used her name and be part of my story. I'm glad and grateful na isa ka sa naging main character ko. Again, thank you! 😊
So, this is it na, guys!
EPILOGUE
TANGING KUMOT LAMANG ang tumatakip sa hubad na katawan ng bagong mag-asawa. Nakaunan si Hiyasmin sa matipunong dibdib ni Nyke, habang masuyong sinusuklay ng binata ang buhok niya. Kakatapos lang ng kanilang honeymoon. Halos hindi siya tinantanan ni Nyke.
Hindi pa rin makapaniwala si Hiyasmin na totoong kinasal na talaga sila ni Nyke. Hindi pa nauuntog ang ulo niya. Parang panaginip lamang na hawak na talaga niya ang apelyido ni Nyke Falcon Montecarlo na isa sa bilyonaryo dito sa Pilipinas. Paano ba paniniwalaan na isang kagaya niya ay may asawang bilyonaryo?
"Hindi mo pa nasasabi sa'kin kung bakit ginawa mo 'yon?" Nagtataka lang talaga siya. Bakit kailangan pang magpanggap ni Nyke na pilay?
Hindi naman siya galit dahil sa ginawa ng binata na kasabwat ang panganay nilang anak. Hindi na kasi niya magawang magalit kay Nyke kahit nagsinungaling ito sa kanya.
Bumuntong hininga ito saka hinalikan siya sa buhok. "Totoong naaksidente ako pero nakaligtas ako. Hindi ako nakipagkita sa'yo noon dahil may kailangan pa akong ayusin."
Kumunot ang kanyang noo saka bahagyang inangat ang ulo upang tingnan ito. "Ano naman 'yon?" Gaano ba kaimportante 'yon at umabot sa anim na taon?
"Kilala mo naman di'ba si Prime Mondragon?"
Tumango siya. Bigla siyang kinabahan. Buong mundo ay kilalang- kilala si Prime. Baliw na lang siguro ang hindi nakakilala sa tinaguriang Hari ng Apoy.
"Siguro naman, alam mo kung anong klaseng grupo ang SPG?"
Tumango siya. Walong taon siyang naging secretary noon ni Aleck Montenegro kaya may kaunti siyang nalalaman tungkol sa grupo. Alam niyang pumapatay ang mga ito ng tao.
Hindi naman siya natatakot dahil alam niyang mabuting tao ang mga ito sa kabila ng masasama nitong mga gawain.
Bumuntong hininga si Nyke. "Ang hirap paamuin si Prime. Siya kasi ang kailangang kumbinsihin kapag may ikakasal sa'ming grupo."
"Bakit naman?" Tanong niya. Di'ba dapat ang mga magulang ang kailangang kumbinsihin?
"Kapag hindi ko ginawa 'yon ay papatayin niya ako."
"Ano bang ginawa niya sa'yo?"
"Mabuti ng hindi mo alam."
Tumango-tango si Hiyasmin at hindi na niya pinilit ang asawa. "Bakit nagpanggap kang pilay? Kailangan mo ba talagang gawin 'yon? At kinasabwat mo pa ang anak natin?"
Ngumisi ang binata. "Para wala ka ng kawala at mapipilitan kang pakasalan ako."
Bahagya niyang tinampal ang dibdib nito. Tumawa lang ang binata. "Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Magpapakasal naman talaga ako sa'yo." Buong puso niyang iaalay ang kanyang buhay para sa asawa't mga anak nila. Wala namang dahilan para hindi magpakasal sa isang kagaya ni Nyke. "Paano mo naman nakilala ang mga triplets?"
"They know that I'm their father. I was there nang ipinanganak mo ang triplets."
Napaupo si Hiyasmin habang kipkip ang kumot kaya naupo rin si Nyke at sumandal sa headboard ng kama. Iniwas niya ang kanyang paningin nang bumalandara sa harapan niya ang anim nitong pandesal sa katawan. Mamaya na niya papapakin ang abs nito kapag nagkaliwanag na sila.
"Bakit hindi ka nagpakita sa'kin? Natanggap mo naman ang sulat di'ba?"
Tumango ito. "Kasi hindi pa 'yon ang tamang panahon. Alam kong hinahanap mo pa ang sarili mo. Hindi ako makalapit sa'yo dahil sinabihan ako ni Prime."
"Prime na naman? Gaano ba siya kaimportante?"
"Hindi mo gugustuhin na makilala si Prime. He's very powerful, we called him as god. Hindi ako makalapit sa'yo dahil hindi pa ako tapos sa mission ko noon."
"Anong mission?" Nahihiwagaan na talaga siya kung anong klaseng grupo ang SPG.
"That's our secret." Tila wala sa tono nito na magsalita tungkol sa sinasabi nitong misyon.
Bumuntong hininga siya. "Fine!" Pagsuko niya. "So, all this year. Nakakalapit ka sa triplets?"
"Ah-huh," Tumango ito. "Every once a year, bumibisita ako sa triplets kapag wala ka."
Mahinang hinampas niya ito sa balikat. "Bakit hindi ka nagpapakita sa'kin?"
"Hindi pa nga ako tapos sa mission ko noon."
"Ang daya mo!" Sumimangot siya. "Diyan ka na nga!" Tumayo siya habang kipkip ang kumot.
Hindi siya tumingin sa asawa nang mawalan ito ng pantaklob sa ibaba nitong parte na tumitigas. Tila walang itong pakialam na nakabalandara sa harapan niya ang hubo't hubad nitong katawan.
"Hey, where are you going?" Habol na tanong nito sa kanya.
Huminto siya saka humarap sa binata. Nang-aakit na tumingin siya sa asawa habang napapakagat-labi. Tila naaapektuhan ang binata sa pang-aakit niya. Hinayaan niyang malaglag sa sahig ang kumot na tumatakip sa hubad niyang katawan. Parang nagliliyab na apoy ang mga mata nito nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Uminit naman ang kanyang magkabilang pisngi nang tumigil ang mga mata nito sa mga mayayaman niyang dibdib. Hindi niya inisip na takpan ang maseselan niyang parte bagkus tumayo siya ng tuwid at nilayad ng kaunti ang katawan.
"Shower. Do you want to join me?" Nang-aakit ang boses na tanong niya.
Ngunit bago pa makalapit sa kanya ang asawa ay mabilis niyang isinara ang pinto ng banyo. Napahagikgik siya dahil sa kapilyuhan niya.
Binuksan niya ang shower at sinimulang basain ang sarili. Hindi niya pinansin ang asawa na nasa labas at panay ang katok.
"Hey, baby. Open this fucking door." Madiin na wika nito na tila nagbabanta. "Stop teasing me, little vixen."
Hindi niya pinansin ang pangungulit ng asawa. Pakanta-kanta pa siya habang binabasa ang buhok.
Nagkibit-balikat si Hiyasmin nang hindi na niya narinig ang boses nito. Siguro sumuko dahil alam naman nito na hindi niya ito pagbubuksan ng pinto.
Siya naman kasi ang kawawa kapag hahayaan niya ang asawa na gawin ang gusto nito. Hindi na nga siya tinantanan nito kagabi. Para itong gutom na leon na matagal ng hindi nakakatikim ng sariwang karne.
Napalingon si Hiyasmin nang marinig niya ang pag-click ng pinto, hudyat na bumukas 'yon.
"Oh, no!" Anang ng isip niya nang makita si Nyke na papalapit sa kanya.
"Stop playing around with me, baby," he said with a husky voice.
Bagsak ang balikat ni Hiyasmin at hinayaan na lang niya na lumapit si Nyke sa kanya. Napasinghap siya nang hapitin nito ang kanyang baywang.
Nakaramdam siya ng init nang bumundol ang manhood nito sa puson niya.
He gave little kisses with her neck papunta sa punong tenga niya. "Our son said that he wants little brother," Paos na bulong nito.
Umaapoy ang mga mata nang titigan siya nito at marahang hinaplos ang kanyang baba. "Do you want that, hmm...baby?"
"Hindi pa ba sapat ang apat?" Mahinang tanong niya saka napakapit ng mahigpit ang mga kamay sa matipunong braso nito.
"Hmm... we'll see." Hindi na nakaangal si Hiyasmin nang marahang sinandal siya nito sa pader at siniil siya ng mapusok na halik.
A/N: short epilogue lang, guys, 😘 special chapter will be posted by tomorrow. 😊
BINABASA MO ANG
SPG 2:Be My Temptation (COMPLETED)
Ficção GeralWarning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Birth and it's her choice. Para sa kanya ang mga lalaki ay naglalaro lamang at hindi siya papayag na g...