PROLOGUE

6.5K 209 14
                                    

PROLOGUE

"Nasaan ang boss niyo?" tanong ng leader ng Red Eye Devil Gang.

"Nandito ako," sagot ko. Tumabi ako sa mga kasamahan ko. Nakaharang kasi sila sa harapan ko kaya hindi ako napansin. Ikaw pa naman harangan ng mga matatangkad na lalaki.

Biglang nagtawanan ang kabilang grupo sa pangunguna ng leader nila. Seriously? Nagjoke ba ako? Saang banda sa sinabi ko yung nakakatawa?

"Hahahaha. Bata umuwi ka na. Baka hinahanap ka ng nanay mo," sambit ng boss nila na ikinainis ko. Napasipol naman si Jacey dahil alam na niya ang sunod na manyayari. Inumpisahan ko ng magbilang ng pasensya.

"Naligaw yata siya Boss. Tingnan mo yung suot? Sa cosplay yata ang punta niya," sabi naman kasamahan niya.

Naka-cat hoodie kasi ako. Tapos yung pants ko may buntot katulad sa isang pusa. Hindi ko alam kung ano iniisip ni Hailey kaya niya pinasuot ito sa akin. Pangdisguise ko daw pero sa dinanami-dami ng pwedeng isuot bakit ito pa?

"Hahahaha. Tama na ang lokohan. Nasaan na ang boss niyo?" tanong ulit ng leader ng REDG.

"Sino ba nagsabing nakikipaglokohan kami? Nasa harap niyo na ang boss namin," sagot ni Jacey.

"Wag niyo ko nga pinagloloko. Itong batang ito ang boss niyo? Baka isang suntok ko lang diyan tumba na yan," panlalait niya sa akin.

"Baka ikaw yung tumumba sa isang suntok ko," bulong ko. Medyo malayo naman sila kaya hindi nila ako maririnig.

"Bakit hindi mo subukan? Tignan natin kung tutumba ako," sambit ko.

"Hinahamon mo ba ako bata? Wag kang iiyak kapag nasaktan kita."

"Wag puro salita. Gawin mo," panghahamon ko sa kanya at mukhang nainis siya sa sinabi ko. Patakbo siyang lumapit sa akin para suntukin ako pero sinalo ko lamang ang kamao niya gamit ang kanang kamay ko.

Halata sa mukha niya ang gulat. Inumpisahan kong pilipitin ang kamay niya kaya napasigaw siya sa sakit.

"Aray! Tama na! Ahhh!" sigaw niya kaya patulak ko siyang binitawan.

"Boss!" sigaw ng nga kasama niya na sabay nagsilapitan sa kanya.

"Sino ngayon nga ulit yung tutumba sa isang suntok?" pang-aasar ko. Bigla akong sinugod ng isa sa kanila. Yumuko at tumakbo palapit sa tiyan niya saka siya binuhat at hinagis sa mga kasamahan niya na nanonood. Napanganga na sila sa ginawa ko.

"Boss, kami na bahala sa kanila," sabi sa akin ni Sid pagkatapos niya hawakan ulo ko. Nilampasan niya ako at pinatunog yung kamao.

May humawak ulit sa ulo ko kaya napatingala tuloy ako para tignan kung sino. Bumungad sa akin ang makangiting mukha ni Xian. Bakit ba ang hilig nilang hawakan ulo ko?

Nakita ko na lang na nasa harap ko sila Jacey. Umatras na lang ako para hindi ako sagabal sa pakikipaglaban. At wala pa yatang limang minuto, tapos na sila makipaglaban.

"Boss! Uwi na tayo," tawag sa akin ni Xian.

Ako nga pala si Leigh. Sapilitan akong ginawang boss nitong siyam na lalaki sa harapan ko.  Hindi daw sila gangster pero matapos nila mapaaway sa isang grupo ng gangster noon ay sunod-sunod na ang humahamon sa kanila. Kaya wala silang magawa kundi labanan ito.

Hindi na ako nagtaka doon dahil simula nung makilala ko silang lahat, palagi na ako napapaaway. Idagdag pa na kaibigan ko ang isa sa kanila. Kaya ito ako ngayon nagpapangap na leader nila. 

Dedicated to DaddyJ27 and Teddypink27. Sorry kung ngayon ko lang napost kahit matagal na itong nirequest. ^_^v.

Cat meet WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon