CHAPTER 16
Leigh's POV
Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa itong si Jacey. Sasabihin ko naman talaga sa kanya kaso ung papunta ako sa kanila nakita ko silang dalawa ni Dianne. Mukhang nagkakamabutihan na sila. Hindi ko tuloy maiwasang magselos kaya dumiretso na lang sa computer shop.
"Ano ba gagawin ko?" bulong ko habang naglalakad sa tapat ng bahay nila Jacey. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o aalis na lang. Dalawang lingo na kami hindi nag-uusap. Naiinis din kaya ako sa kanya. Sa dinami-dami ng liligawan niya yung kaibigan ko pa.
"Bahala na nga!" lumapit ako sa gate nila at sakto palabas si Jacey. Nagkatinginan kami pero ang loko bumalik ng sa loob. Hindi man lang kinausap.
"HOY JACEY! LUMABAS KA DIYAN MAG-USAP TAYO. WAG MO KO TAGUAN," sigaw ko. Binuksan niya yung pinto saka sumilip.
"Ano pag-uusapan natin?" tanong niya.
"Papasukin mo muna ako," tugon ko kaya lumabas na siya at pinagbuksan ko. Pagkapasok ko, sinipa ko siya sa paa para mapayuko siya saka ko siya binatukan at pinaghahampas at pinagsisipa. Napaupo na nga siya dahil pangbubugbog ko sa kanya.
"Aray! Akala ko ba mag-uusap tayo bakit mo ko binubugbog?" reklamo niya.
"Eh sa naiinis ako sayo eh."
"Ano nanaman ginawa ko? Ikaw nga itong may kasalanan."
"Nagseselos ako kay Dianne. Nakita ko kayo kahapon habang papunta ako sa inyo para sabihin yung tungkol sa Manila. Ay ewan! Bahala ka diyan," pagtatapat ko sabay alis. Nahiya kasi ako bigla sa pinagsasabi ko.
Hinawakan niya ako bigla sa kamay bago pa ako makalayo.
"Wag ka na lang umalis. Kung nagagalit ka dahil sa panliligaw ko kay Dianne, titigil na ako. Dito ka na lang Leigh," sabi niya sa akin.
"Buo na ang desisyon ko," sabi ko sa kanya. Binatawan naman niya saka tumayo.
"Ayaw mo ba talaga magpapigil?"
"Oo."
"Bahala ka nga. Tampo pa rin ako sayo. Ayaw mo magpapigil," aniya saka pumasok sa kanila. Umuwi na lang ako sa amin.
Kaya ayaw ko magpapigil sa kanya dahil siya din naman dahilan ng pag-alis ko. Mas maganda na nasa Manila ako para malayo ako sa kanya. Mas makakamove on ako hindi tulad dito na puro pasakit lang.
BINABASA MO ANG
Cat meet Wolves
Novela JuvenilIsang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng pambihirang lakas. Lakas na hindi mo aakalaing tataglayin ng isang cute babae. Ano mangyayari sa k...