CHAPTER 20
Leigh's POV
"Diba sila yung nakita natin sa mall?" rinig ko sabi ng isang babae. Unang tingin ko pa lang sa kanila, nakilala ko na sila agad. Sila yung nasa mall noon na kinaiinisan ko.
Tinignan ko yung tinitignan nila, nakita ko sila Jacey na nakatayo sa labas ng gate.
"Sila nga. Bakit kaya sila nandito?"
"Baka nag-exam din sila."
"Wala silang kasamang babae ngayon. Tara lapitan natin," suhestiyon ng isa sa kanila. Binilisan ko ang lakad ko patunggo kila Jacey. Hindi ko hahayaang makalapit yung mga babaeng yun.
"Leigh, kamusta exam?" salubong sa akin ni Kei.
"Okay naman. Hindi niyo kasama sila Sam?" tanong ko.
"Pinauwi ko na sila kanina," tugon ni Sid.
"Eh? Bakit?"
"Delikado."
"Delikado?" naguguluhang tanong ko.
"Leigh, napaaway kasi kami kahapon habang pauwi kami," tugon ni Alas.
"Wag niyong sabihing gangster nanaman sila," hula ko.
"Ang galing mo talaga Leigh. Tama hula mo," tumatawang sabi ni Jacey.
"Nagawa mo pa talaga tumawa no? Hula ko din, sila yung grupo na kanina pa tingin ng tingin dito," sabi ko. Pansin ko kasi na may nagkalat na kalalakihan sa daanan. Kumanan man o kumaliwa kami, meron nakaabang.
"Tama ka ulit."
Napabuntong hininga na lang ako at nag-umpisang maglakad. Wala ako pakialam kung may mga nakaabang sa amin. Subukan lang nila humarang, sasapakin ko sila.
"Nagkita tayo ulit," sabi ng isang lalaki na humarang nga sa amin. May bandaid ito sa taas ng kilay at baba.
"Excuse me. Dadaan kami," sabi ko pero may dalawa pang humarang.
"Miss, kaibigan mo ba yang walong probinsyano?" tanong ng isa sa dalawang humarang.
"Oo bakit? May problema ba?" tanong ko.
"May atraso kasi yang mga kasama mo. Pwedeng mauna ka na umalis?"
BINABASA MO ANG
Cat meet Wolves
Teen FictionIsang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng pambihirang lakas. Lakas na hindi mo aakalaing tataglayin ng isang cute babae. Ano mangyayari sa k...