CHAPTER 26
Leigh's POV
Nakatingin lang ako sa likod ni Jacey habang naglalakad kami. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin ako kinakausap ng maayos. Nakasunod lang ako sa kanya dahil ang bilis niya maglakad.
"Ako dapat mauna, hindi ikaw. Ako ang binabantayan mo diba?" reklamo ko sa kanya. Tumigil siya paglalakad at hinintay akong malampasan siya. Siya naman ngayon ang sa likod ko. Nailang tuloy ako bigla dahil ramdam ko na nakatingin siya sa akin.
"Sabay na nga lang tayo," inis sabi ko sabay tabi sa kanya. Kumapit ako sa braso niya para siguradong kasabay ko siya.
Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa school.
"Pasok na ako sa loob," matamlay na sabi ko. Kung ganun siya, sana hindi niya na lang ako sinundo.
"Leigh, may praktis tayo ng basketball mamayang pagkatapos ng klase. Malapit na ang laban," sabi ng ka-teammate ko.
"Okay," sagot ko sabay subo ng pagkain.
"Ayos ka lang?? Kanina ka pa parang walang gana. May sakit ka pa rin ba?" pansin sa akin ni Dianne.
"Ayos lang ako," matamlay na sagot ko. Hindi na siya muli nagtanong at kumain na lang. Naramdaman niya siguro na ayoko mauna pag-usapan yung problema ko.
Napabuntong hininga ako saka tinabi ang pagkain ko. Wala ako gana kumain ngayon.
"Mauna na ako sa room," paalam ko kay Dianne bago siya iwanan kasama ang iba pa naming kaibigan.
"Miss, tawag ka ng lalaking yun," sabi sa akin ng isang babae pagkatapos ako kalabitin. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod na tinuro niya.
"Sino yun?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din alam. Basta pinatawag ka lang niya sa akin," tugon nito.
"Sige. Salamat," pagpalasalamat ko.
Lumapit ako sa lalaking nakatalikod.
"Pinapatawag mo daw ako? Ano kailangan mo?" tanong ko.
"May gusto sana ako sabihin sayo Leigh," aniya habang nakayuko.
"Sino ka? Bakit mo ko kilala?"
"Pwede ba wag tayo mag-usap dito? Doon tayo sa loob," turo niya sa storage ng gym.
"Okay. Basta bilisan mo lang makipag-usap," pagsang-ayon ko agad dahil gusto ko na talaga bumalik sa classroom.
Nauna na ako maglakad sa kanya. Gusto ko na matapos ito agad. Pagpasok ko sa storage biglang akong may naramdaman na parang kuryente sa batok ko at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Cat meet Wolves
Teen FictionIsang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng pambihirang lakas. Lakas na hindi mo aakalaing tataglayin ng isang cute babae. Ano mangyayari sa k...