CHAPTER 32
Leigh's POV
Graduation day...
"Leigh, picture daw tayo!" tawag sa akin ni Dianne. Lumapit ako sa kanila na mga kaklase ko.
"Hindi kita yung iba."
"Sa harap yung maliit."
Hindi ko sila pinansin at hinayaang magkagulo. Nakatayo ako sa bandang likod.
"Sa harap ka," sabi sa akin ni Mark sabay akbay sa akin at itinangay sa harapan. Tumayo siya sa likod ko habang nakapating ang siko niya sa balikat ko. Nagpeace sign siya.
"Wag mo ko patungan," reklamo ko sa kanya pero ningitian niya lang ako.
"Leigh, tingin dito!" tawag sa akin ng kumukuha ng picture namin. Wala akong choice kundi ang tumingin na lang sa camera. Nakatatlong kuha sila ng group photo bago tumigil.
"Saan ka mag-aaral ng college?" tanong sa akin ni Mark.
"Sa Manila," sagot ko.
"Sa sabado na ang alis mo diba?" tanong sa akin ni Dianne.
Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Leigh!" napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Kei," gulat na sabi ko. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta sila.
"Congratulations!" bati nila sa akin.
"Salamat. Mabuti naka--" natigilan ako nang mapansin ko ang masamang tingin ni Jacey. Nakatingin siya sa kamay ni Mark na nakaakbay pa rin. Agad ko ito inalis saka sila nilapitan. Sa totoo lang wala na lang sa akin yun akbay ni Mark dahil palagi naman niya ginagawa yun.
"Sino yun? Bakit siya nakaakbay sayo?" tanong ni Jacey.
"Si Mark yun. Wala lang yun. Ganun lang talaga yun," sagot ko.
"Selos ka nanaman," pang-aasar sabi ni Xian sa kanya. Hindi umimik si Jacey. Halatang wala ito sa mood. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman ako ginawang masama.
"May party sa bahay mamaya. Sama kayo," pagyaya sa kanila Dianne.
"Ayun hinintay namin!" sagot agad ni Xian. Naging close na din kasi sila kay Dianne. Noong mga nakaraang buwan madalas kami pumunta sa computer shop dahil sa mga projects na pinapagawa sa amin. Tinulungan nila kami sa paggawa at simula noon naging barkada na din nila si Dianne.
"Sabihan niyo din sila Hailey," aniya habang nakangiti. Close din siya kay Hailey at Sam. Minsan lumalabas kaming apat kapag may oras kami.
"Hoy! Hindi mo pa ba ako kakausapin?" tanong ko kay Jacey na kanina pa nanahimik at ang walang hiya hindi ako pinansin.
"Aray! Aww!" sambit niya nang sikuin ko siya sa tagilitaran at sipain sa likod ng tuhod.
"Wala nga lang yun. Ano pa sinisimangot mo diyan?" inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Cat meet Wolves
Teen FictionIsang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng pambihirang lakas. Lakas na hindi mo aakalaing tataglayin ng isang cute babae. Ano mangyayari sa k...