CHAPTER 23

1K 67 1
                                    

CHAPTER 23

Leigh's POV

Madaling pa lang nagpaalam na ako kay Sam na uuwi. Nakakahiya nga dahil ginising ko pa siya. Nung una ayaw niya dahil madilim pa pero hindi ako pumayag dahil may pasok pa ako at wala naman akong dalang extrang uniform.

"Salamat wala na sila," nakahinga ng maluwag nang makitang wala ng nakaabang sa labas ng bahay.

Paano kaya kung bumalik sila? Hindi nanaman ako makakauwi agad. Baka magtaka sila Mama. Mamaya ko na nga lang iisipin.

Nagpahinga lang ako ng isang oras sa kwarto bago ako maghanda sa pagpasok. Maaga ako ngayon papasok para kung sakaling hanapin nanaman ako ng mga gangster na yun, nasa loob na ako ng school.

"Leigh, nakauwi ka na pala. Papasok ka na? Ang aga mo yata?" tanong ni Mama na bagong gising.

"Hindi po namin natapos yung project kaya ngayong umaga namin tatapusin. Alis na po ako," pagdadahilan ko.

"Hindi ka ba mag-aalmusal?"

"Sa school na po ako kakain."

Habang naglalakad ako sa kalsada, medyo nakaramdam ako ng takot. Ang tahimik kasi tapos naisip paano kaya kung nagtatago lang yung mga humahanap sa akin tapos bigla ako saksakin.

"LEIGH!"

Biglang may humawak sa balikat ko at dahil sa pag-iisip ko ng masama napasigaw na ako sa takot.

"WAAAHH!" sigaw sabay hampas ng bag ko sa taong humawak sa akin.

"Aray! Aray! Leigh ako ito," aniya at doon ko lang napagtanto na si Jacey pala yung humawak sa akin.

"Ano ka ba? Tinakot mo ko. Akala ko holdaper ka," inis na sabi ko. Ayoko sabihin na napakamalan ko siyang gangster.

"May kinatakutan ka din pala?" pang-aasar niya.

"Bakit ka ba nandito?"

"Tinawagan ako ni Sam. Umuwi ka daw kaya nagpunta agad ako dito. Kanina pa kaya ako nasunod sayo. Ano ba iniisip mo? Hindi mo man lang ako napansin?"

"Wala. Hindi lang talaga kita naramdaman,"

"Leigh, kilala kita. Sabihin mo lang sa akin kung natatakot ka na. Ako na bahala kumausap kila Sid para patigilan ka na pagiging boss namin."

"Hindi naman ako natatakot," mahinang sabi ko.

Bakit ngayon pa kasi nangyari iyon? Kaninang umaga, sinubukan kong buhatin yung mga box na may lamang prutas at gulay doon sa gilid ng pinto para itabi. Dala yata ni papa kagabi. Hindi ko man lang nabuhat ng sabay yung tatlong box. Inisa-isa ko pa tapos nabigatan ako ng sobra. Humina na ba ako? Bakit? Paano?

Cat meet WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon