EPILOGUE

1.9K 91 10
                                    

EPILOGUE

Leigh's POV

"Good Morning Queen," bati sa akin ng mga grupo ng gangster sa school. Sa hindi malamang dahilan bigla akong sumikat. Hindi ko rin alam kung bakit Queen ang tawag nila sa akin.

"Ilang ulit ko ba sasabihin na wag niyo ko tawaging Queen," inis na sabi ko at isa-isa silang pinagsusuntok. Araw-araw na lang ganito pero mukhang walang epekto sa kanila ang suntok ko o gusto nila na sinasaktan sila?

"Ang aga-aga mainit na agad ulo mo," sambit ni Jacey sabay akbay sa akin.

"Paano hindi iinit ang ulo ko? Dahil sa kanila pinag-iinitan ako ng mga babae sa school. Naiisip ko pa lang yun, umiinit na ulo ko," inis na sabi ko sabay patunog ng kamay ko. Gusto ko manapak ngayon. 

"Leigh, may naghahanap sayo na grupo ng kakalakihan sa gate sa likod," sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"Sino?"

"Hindi ko kilala. Sabi nila kung hindi ka daw magpapakita, mangugulo daw sila."

"Dalhin mo ko sa kanila."

Pagdating namin sa sinasabi niya na grupo na naghahanap sa akin, bumungad sa akin ang apat ma gwapong kalalakihan at sa likod nila may mga grupo na mukhang tambay sa kalye.

"Ikaw ba ang tinatawag nilang Queen?" tanong ng isa sa mga gwapong lalaki.

"Oo. Ano kailangan niyo?" matapang na sabi ko. Kung away ang gusto nila handa ako. Tamang-tama dahil mainit ang ulo ko.

Bigla itong naglabas ng bulaklak at inabot sa akin.

"Will you be my girlfriend?" seryosong sabi niya na ikinabigla ko.

"Ha?!" gulat na tanong ko. Hindi niya ba alam na may boyfriend ako? Bigla ako kinilabutan nang may maramdaman akong masamang aura sa likod ko at bago pa ako makasagot may sumapak na sa lalaking nasa harapan ko.

"Ang lakas din ng loob mo na pormohan ang girlfriend ko. Gusto mo na ba hindi abutin bukas?" galit na sabi ni Jacey.

"Who are you?"

"Sino ako? Ako si Jacey,  asawa ni Leigh."

"Ikaw pala ang sinasabi nilang boyfriend ng reyna. Tamang-tama kapag napabagsak ka namin ako na ang magiging hari ng mga gangster. Sugurin niyo siya!"

Napailing na lang ako dahil alam ko na ang resulta.  Masyadong low profile si Jacey kaya masyado nila ito minamaliit.

"Mukhang may katuwaan dito. Pwede ba kami  sumali?" tanong ni Xian.

"Nandito na pala kayo," sambit ko. Ayaw kasi nila na dumadaan sa front gate kaya nauna kaming pumasok ni Jacey. Pinagkakaguluhan kasi sila palagi kapag nakikita. At dahil alam ng lahat sa school na girlfriend ako ni Jacey, walang nagtatangkang lumapit sa kanya kapag kasama niya ako. Kaya ayos lang kahit sa front gate siya pumasok basta kasama ako.

"Tamang-tama ang dating niyo. Masyado sila marami para sa akin. Baka mahuli ako sa klase kung mag-isa lang ako lalaban. Sa inyo na yung mga alagad nila.  Wala ako oras sa mga mahihinang katulad nila. Ako na bahala sa apat na ito," sambit ni Jacey.

"Wag ka mag-aalala kami na bahala sa iba. Sisiw lang ito sa amin,"  tugon ni Xian at nag-umpisa na ang rambulan. Nakatayo lang ako sa gilid at makalipas ang sampung minuto tumba na ang laban.

"Hindi man lang ako pinagpawisan. Kung gusto mong pormahan si Leigh, suguraduhin mo muna na mas malakas ka sa akin," sipa ni Jacey doon sa lalaki kanina. Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan.

"Ito tatandaan niyo. Akin lang si Leigh. Sabihin niyo din sa iba na nagbabalak umagaw sa kanya na kailangan muna nila ako mapabagsak bago kila makuha si Leigh," aniya saka kami umalis.  Wala ako masabi sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun. Kahit matagal ko na kilala, minsan talaga hindi ko mabasa ang takbo ng isip niya. Palagi na lang niya ako sinusurpresa sa mga ginagawa niya tulad na lang ng pagsunod niya sa akin dito sa Manila.

"Leigh, sabihin mo lang sa amin kung may mangugulo sayo. Kami bahala sa kanila," sabi sa akin ni Kei.

"Okay," sagot ko. Masaya din ako na nakilala ko sila Kei. Dahil sa kanila hindi ko na kailangan makipaglaban dahil nandyan sila palagi para sa akin. Para na din ako nagkaroon ng mga nakakatandang kapatid dahil sa kanila.

"Bilisan niyo na diyan. Mahuhuli na tayo sa klase," paalala ni Tyron. Napatingin ako sa orasan.

"Waahhh! Isang minuto na lang. Late na ako!!!" sigaw ko sabay takbo.

"Una na ako sa inyo," paalam ko. Magkakaiba naman kasi kami ng oras ng klase. Mas maaga yung sa akin kaysa sa kanila.

"Wait!" hawak sa akin ni Jacey. Pagkaharap ko sa kanya binigyan niya ako mabilis na halik bago ako binitawan.

"Jaceyyyyy!!!!" sigaw ko.

Ilang ulit ko ba sasabihin sa kanya wag siyang manghahalik bigla sa harap ng maraming tao.  Tumakbo siya bigla habang tumatawa. Wala talagang hiya ang lalaking ito. Pasalamat siya mahal ko siya.

"Humanda ka sa akin kapag naabutan kita!" sigaw ko saka siya hinabol.

"Nag-umpisa nanaman sila," rinig ko na komento ni Alas. Hindi yata buo ang araw kung hindi ako aasarin ni Jacey. Sabi nga nila para kaming aso't pusa kung mag-asaran. Hindi na yata mabubuo ang araw kung hindi ako maasar ni Jacey at hindi ko siya masasapak.

--END

Author's note: Salamat sa pagsuporta ng story na ito. Pasensya kung bitin sadyang maiski dahil special requests ang kwentong ito.

-ImaXlover

Cat meet WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon