CHAPTER 13

1.5K 104 9
                                    

CHAPTER 13

Leigh's POV

"Ang ganda ganda ng tanawin nakasimangot ka diyan," pansin sa akin ni Kei.

"Maganda nga may panira naman ng view," tugon habang nakatingin doon sa dalawang naglalandian. Sakit nila sa mata.

"Bakit ka kasi sa kanila nakatingin? Alam mo na nga na hindi maganda, tinitignan mo pa. Ako na lang tignan mo. Gwapo pa," aniya kaya tinignan ko siya.

"Saang banda?"

"Kahit saang angulo mo ko tignan gwapo ako. Malayo man o malapitan," aniya sabay lapit ng mukha niya sa akin. Halos maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Inatras ko ulo ko pero hinawakan niya ito at tinitigan ako.

"Tignan mo mabuti. Ang gwapo ko diba?" pangkukumbinsi niya sa akin.

"Oo na. Gwapo ka na. Pwede mo na ako bitawan," sabi ko sabay hawak sa kamay niya para alisin. Pero hindi ko pa nga yun natatanggal may kamay ng tumulak sa amin para mapaglayo kami.

"Ano ginagawa niyo?" tanong ni Jacey habang nakatayo sa gitna.

"Nag-uusap," sagot ko agad. Wala naman kami ginagawa bukod doon.

"Nag-uusap? Pero sobrang lapit niyo sa isa't-isa," sabi niya.

"Paki mo ba? Gusto namin ganun eh. Saka doon ka sa nanay mo," pagtataboy ko sa kanya.

"Nanay?" nagtatakang tanong niya.

"Si Loisa, baby ka niya diba?" tugon ko. Sinamaan ko ng tingin si Kei nang mapansin kong nagpipigil siya ng tawa.

"Ayun lang tawag niya sa akin," paliwanag niya.

"Wala ako paki kung ano tawag niya sayo."

"Baby, bakit mo ko biglang iniwan?" tanong ni Loisa nang makalapit sa amin.

"Ayan na nanay mo. Samahan mo baka mawala," sabi ko sabay alis. Pagkababa ko sa parang maliit na bundok na tinutungtungan namin, nakita ko si Alas na kumukuha ng mangga.

"Wow! Pahingi," sabi ko sa kanya sabay lapit.

"Tulungan mo muna ako kumuha."

Cat meet WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon