MAYCEE'S POV:Nanginginig akong bumalik sa loob at nag CR. Nagkulong ako saglit. Hindi ko alam kumbakit ayaw kumawala ng luha sa akin, kung dahil ba sa magkahalong sakit, galit at dismaya?
Ang daming tanong sa isip ko.After a while ay bumalik na ako sa venue. Naabutan kong nando'n na ulit silang lahat.
"Oh Maycee," casual na bati ni Doc. "San ka nanggaling? Tara kain na muna tayo."
Ngumiti lang akong pilit pero nahalata ko ng nag-aalala ng tingin sina Ma'm Balot at Penny. Hindi kaya alam nila ang nangyayari since bestfriend ni Ash si Ms. Pen? Pero alam ko naman na kung may alam sila ay hahayaan nila kami ni Ash ang lumutas nito.
Pinilit kong maging normal pero ang tibok ng puso ko ay hindi makalma-kalma. Casual lang din na nagkukuwentuhan sina Doc Jeys, Carla, Marijo and Ganie. Tinutukso nila si Doc kay Marie na tahimik lang din na nakikitawa.
Bumangka si Ganie. "Oh, nagsave ako ng mga sikat na kanta dyan, mga oldies. Ito kasing si Doc, ang mga kanta eh panahon pa ng lolo ko sa tuhod."
"Baliw! Baka naman puro theme song niyo ni Grace nakasalang dyan ah!"
"Ano? Matagal na kaming wala no'n no! Friends lang kami," sagot niya kay Doc sabay akbay sa gf niyang si Marijo. "Pasaway ka Doc!"
"Naku Marijo, tatagan mo helmet mo d'yan kay Gan," biro pa ni Doc uli.
"Sige birthday mo naman kaya pagbibigyan kita."
"Hahaahh! Buti pa 'tong sina Penny at Balot, may forever."
Nagtawanan lang sila pero ang isip ko ay lumilipad kay Ash at sa babaeng bumangon mula sa kama niya. Gusto kong magtanong kina Ma'm Penny pero para saan pa? Naloko na ako. Wala ng mababago do'n.
Umere ang isang kantang sinave ni Gan, "Set You Free" ng Side A. Si Marijo ang kumanta. Nakakatuwa lang na hindi niya binibitawan ang kamay ni Ganie. Napansin ko rin ang hindi mapaghiwalay na si Marie at Doc. Tatlong pares ng bisexual pala ang kasama ko rito sa loob.
Mas lalong sumikip ang pakiramdam ko. Minsan din akong nangarap na maging ganito kaming muli ni Ash, pero wala eh. Natapos ang kanta at sumunod na inabot ni Gan ang mic kay Doc.
"Oh Jeys, It Might Be You 'yan, idedicate mo na kay Marie, hahahah!"
"Baliw! Naku Marie, huwag mong pansinin 'yang si Ganie, luka-loka 'yan."
"Same feather flocks together, heheheh!" pang-aasar ni Gan."Gaganti ako sa 'yo mamaya, 'kala mo."
Kumanta si Doc Jeys. Nakakaaliw pansamantala kung paano sila magnakawan ng silay ni Marie. Sa isang banda naman ay nakaramdam ako ng inggit. Sana… sana andito si Ash. Bumugso naman bigla ang inis sa puso ko, si Ash na nagtaksil agad isang araw palang kaming nagkaka-balikan.
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Doc."Oist Maycee, since ikaw ang katabi ko, ikaw na ang susunod na kakanta."
"Go! Go! Go!" cheer ni Ma'm Balot. Umiiling iling lang si Ma'm Penny at parang naiinis siya sa partner niya. Kinuha ko ang mic kahit hindi ko alam ang title ng kakantahin ko. Puwede ko namang ipasa ang mic kung sakaling hindi ko alam eh.
"Pag-ibig Kong Ito" ang title na lumabas sa screen. Okay, alam ko ang kantang 'to at isa paboritong kanta ng mga tiyahin ko noon. Nagsimula akong kumanta. Hindi ako magaling pero nasa tono naman. Title agad ay si Ash ang naisip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/111205844-288-k384293.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomanceGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?