* For Grace Legua And Abby Manaloto
Asking me kmusta na sina Em..
Here it is* kay Donna na masipag mag comment....
* at kay Jhace Na nagbabasa habang naghihintay ng pasyente. ;)
Yun lang..
At sa lahat ng sumusubaybay dito kina Em at Shine..
Esp. Kay @net_worm nA unang nagvote..ty!
____________________
》 MANILA
》 JULY 2017SHINE'S POV:
MABIGAT ang kalooban kong umuwi ng Manila. Mabigat in the sense na kailangan kong umuwi na iniwang may pinag-dadaanan si Maycee. She have had enough sufferings and sacrifices.
" 'Yung may feeling sa akin na gusto kong kunin hindi man lahat ay ang ilan sa bigat sa balikat niya.Oo, may kaunting kurot sa akin na makitang nagdalamhati siya sa pagkamatay ni Boyet dahil kaibigan rin naman niya 'yung tao bukod sa ama ng anak niya. Sino ba naman ako? Ako lang naman daw ang taong minahal niya noon na iniwan siya labing-tatlong taon na ang nakakalipas.
I gave her time now, giving her space that shee needs. What makes me happy now is the thought that anytime, I can see her even as friend na. The strong urge deep within me na bumawi sa kanya, nando'n. Di man kami bumalik sa dati in a romantic way, at least magkaibigan kami. That's all, contentend na ako.
Ilang araw ang lumipas at hindi ko muna siya tinetext o tinatawagan kahit kating-kati na akong gawin 'yon. Konting panahon pa ang binigay ko sa sarili ko. July ngayon at next month ay babalik na ako sa Dubai as a nurse.
______
Naisipan kong dalawin sina Penny sa bahay nila sa Quezon City. Dala ko na kasi ang regalo ko kay Pugo."Mabuti naman at napadalaw ka bru," sita ni Penny habang nag-i-slice ng chocolate cake na binake niya. Sideline niya ang baking at nagpapa-order siya online. Pinahinto na muna siya ni Balot sa pagta-trabaho para masubaybayan ang hyper na si Pugo.
"Eh eto nga kasi o, 'yung regalo ko sa bata. Kulet!"
"Lagi ka niyang hinahanap. Nasa'n na raw 'yung Ninang Playmate niya."
"Asa'n na ba sila?"
"Kasama si Balot, nagpagupit. Kakaalis lang eh. Magba-bike pa 'yun sa village pagkatapos."
"Magulang na magulang ang dating ni Balot ah!"
"Natural. Ano pa nga ba?"
"Ay Penny, open pa ba 'yung sa Silvercrown?"
"Na ano?"
"Iyung tinawag ni Balot sa akin last week, dun sa nagresign na nurse?"
"Ahhh... oo, open na nga 'yon. Sabi niya may hinihintay ka raw na prospect? Okay ba 'yun?"Kumagat ako ng cake at uminom ng juice. Tutuksuhin ako ng bongga malamang kapag sinabi kong si Em 'yon.
"Ahhm... oo sana. Iconsider niya."
"Eh sino ba 'yan?"
"Actually.... Si... si Em."
"Yung first mo sa lahat ng firsts?"
"Hehe! Yep."
"Oh bakit anyare?"Kinuwento ko kay Penny ang lahat ng nangyari hanggang itong makabalik ako ng Maynila.
"Feeling ko kasi makakatulong kung luluwas siya dito at makahanap ng bagong work. For the meantime lang naman habang hindi pa siya stable, at least may income siya."
"May two weeks pa naman bago mawala ang nurse do'n. Timbrehan ko na 'yung HR para sa kanya. Kamusta naman ang ex mo? May tugudug ba ulit?"
"Tugudug ka dyan? Ano, teen ager lang? Wala no!"
"Aaaashuuuu! Wala raw pero ang concern, hmmm... aminin!"
"Ewan ko ba. Basta! Iba! Di ko maexplain eh. Parang nando'n pa rin na di ko mahukay, alam mo 'yon?"
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomansaGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?