EM'S POV:Pag-baba ng telepono ay di na magkanda-ugaga ang puso ko sa pagtibok kasabay ng ngiting tila nakaplaster na sa labi ko. Dinala ko pa sa dibdib ko ang cellphone at napapikit. Nabulong ko ang pangalan niya. "Oh Ash… Ash.."
Umuwi ako eksaktong alas singko ng hapon. Nagpahinga saglit at humiga ng kama ng nakabihis pa.
Tumawag si Ash.
"Hello!"
"Ash!"
"Sa'n ka na?"
"House bakit?"
"W-wala. Chineck ko lang. Baka kasi ano.."
"Aaaasssh! Ano ka ba? Akala mo aatras ako? Sus!"
"Naniniguro lang, mahirap na."
"OA mo ah. Sige na, shower lang tas bihis na ako."
"Okay. Sunduin kita ng seven?"
"Okay.."Bumangon na ako, naligo at nagbihis. 6:30 ng tumawag si Ash na nasa labas na siya ng bahay. Sabi ko mag buzz lang, may magbubukas naman. Natagalan ako sa salamin. Di ko kasi alam paano aayusin ang buhok ko. Pusod ba, ladlad ba, half pony, lahat, clip? Haaaay!
"Ate…" biglang may kumatok. "Ate, 'yung bisita mo, pawis na, sira electricfan sa labas. Papasukin ko na kaya?"
Bigla kong nabitawan 'yung brush. Susmaryosep!
"Ahm…. S-sige na nga papasukin mo na lang."
Sinara ko ang pinto at mabilis na tinali na lahat ang buhok ko. Nag-lisptick na lang din ako at nagspray ng pabango.
Tok! Tok! "Em…. Shine to."
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Baket baaa? Bakit ba kasi ang sexy ng boses mo Shine, buwisit ka!
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang ngiti niya. Haaay ang smile mo Shine, parang pangalan mo. Ang liwanag!
"Pasok ka," sabi ko sa kanya at pinaupo ko siya sa isang monoblock. Nakapantalon siya at isang pink and white na chekered polo. Di naman nagkakalayo porma namin.
"Babae ka ngayon ah," puna ko. Kinuha ko na ang pouch ko at naglock ng aparador.
"Ikaw lagi mo akong niloloko, ano ba tingin mo sa akin?"
"Aba malay ko ba kung nag-popormang lalaki ka."
"Di ah!"
"Tara na?"
"Eh.. Em puwede bang maki Cr muna meron kasi ako."
"Hahaahha!"
"Bakit?"
"Babae ka nga."
"Bully ka Maycee ah."
"Hahaha! Tara, andito sa likod 'yung banyo."Tinuro ko sa kanya ang CR. Tumalikod si Ash at naglakad. Sinipat ko ang katawan niya. Ang sexy pa rin niya, at ang gustung-gusto kong legs niya, pamatay. Ayan, inaatake na naman ang pagnanasa ko, hahah!
Inayos ko na ulit ang sarili ko. Sa loob ng labing tatlong taon na inasam kong makasama ulit siya, natutupad. Wala akong kasing -saya.
After ni Ash magbanyo ay lumabas na kami. Dala niya ang kotse niya. Sa loob ng sasakyan ay kinabit ko na mag-isa ang seatbelt ko. Delikadong maglalalapit si Ash sa akin baka masunggaban ko na talaga siya.
Umandar na kami. Bakit ang cute cute mo Shine? Bakit hindi ka nagbago? Bakit? Bakit?!
"Have I grown two heads already?" tanong niya. Nabalik naman ako sa huwisyo. Gaano na ba katagal ko siyang tinititigan?
"Ha? Hindi naman, tingin ko tatlo na, haaha!"
"Namiss mo 'ko no?"
"Ikaw ba hinde? If I know, after all these years…. Kung hindi tayo nagkita sa Mindoro, hindi mo maaalalang nag eexist pa pala ako."Natahimik si Shine. Ang sakit pala kasi totoo. Pero ayos lang, mahalaga magkasama kami.
"Okay lang 'yun Ash. No worries. Choice ko rin namang hindi ka sundan. May mga inasikaso rin ako lalo na no'ng nagkasakit ang nanay. Habang bawat taon nu'ng second year college tayo, nadadagdagan ang responsibilidad ko bilang panganay so mas inisip ko ang pamilya ko kaysa sa problema ng puso ko."
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomanceGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?