Chapter 1: Mahal Kita Kasi

3.8K 100 7
                                    

ASH'S POV:
BAGUIO JUNE 2017
MY BEDROOM

         PINATAY ko ang aircon. Para lang akong nanonorture sa sarili ko di ba? Ummulan, nasa Baguio ako, naka aircon pa?

         Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ang isang upuan at umupo sa tapat ng bintana. Nandito ako sa bahay ng pinsan ko para magbakasyon.

        Lagi ako dito sa tuwing matapos ang summer para walang masyadong tao. Ang kaibahan lang, wala akong girflriend na kasama sa pag-iinit sa lamig ng panahon.

        Ilang taon na ba ang nakalipas? Hmmm...tatlong taon na ang huli kong seryosong relasyon. LDR. Hindi nakayanan, hindi niya nakayanan. Nakipagbreak siya para lang sabihin na ayaw na niya at gusto na niyang bumuo ng isang normal na pamilya. Abnormal ba ako? Tsk! Tsk!

         Matapos no'n ay marami na akong naka-fling sa loob ng dalawang taon, twenty eight ako no'n. Then sa loob pa ulit ng tatlong taon, madalang na lang. Padate-date na lang.
Gusto ko kasi ng seryoso, hindi experiment, hindi pakikipaglandian, hindi open relationship na okay ang sex na walang commitment, ayoko na no'n.

        Ano nga ba ang hinahanap ko? O nasa'n na ba ang humahanap sa akin? Bakit hindi kami magtagpo? Sa'n bang lupalop naro'n ang THE ONE ko?

        I tried na mangibang bansa. Madali akong maging successful sa work, madali akong makapag-adjust pero may kulang pa rin sa puso ko.
Pumikit ako na mariin at inalala kumpa'no kami nagbreak ng huli kong girlfriend.

       
           "Babe, hindi tayo ang para sa isa't-isa. Sa loob ng tatlong taon, naging maganda ang pakikitungo mo sa akin. Pinaramdam mong mahal mo ako pero sa loob ng tatlong taon, hindi ko maipaliwanang kumbakit parang may kulang. I mean, parang hindi ko mafeel na buo ang pagmamahal mo? May space, may puwang, may pader.
Hindi mo man ako maiintindihan sa ngayon pero alam kong may isang taong nakalaan para sa 'yo. Yung taong pupuno sa space dyan sa puso mo. Minahal kita Ash, huwag mong isiping hindi. Pero wala ng patutunguhan ito. Ayoko ng lokohin ang sarili ko."

         Hindi ko napigilang hiwalayan ako ni Yeyet until I knew na nagpakasal na siya. Halos gumuho ang langit at lupa sa mundo ko. Wala rin namang saysay kung susundan ko pa siya sa UK.

        Matapos ang break-up na 'yon, baka ang sinasabi niyang space ay kung iibig na ako ng lalaki para katulad niyang magpamilya na rin ako.

        Nakipagdate ako sa isang manliligaw sa akin sa office. Walang may alam kung ano ako sa work. He kissed me pero wala eh. I tried to respond pero wala talaga. Hindi lalaki ang gusto ko.
---------

        Bumalik ako sa kama at humiga. Iidlip na lang ako ng kumatok ang pinsan ko.

       "Ash, may work ka ba next next week?" tanong ni Rein pagkaupo sa kama ko.

       "Wala pa naman, sa August ang balik ko ng Dubai bakit?"
       "Pupunta kami ni Mama sa Mindoro, baka gusto mong sumama? Dadalaw kami nina Lola. Ang tagal na nating hindi dumadalaw do'n."

       Allergic ako sa lugar na Mindoro. Kumbakit? Dahil nasasaktan ako ng huli akong umalis sa lugar na 'yon.

        "Titingnan ko Rein. Sabihan kita. Idlip muna ako."
       "May sakit ka ba? May hot choco sa kusina?"
      "Okay lang. Mamamya na lang. Marami lang akong iniisip. Alam mo na, tumatanda na, hahaah!!"
      "Si Ate o,.... nasa kalendaryo ka pa."

      Humiga ulit ako at pumikit. Bumalik ang isip ko sa panahon ng aking kabataan. Kung saan nagsimula ang lahat...

****************
FLASHBACK:
MINDORO JUNE 2001
ASH: 15 YRS. OLD.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon