Chapter 29: Ikaw lang

1.2K 56 9
                                    


SHINE'S POV:

       Nagbubunyi ako ng malamang kinancel niya 'yung suitor niya.

       "Alam mo ba Ash, naaawa na talaga ako kay Stanley. Hindi na matuluy-tuloy ang date namin. Pero kahit gano'n, matiyaga pa rin siya sa panunuyo."

       "Buti hindi ka dinadalaw sa bahay?"
       "Wala akong pinagsasabihan ng tinutuluyan ko."
       "Mabuti naman."
       "So... bakit ka naman napunta sa SilverCrown? Buti at hindi mo ako inalisan ng trabaho bilang nurse?"
       "You're asking what is obvious. There's no other way para mabantayan kita."
       "Lakas mo talaga kina Ma'm Balot no?"
       "Iba na ang pogi."
       "Hahahah! Baliw! Girl na girl ka tas pogi?"
       "Eh basta, gano'n na rin 'yon."

Silence.

       "Em...."
       "Hmmm?"
       "For once ba, within the days we're apart, did you ever miss me?"

       "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero gaya ng sabi ko, move on na lang. Kung tayo sa huli, kahit ano o sinong kumontra, tayo pa rin."
       "Em...."
       "Ano na naman?"
       "Puwede ba tayong magsimulang muli? I mean, ah... chill lang. Sabi ko nga hindi na ako magmamadali basta bigyan mo lang ulit ako ng chance."
         "Okay sige. Basta 'yung usapan na walang moves sa office. Ayokong matsismis, ayokong madistract."
        "Promise."

        Hinatid ko si Maycee sa apartment niya. Hinayaan ko lang siyang maging tahimik buong byahe sa kotse. Sapat na sa aking katabi siya kahit hindi siya magsalita. Masaya na ako sa chance na ibibigay niya.

       "Pasok ka muna, ipagtitimpla kita ng kape," alok ni Em.
       "Sure ka ba?"
        "Huwag ka ng maarte. Premyo mo na sa mga effort mong ihatid ako kahit malayo."
        "S-sige."

        Pinark ko ang kotse sa tapat ng compound nila. Hindi na ako hinintay ni Em na pagbuksan siya at mabilis siyang bumaba ng kotse.

        "Nandiyan pa ba 'yung dagul na aso ng kapitbahay?"
        "Hahah! Wala na, umalis na sila."
        "Nakakatakot kasi 'yon."
        "Wala na nga, tara na," sabi niya. Medyo madilim papaunta sa pinto ng apartment niya.
        "Ano ba 'yan, di ko mahagilap ang susi ko, haaay!" sabi ni Em habang naghahalungkat sa bag niya.

        "Ikaw talaga, sabi ko naman sa 'yo ihanda mo na kapag malapit ka na. O kaya sa isang pocket lang ng bag mo ilagay."
        "Eto na ho, eto na ho."

         Pagpasok ng apartment ay walang kaingay-ingay. "Ang tahimik naman dito," puna ko.

        "Natural, alas onse na ng gabi. Tulog na'ng mga nakatira rito. Wait lang, dyan ka muna."
        "Sure. Take your time."

        Habang nagtitimpla si Em ng kape ay di ko maiwasang hindi mangiti. Hindi pa rin ako makapaniwalang tinanggap niya akong muli sa buhay niya.

        "O, kape. Nagde-daydream ka na naman dyan," tukso ni Em.

        Kinuha ko ang kape at nilagay sa lamesita. Umupo si Em sa kabilang sofa. Medyo tinamaan ako ng kaba.

        "Huwag mo nga ako tingnan Em, nakakakaba ka naman eh."
        "Ha? Bakit naman? Di naman kita kakainin?"

        Sumilay ang isang pilyang ngiti sa labi ko. Ibang "kain" kasi ang pumasok sa isip ko.

        "Tumigil ka Ash, alam ko nasa isip mo. Ubusin mo na 'yang kape mo ng makauwi ka na at antok na ako no."
       "Sama?'
       "Sa'n ka sasama?"
       "Sa kama mo?"
       "Pangahas ka na, abusado ka pa! Sige na, inumin mo na 'yan."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon