Chapter 26: Makita Kang Muli

1.2K 66 2
                                    

SHINE'S POV:

     "Jack! Ano ba?!" Naiirita kong sabi at pilit kumakawala sa yakap niya. Pinilit kong kumalas sa kanya.

       Later I knew na blocked na ako sa social media account ni Em. Tsk! I know, I know she assumed things based on what she saw. Parang kahapon lang, kanina lang, ang saya saya ko, namin. Pero bigla ring bagsak para sa amin. Hindi nga ba talaga meant na maging masaya ako?

      "It's Over. Salamat sa isang araw. - M." Ito ang huling mga letrang natanggap ko mula sa kanya.

         Balingan ko man ng galit at sumbat si Jack ay wala rin namang mangyayari.  Nanlulumo akong lumabas ng kuwarto. Gusto kong mag-isip.

       "Ash….  Sleep na tayo," lambing ni Jack. Wala talaga siyang idea sa nangyari.
       "Mauna ka na. Iinom lang ako saglit."

       Balewala sa kanya ang sinabi ko at bumalik lang siya ng kama. Umupo ako sa sofa sa salas at pumikit.
Hanggang maisipan kong tawagan si Penny. Gusto kong malaman ang lagay ni Em. Ring lang ng ring ang cellphone ni Penny, gano'n din si Balot. Hindi na ako mapakali, sobra akong nag-aalala.

     Nag-palipas ako ng ilang minuto. Humiga na ako at pumikit. Sinariwa ang mga araw na magkasama kami ni Em bago ako bumalik dito. Alam kong hindi sapat ang ilang linggo para ma-earn ko ang tiwala niya pero umasa ako. Gusto ko agad sumuko pero hindi iyon ang binubulong ng puso ko.

   Tumayo ako at sinubukang tawagan uli si Penny. Pasalamat ako't sinagot na niya.

    "Pen!"
    "Shine?"
    "K-kamusta si Em?"
    "Maycee? Okay naman bakit? Iniwan ko nga sa loob na kumakanta. Nag Cr lang din ako. Bakit?"
    "Nagvideo call siya kanina. Okay naman kaso pagpasok ko ng kuwarto ko, hindi ko naman alam na do'n tumuloy si Jackie. Eh si Jack walang
sabing yumapos sa likuran ko. Nakita niya. Nakipag break agad."
     "Hay! Eh wala naman kasing ngingiti sa makikitang ang lover niya ay may nakayapos no? Ayan na nga ba sinasabi ko eh."
     "Naka block na ako sa kanya. Ayaw na nya ako kausap. Paano ba gagawin ko Pen?"
    "Palipasin mo muna."
    "Puwede ko kaya siyang makausap?"
    "Okay susubukan ko."

      Maya-maya ay narinig kong tinawag niya si Maycee. Matinding panalangin ang nausal ko na sana ay sagutin niya.

       "Hello…" matigas ang tono niya. Salamat at sinagot niya.
       "Maycee…. Please magpapaliwanag ako."
       "Alam mong hindi ko mahihindian si Ma'm Penny ah. Gumamit ka pa ng ibang tao."
       "Em… nagmamakaawa ako please naman. Huwag namang ganito."
      "Wow! Huwag ganito pero ikaw puwedeng gano'n? Aba't sinusuwerte ka naman masyado, madam?"
      "Sasabihin ko naman, naunahan lang."
     "Naunahan o dahil nakita ko na lang?"
    "Hindi, hindi gano'n. Tingin mo ba ivi-videocall kita nang alam kong nando'n si Jack?"
    "So, she's truly Jack? The ex-live in partner ha? So, ano gusto mong maramdaman ko?"
    "Em, hindi ko inaalis kung anuman ang nararamdaman mo pero sana naman…"
    "Hindi ko pinangarap maging kabit kahit kailan Sunshine!"
    "Wala kaming relasyon Em. Okay, pinuntahan niya ako then ako nag offer na makituloy muna siya sa akin. Pero, 'yun lang yon."
     "Maaaring oo totoo ang sinasabi mong wala kayo pero Shine, siguro nga hindi na kita gano'n kakilala."
     "Em please…. Give me a chance."
     "Magpalamig muna tayo. Sige na, nakakahiya na sa kanila sa loob. Sabihin umeeksena pa tayo."
     "Kakausapin mo pa ba 'ko?"
      "I don' know Shine, I don't know."
      "Em…."

       Humikbi na ako at naiiyak. Di ko na mapigilan kasi ayokong layuan niya ako.

     "Huwag mo akong iyakan Shine. Hindi pa ako mamamatay at kailangan pa ako ng anak ko."
     "Ano ba kailangan kong gawin para…. Para huwag mo lang akong iwasan?"
     "Huwag mo muna akong kausapin o kaya kung sincere ka, umuwi ka rito sa Pilipinas."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon