Em's POV:
Makalipas ang anim na buwan ay pinangatawanan kong walang komunikasyon kay Shine. Alam kong nasaktan ko siya. Masakit din sa aking mawalay sa taong mahal mo pero kailangan kong gawin para makabangon muli.
Sa bawat gabi bago matulog ay hindi naman siya nawala sa isip ko. Iniisip ko na lang na kaunting panahon pa, umaasa rin naman akong
makakasama ko siyang muli.Noong mga unang buwan ay sinusubukan pa niyang makipag-ayos pero ngayong huminto na siya, hinahanap hanap ko pa rin siya. Masakit na sumuko na siya pero sino ba naman akong nag-iinarte eh ako itong nakipag-hiwalay?
Maaga akong gumising kinabukasan dahil sa delivery ng bigas na tinitinda ko sa palengke. Yes, nakakuha kami ng puwesto na dahil sa ninang kong mag-aabroad na. Bukod sa bigasan na sobrang mabilis ang kita ko ay nakakuha rin ako ng puwesto katabi ng pinsan ko na itlog naman ang tinda.
Mabuti na rin ito na hawak ko ang oras ko. Minsan ako, minsan si Yella na kapatid ko at minsan ay ang pamangkin ko namang si Migs ang tumatao sa bigasan. Sa bahay nama'y may online job din ako ng mga damit. Sa ganitong paraan ay nagkaka-oras pa ako kay Isha.
Hinatid ko anak ko sa tyahin ko at buti hindi siya umiiyak kapag iniiwan ko. After three hours ay susunduin ko naman.
Papunta na ako ng palengke at naabutan kong may tatlong customer si Yella.
"Ilan Ate?" tanong ko agad sa isang ginang bago pumasok ng tindahan.
"Dalawang dosenang itlog, Em. Libre tray?"
"Agnes?!"
"Yyyup!"Inayos ko ang pinamili niya. Si Agnes ang bestfriend ko no'ng elementary. Noon pa ma'y totomboy tomboy na siya pumorma at mas lalo ngayon. Hindi ko sure if alam niya ang tungkol sa akin dahil grade five pa lang kami ay lumuwas na siya ng Manila.
"Hindi ka nagbago. Buti nakauwi ka?" Binigay ko 'yung binili niyang itlog saka siya napagmasdan.
"O, ano ba gagawin mo dyan?"
"Kinulang para sa lecheflan ni Tita. 70th ni Lola bukas. Punta ka."
"Haaay how I wish. Kamusta ka na ba?"
"Ito may asawa na. Pero wala pang anak."
"Talaga lang ha. Guwapo pa sa 'yo?"
"Hahahah! Babae napangasawa ko. Ikaw as if di mo alam."
"Natuluyan ka talaga?"
"Hahahah! Baliw! O sige na, basta babalik ako dito bukas. Bigay ko imbitasyon."Bumalik ako sa puwesto. Seaman ang asawa ni Yella. Naglilibang siya dahil nang manganak siya ay may congenital heart disease 'yung sanang unang pamangkin ko. Hindi nakayanan ng kawawang sanggol at ito'y nawala sa amin.
"Sino 'yun Te?"
"Ah bff ko no'ng elementary."
"Astig no?"
"Grabe nag-asawa ng babae."
"Obvious naman 'te ano ka ba naman. Eh ikaw? Di mo pa pangarap ikasal?"
"Kasal? Wala nga akong boylet."
"Eh sa girl? Kay ate Shine?"
"Ano?! Anong Ate Shine? Hindi na nagpaparamdam 'yon. Tama na si Isha. Okay na 'ko do'n.""Mas okay pa rin may katuwang sa buhay. Wala naman na si Nanay na tututol kaya sige na, okay lang sa 'min ni Yuri. Basta kung saan ka masaya."
"Naku, tigilan mo na ilusyon mo."
"Hindi ako nag-iilusyon. I'm just hoping for your happiness Ate. Malay mo, one of these days, nasa harap na natin siya?"
"Hay naku! Ayusin mo na mga itlog mo dyan!"
"Gusto mo bang bumalik sa itlog te?"
"Ano?!"
"Ayaw mo na ba sa tahong? Balik itlog ka na?"
"Baliw!!"Iniwan ko na si Yella sa tindahan. Dumaan ako sa Palawn express para ipadala ang kulang sa renta ng boarding house ni Yuri sa Manila. Mabuti naman at sinunod niya ako na ipagpatuloy ang masteral niya.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Maghihintay? (Completed)
RomansaGxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. Thirteen years had passed, they met again. Is there a chance to start the fire or will they just leave things as it used to be?