Chapter 37: Here I am

1K 45 3
                                    


MAYCEE'S POV:

      HINDI pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. All the while, akala ko ay hindi na darating ang araw na makikita ko si Ash. May mga araw, gabi na iniisip ko siya - the good old days… kung saan na ba inanod ng panahon ang pagmamahalan namin.

     At ngayon? Magsasama na naman ba kami para maghiwalay ulit Ngayong nandito siya, katabi ko makalipas ang ilang taon ay gano'n pa rin ang aking pakiramdam - maligaya kahit ilang ulit kaming nagsama, naghiwalay, nagsama, naghiwalay. Nagkita ba kami para magsama't maghiwalay ulit?

       "Ano'ng nangyari?" Tanong ko. "I mean, ano? Pa'nong? Kailan?"
     "Isa-isa lang ang tanong babe," sagot niyang nakangisi.

      "Huwag mo 'kong i-babe-i-babe d'yan Ms. Sunshine."
      "Why o why? Are'nt you happy?"
      "Masaya ako sa buhay ko, huwag mo ng guluhin," bigla kong nasabi. Saglit na nabanaag ko ang lungkot sa mata niya pero nabawi naman at agad siyang ngumiti.

      "Asssuuus! Si Babe  talaga o, di pa rin marunong magsinungaling. Tara na nga, do'n na tayo sa bahay mo."
     "Ano?! Ano'ng bahay ko?"
     "Alam mo ikaw, talagang hindi ka nagbago, kuripot ka pa rin."
      "Huh?"
      "Matapos kitang ipagmaneho, buhatin ang lahat ng deliveries mo? Mapawisan ang lahat ng singit ko? Kili-kili ko?"
      "Aba! Eh, sino bang may pakana ng 'to? Padisguise-disguise ka pang nalalaman?!"
      "Sabi ko nga eh. Tara na nga, nagugutom na ang mahal mo."
      "Mahal ka dyan! Sige na, magdrive ka na. Do'n na sa bahay."
      "Talaga Dear?"
      "Deaaar?? Eeew, tigilan mo nga kaka-ganyan mo! Hindi tayo close."

     Lumapit sa akin si Ash. Bakit gano'n? May pawis pero amoy baby pa rin?

     "Hindi nga ba?"
     "Hinde! Kaya sige na, ang init-init puro ka kalokohan."
     "Hi! Hi! Hi! Nag-iinit ka na?"
     "Sunshine!" Saway ko sa kanya.

      Naging magaan ang naging pag-uwi namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ano'ng nangyari bakit siya nandito? Is she here for good?

     Pagdating sa bahay ay pinapasok ko siya. Naiilang ako sa ayos niya dahil hinubad niya 'yung longsleeves niya kanina kaya naka tight lang siya na sando. Ayoko na sanang magcomment pero hindi ko napigilan.

    "Upo ka muna, wala ka na bang ibang damit?"
    "Wala eh."
    "Tsk! Para ka na namang nang-aakit d'yan sa sando mo. Bakat na at malapit ng lumuwa iyang suso mo."
    "Okay lang kung ikaw naman ang maaakit," sagot niya sabay kindat.

    "Ewan ko sa 'yo. Ano gusto mong kainin? Kung hindi ka lang naging delivery man kanina, nungka papuntahin kita rito."

    "Haaay! Emz na masungit. Huwag ka na nga kasing magsungit. Papangit ka lang. Huwag ka na mag-abala, parating na si Yella."
    "Yella? Ano?!"

     Magrereact pa ulit sana ako ng umalingawngaw ang tili ni Yella mula sa pinto ng salas. Dala dala niya ang isang bilao ng palabok ni Manang Puring, ang paborito kong palabok simula ng bata ako. Buti na lang kahit namayapa na si Manang ay nakuha pa rin ng mga anak niya ang timpla.

     "Ate!!!" tili niya na akala mo kinukurot sa singit. Kinuha ni Shine 'yung bilao at nilagay sa mesa sa kusina.

     "Oist babae!" Sita ko sa kanya. "Alam mo'ng lahat ng 'to?"
     "Yesiree!"
      "At proud ka pa ha? Aha! Gawa-gawa mo lang ba 'yung delivery kanina?"
      "Totoo naman 'yon. Sumakto lang sa drama ni Ate Ash, ahehehe!"
      "Lagot ka sa akin mamaya!"
      "Te naman…"

       Sinundan ko silang dalawa sa kusina. Abala nilang inayos ang dalang icecream at palabok ni Yella. Komportableng komportable ang galaw ni Sunshine na tila dito siya nakatira. Sabagay noong kami pa, madalas din namin gawin ito na kumain sa kusina matapos magreview sa salas.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon