Chapter 31: Miss Kiss

1.3K 73 2
                                    


SHINE'S POV:

      Medyo napahiya ako sa sinabi ni Maycee. "Hindi naman sa gano'n, inaalala lang kita. Pero kung okay naman pala sa 'yo eh di tuloy ko na panliligaw ko?"

      "No expectations."
      "Just let me."
      "Ikaw bahala."

      Matagal kaming natahimik. Nag-iisip din siya. I want to hold her hand.

      "Okay Em, I will take this slow. No expectations. So, I have to go now. It's late, pahinga ka na."
      "Okay."
      "Hindi mo talaga ako pipigilan ah."
      "Hay nakuuu! Umuwi ka na nga! Ang drama-drama mo talaga. Sige na," naiiritang may pagka-aliw niyang sabi. Tumayo na ako dahil gabi naman na talaga. Ayokong mapulaan pa rin siya ng mga dorm-mate niya.

      Kinabukasan, second day ko sa Silvercrown. Susunduin ko sana si Maycee sa bahay pagpasok kaso biglang nagcall 'yung St. Agnes Hospital reminding me my interview today. I checked my calendar sa cellphone at hindi ko pala nai-save ang appointment na 'yon.

      Nagtext na lang ako kay Balot na hindi ako makakapasok sa umaga. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na rin nasabihan si Maycee.

      My interview went well but still I have to consider the other hospital na inaplyan ko. Mas maganda ang benefits do'n. After interview ay mabilis akong nagdrive at huminto sa isang flower shop.

      Ala una y media na ako nakarating sa opisina. Hingal akong umakyat. Haaay! Sinaksak ko kaagad ang kable ng cp ko at nalobat ako. Hindi ko pa kasi maharap bumili ng powerbank at mukhang kailangan ko na ngayon.

      Excited akong buksan ang cp ko. Nalungkot lang akong walang reply si Em sa dalawang text ko. Tinawagan ko siya sa local niya.

      "Hi Doc, Shine here. Si Em?"
      "Hindi pa bumabalik. Nagpa-alam saglit."
      "Ah okay."
      "Nag-away ba kayo?"
      "Hindi, bakit?"
      "Wala naman. Mukhang wala sa mood eh."
      "Ah baka may topak na naman. Puwede ba ako pumunta dyan? May pasyente ba?"
       "Wala naman, sige lika na. Hintayin mo na rito."
      "Okay, okay."

      Nagpa-alam ako sa isang staff na pupunta ako ng clinic. Malapit na ako nang halos magkasabay kami ni Em.

      "H-hi," nahihiya ko biglang sabi.
      "Hi." she replied coldly.
      "Aahh...."
      "Ano?"
      "Aaah...kumain ka na?"
      "Malamang alas dos na."
      "Ahh..."
      "Papasok ka ba?" sabay turo niya sa pinto.

      "Ahm.. No, no. Hinintay lang talaga kita."
     "Para?"
     "Para... ahm ano.. Wala sige alis na ako," sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Ano ba 'yan? Bakit parang wala na naman siya sa mood?

      Bumalik na ako sa office ko. Hindi ako mapakali. Kasi, kasi! Si Em! Binuksan ko na lang ang laptop ko. Ambilis sumagot ng ospital na pinuntahan ko kanina. Nakareceive agad ako ng email na for another interview ulit ako bukas.

      Bandang alas tres ay nagcall naman ang flowershop na binilhan ko ng bulaklak at nasa lobby na raw. Ang bilis naman?!

      Sinabi ko ang floor kung saan ang clinic ni Maycee at do'n ko na pinaderetso. Naghintay ako ng sampung minuto at nag-abang ng response niya. Pero twenty minutes na ay wala pa siyang text or call. Haaay!

Maycee's POV:

      Tinanggap ko na sa sarili ko na gusto kong pagbigyan muli si Sunshine. Ayoko na ng mga panahong iisipin ko ang mga what if what if na yan.

       Kaninang umaga ay umasa akong susunduin niya ako. Nag-ayos ako at extra effort na maging maganda pero walang Shine na dumating.

      Pumasok ako sa office at tanging goodmorning text lang at hello ang natanggap ko mula sa kanya. Tumawag ako sa office niya at indirect na hinanap siya kunyari. Wala pa raw si Shine at hanggang maglunch time ay walang Shine na nagparamdam.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon