Chapter 5: Memories

1.6K 111 7
                                    

ASH'S POV:

    KINARGA ni Rein si Isha at lumapit sa akin. "Ilang taon na siya Al?" tanong ni Rein.

   "Kaka-three lang."

     Nilaro ni Rein si Isha sa kama. Ako nama'y parang di alam ang gagawin. May isang pagbabalik-tanaw kasing naganap matapos kong tumingin sa mata ng bata.

     Isang buwan bago kami maghiwalay no'n ni Em ay nagpasya kaming maglakad-lakad sa tabing dagat. That time, hindi ko inisip ang ibang taong maaaring makakita sa magkahawak naming kamay.

    "Ash…alam mo una palang gusto ko ng maganda, maayos at malaking pamilya. Gusto kong magka-anak. Pero no'ng minahal kita, nabago.
Pamilya kita, mahal kita. Marami namang paraan para magka-anak ang katulad natin hindi ba? Kailangan lang talaga ipon, pera gano'n."

      Pinisil ko ang kamay ni Maycee. Natutuwa ako na hindi nabago ang pananaw niya tungkol sa pamilya. Na posible 'yun sa amin.

    "Oo dear, maraming paraan. Kaya dapat makatapos tayo tas sabay makapag-abroad."
    "Walang iwanan Ash…"
    "Oo naman."
    "Ilan ba Ash gusto mong anak?"
    "Hahaha… kung ilan ba kaya mong iire eh!"
    "Eh paano kung hindi pala ako puwede magbuntis?"
     "Eh di ako."
    "Eh kung tayo pareho, unable to conceive a child?"
     "Eh di….wala. Tayong dalawa lang forever."

---------------

     Bumalik sa present ang diwa ko. Ngayon ko narerealize, every details ng memories namin ni Em, sariwa pa sa isip ko. Akala ko lang pala na nakalimot ako pero ang totoo, nasa puso at isip ko pa lahat. Walang mintis na kaya kong ulit-ulitn ang lahat. May lungkot na namayani sa akin.

     Nilaro ko ang paa ni Isha. Ito….itong batang 'to ang isang katuparan ng pangarap niyang magka-anak na malaking porsiyento na hindi ko maibibigay. Huling nagpa-Executive Check up ako ay may myoma ako. Isa pang kumurot sa puso ko ay isipin kung paano nabuo ang batang ito.

     Si Boyet. Psssshh…..ayoko ng isipin kung paano nila ginawa 'yon. As if may karapatan akong masaktan gayong ako hetong ilang babae na ang naikama.

    "Gumawa na rin kasi kayo," biro ni Allison. "Ano pa kasing inaantay niyong dalawa? Tamo kami ni Maycee, may isa na. Para saan ba ang pagpapakahirap niyong magtrabaho kung wala namang pag-alalayan? Wala pa ba?"

    "Eh sa wala eh. Di pa time. Ewan ko lang dito kay Ashang, kung may balak, hahahah!!!"

     "Ay, okay lang ba iwan ko muna ang bata? Magtitimpla lang ako ng dede sa kusina," paalam ni Allison.

     "Sure, si Ashang bahala, hahah!"

     Nilaro namin si Isha. Tahimik lang 'yung bata at nangingilala. Bumalik si Allison dala ang dede.

     "Girls, baka puwedeng, dito muna si Isha. Balikan ko na lang?"
     "San ka pupunta?" Tanong ko.

    "Kukunin ko lang 'yung strainer na hinihiram nina Em. Magulo do'n ngayon kasi nga sa party ng come-back chuchu ni Yella. Ewan ko ba, kapos na nga budget, papa-impress pa 'yung partido no'ng lalaki na 'yon."

    "Sige, kami ng bahala," sagot ko. Dumede si Isha hanggang tuluyang pumikit na ang mata.

     "Lagi mong iniisip ang past niyo no?" Rein asked.

     "Ha? Bakit?"

     "Laging malalim iniisip mo. Madalas wala sa mundo ang utak mo, nasa nakaraan. Kilala kita."

    "Rein…. kung sakali kaya, mapatawad pa ako ni Em? Baka hindi ko kayaning makitang galit siya sa akin."

    "We didn't know eh. Ano bang nasa isip mo?"

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon