Chapter 33: Quiet moment

1.2K 57 2
                                    


MAYCEE'S POV:

     Lumipas ang dalawang buwan na bumalik kami ni Ash sa dati. For a while, feeling namin ay bumalik kami sa dati, thirteen years ago. Best effort ni Ash, pinapakita niya kung gaano ako kahalaga sa kanya at gano'n din ako.

   Hindi naman maiaalis ang away, tampuhan basta ang mahalaga kayo pa rin na nagkakaintindihan. Mas ako ngayon ang naging moody at siya naman ang mas humaba ang pasensiya.

      Buwan ng Disyembre ay pareho kaming naging toxic sa trabaho. Siya bilang nurse at ako nama'y nanatili sa clinic ng SilverCrown. Ayos lang naman daw lumipat ako ng trabaho dahil ang skills ko daw ay hindi pang clinic lang. Nagresign na rin si Doc Jeys sa kompanya at may pumalit ng lalaking doktor.

     Madalas naming pag-awayan ni Ash ang bagay na 'to. Masyado siyang selosa- mas ngayon kumpara noon. May panahon na gusto ko ng mainis pero inuunawa ko naman. Parte naman talaga ang selosan blues sa relasyon.

      "Babe….," sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Nakapatong ang ulo ko sa lap niya at nagmo-movie marathon lang kami sa apartment ko.

        Lumipat na ako ng malapit sa trabaho para isang jeep na lang. Pumili ako ng isang kuwarto na ako lang. Paano'y request na rin Ash na magiging lovenest na rin namin ito at parehong malapit sa work namin.

     "Babe? Ano namang tawag mo sa akin? Ayaw ko nga nyan, lahat na lang babe?"
     "Eh ano?"
     "Kahit ano basta wag lang babe."
     "Hala…. O sige Honey my Labs?"
    "Naku ewan ko sa 'yo Sunshine."
    "May naiintindihan ka ba sa palabas? Matulog na kaya tayo?"
    "Masakit pa ulo ko eh. Patugtog ka na lang kaya tapos hilot mo pa rin ulo ko."

       Bumangon ako at pinatay niya yung TV. Sinalang niya ang cd ni Celine Dion at bumalik sa kama. Humiga si Ash sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit.

       "Mukhang mauuna pa akong makatulog sa 'yo Em."
     "Sige go lang," sagot ko naman pagkahawak ng kamay niya at hinapit ko pa siya papalapit sa akin.

       Wala na talagang tatalo sa paghigang katabi mo ang mahal mo.

     "Em…" bulong niya.
      Hmmmm?" mahinang sagot ko.
    "May pangarap ka ba para sa atin? I mean, nakikita mo ba ako sa future mo?"
     "Nakita na kita Ash noon pa. Ikaw lang ang bumitaw. Kaya kitang ipaglaban, ikaw lang ang nang-iwan. Ewan ko ba sa 'yo."
     "Pinag-sisihan ko na 'yon. Andito na ako. Natatakot lang ako na baka ikaw naman ang matapang na iwan ako."
     "Ano 'to gantihan? Ikaw talaga."
    "So ano ngang plano mo?"
      "Ash…ano bang plano? Ano ba ang plano natin? Diba makaipon? Ako para sa anak ko, sa nanay ko."

       Saglit na hindi kumibo si Shine. Humigpit ang yakap niya sa beywang ko.

    "Nasa'n ako do'n Em?"
    "Haaay! Natural kasama ka."
    "Natatakot lang ako pero hindi ko alam kung saan ko nahuhugot."
    "Ilang beses na kitang tinanggap, wala ka pa ring tiwala sa akin."
    "Basta huwag mo akong iiwan, Em. Hindi ko kakayanin."
     "Ash, hindi kita iiwan okay? Matulog ka na…."

       Nakatulog si Ash nang naka-akap sa likod ko. Hinayaan ko muna siya. Nang mahimbing na siya ay saka ako bumangon. Hindi pa alam ni Ash na uuwi ako ng Mindoro nitong bakasyon. Mahina na raw si Nanay at gustong ako ang nakikita. Susubukan ko ang dalawang linggong bakasyon at kung hindi talaga kaya ay magreresign na ako sa trabaho.

      "Kumusta ang Nanay?" bungad ko sa kapatid ko sa telepono.

      "Nakauwi na ate. Medyo ayaw nga kumain. Kailan ka raw ba uuwi. Kung anu-ano na sinasabi."
      "Next week uuwi na ako. Bahala na. Si Isha?"
      "Tulog na rin Ate. Nakakaawa kasi sa tuwing videocall kayo after, iyak ng iyak."
       "Tsk. Os ige, basta kahit early next week, makakuha ako, uuwi ako."

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon